Pramis, May Forever Talaga
ni CallMeBoss
"Here comes the other groom!"
Pinunasan ko ang malamig na pawis na gumuguhit sa aking pisngi. Napahinga ako nang malalim kasabay ng pagpikit at pagdilat ng aking mga mata. This is it. Hinawakan ko nang mabuti ang bulaklak na nasa mga kamay ko't binilisan ang paglalakad.
Pakiramdam ko, bawat hakbang ng mga paa ko'y kakainin ako ng lupa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang sobrang bagal naman nang paghinga ko. Bakit ako nagkakaganito? Ewan ko ba. Ito siguro 'yong pakiramdam kapag ikakasal ka na sa taong mahal na mahal mo, ito siguro 'yong pakiramdam kapag handa ka nang i-alay ang buong pagkatao mo sa kaisa-isang lalaking isinisigaw ng puso mo.
Ngumiti sa akin ang pinakagwapong lalaking nakilala ko at nginitian ko rin siya. Kahit malayo, ramdam ko ring kinakabahan siya. Kahit malayo, ramdam ko ring pareho lang kami ng nararamdaman.
Natatakot.
Nananabik.
Sa paligid namin, nakapalibot ang mga taong minsan nagbigay-kulay sa mundo naming dalawa. Karamihan sa kanila, hindi natanggap kaagad ang relasyon naming dalawa. Karamihan sa kanila, tingin sa ami'y makasalanan n'ong una. Pero malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil unti-unti, nagawa nila kaming tanggapin.
"Ang tagal mo naman, Mahal. Kanina pa ako inip na inip sa 'yo," sabi ng taong nagmamay-ari ng puso ko, kamot-kamot ang likod ng batok niya. Kinuha niya ang aking kamay at ipinulupot iyon sa kanyang braso sabay kindat sa akin. "Pero hindi bale, kahit gaano katagal, handa akong hintayin ka."
"Sus! Basket BOLERO ka talaga."
"Mahal naman, e!"
"Sssh. Ikakasal tayo, o. Nakakahiya kay Father!" Lumingon na kami sa padreng hindi man namin kalahi'y malaki ang pasasalamat namin dahil tanggap niya kung ano kami.
Europe. Isang bansa kung saan idinaos ang kasal na pinakahihintay ko. Isang bansa kung saan inilagak ko na ang aking sarili sa lalaking pagtutuunan ko na ng buong buhay ko. Makasalanan man kami sa paningin ng iba, wala kaming pakialam. Hangga't may pananalig kami sa Diyos at mahal namin ang isa't isa, walang makakapigil sa amin. Dahil pramis, may forever talaga.
BINABASA MO ANG
WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATION
RandomWattMag_Ph June 2015: Unveiling the New Generation