TITLE: Horoscope
TOPIC: Horoscope (Types of Students Edition)
BY: Kachuuumiiieee and eyuuhx
Aries (March 29-April 19):
Ang mga Aries ay ang mga estudyanteng maloko at walang ginawa kung hindi ang mantrip ng mga kaklase. Kung lalaki ka, madalas babae ang trip mo at kung babae ka, wala kang trip pero sa isip mo, binubully at nilalait mo na ang iyong kaklase. Masipag kang mag-aral pero ayaw mong kumembot at tumambling para pumasa pero dumarating din ang pagkakataon na kapag gusto mo pumasa, nakakapasa ka, hindi lang basta pasa! PASADONG PASADO KA! Pasadong pasado ka dahil barkada mo ang top sa klase ninyo at pasimple kang gumagawa ng ninja moves upang alam na dis!
Taurus (April 20-May 20):
Ang mga Taurus ay ang mga estudyanteng childish. Kulang na lang sapakin ka ng mga kaklase mo at teacher mo sa sobrang pagka-childish mo pero matalino ka. Matalino ka na, childish ka pa! Nagpa-check up ka na ba? Hindi kaya special ka? Kasi alam mo ba? One of a kind ka! Pero huwag kang mag-alala, isa ring advantage ang iyong pagka-childish, dahil dito, madali mong nauuto ang mga kaklase mo at madali ka nila kaawaan.
Gemini (May 21-June 21):
Ang mga Gemini ay ang mga estudyanteng magaganda't gwapo na madalas ilaban sa mga beauty contests sa school. From the word Gemini (GEM-ini) isa kang gem na maganda. Isa ka sa mga iniidolo ng mga ka-eskwela mo. Madalas ay ikaw ang attention of the day. Lahat nga nga sa'yo, pati ang grades mo, nga nga sa'yo! Mag-aral ka muna bago magpaganda o magpa-gwapo! May itsura ka nga, nga nga naman.
Cancer (June 22-July 22):
Ang mga Cancer ay ang mga estudyanteng madalas ka i-bully. Hindi ka lumalaban kasi masyado kang mabait. Sa sobra mong bait pinapakopya mo na din ang mga kaklase mo. Pero kapalit n'on ay ang mga libre. Mabait ka, hindi iyon maikakaila ng sinuman. Minsan pa nga, sa pagpapakopya mo, hindi mo namamalayan, nasa tabi mo na ang teacher mo, pero dahil sa mukha kang aso, teacher's pet ka, kung kaya't hindi ka napapagalitan. Sa sobrang bait mo, nabihag mo na ang puso ng isa sa mga kaklase mo. Oo nga pala! Kaklase mo ako, sana mapansin mo.
Leo (July 23-August 22):
Ang mga Leo ay ang mga estudyanteng PAASA at PA-FALL. Madami ang humahanga sa'yo. Gwapo/Ganda mo kasi pero chararat naman ang ugali mo at nga-nga rin ang mga grades mo. Ikaw 'yung tipo ng estudyanteng nagpapagawa pa ng assignment sa isang taong alam mong may gusto sayo. Aba?! Ano'ng trip mo? May mapapala ka ba?! At alam mo ba, sa ginagawa mong 'yan, pinapaasa mo ang isang tao! Pinagmumukha mo siyang tanga! Oo, hindi masama na magpatulong, pero hindi porket alam mong may gusto sa'yo, aabusuhin mo na! Buti sana kung ang nakakakuha ng grades mo ay 'yung taong deserve niya, edi sana kwits kayo, kaso hindi! Sinaktan mo puso niya, ninakaw mo pa grades niya! Kaloka ka! Umayos ka! Loko ka! Gusto mong sampalin kita?! Ipapalapa kita kay Lion King! Nasasaktan ako sa ginagawa mo, hoy! Ang sakit eh. Nga pala, ROAR daw sabi ni Katy Perry!
Virgo (August 23-September 22):
Ang mga Virgo ay 'yung mga estudyanteng playboy or playgirl o 'yung maraming flings pero hindi nila alam na kahit nanloloko sila ng nararamdaman ng ibang tao at papalit palit ng minamahal, may isang taong nagmamahal nang tunay sa kanya na handa siyang tanggapin. Ikaw ang tipo ng taong hindi mahirap mahalin. Oo, matigas ka, ipinapakita mo sa lahat na hindi ka nasasaktan, na okay ka lang, pero mayroong isang taong nandiyan na alam na peke lamang ang lahat ng ipinapakita mo. 'Yun 'yung taong nandiyan sa tabi mo kung mayroon kang problema. Alam mo ba? 'Yung taong nandiyan parati sa'yo, hindi mo napapansin. Kapag nalagay ka sa alanganin, kanino ka ba tumatakbo? Palagi mo siyang ginagawang pansamantalang unan sa tuwing ika'y nahihirapan. Ginagawa mo siyang pansamantalang panyo sa tuwing ika'y nasasaktan. Pero kapag siya na ang nasasaktan nang dahil sa'yo, hindi mo alam, hindi ka aware, dahil akala mo, ikaw lang ang mayroong pinakamalaking problema sa mundo. Wala ka naman kasing dapat ika-problema. Kung mapupunta ka lang sana sa akin, ako na mismo ang gagawa ng paraan para hindi ka na mamroblema. *winks*
Libra (September 23-October 23):
Ang mga Libra ay 'yung mga estudyanteng matalino, madiskarte at ma-effort. Ikaw 'yung estudyanteng matalino. Matalino ka pagdating sa academics at active ka sa extra-curricular activities sa school mo. PERO! Pagdating sa love, tanga ka. You're fragile. Madali ka magmahal, 'yun nga lang, 'yung minamahal mo, 'yung taong hindi mo deserve. Ang effort mo, hindi lang sa iyong pag-aaral nakikita. When you love someone, nage-effort ka sobra, pinaparamdam mo kung gaano mo siya kamahal, pero hindi pa rin pala sapat 'yun. Try mo kaya mahalin si Virgo? Tutal pareho kayong fragile. Umiwas ka kay Leo, paasa 'yang mga 'yan eh.
Scorpio (October 24-November 21):
Ang mga Scorpio ay ang mga estudyanteng paborito ng mga teacher. Isa ka sa mga 10 estudyanteng paborito ng teacher mo. Matalino ka kasi at maasahan pero mas gusto mo na hindi ka paborito kasi sa tingin mo nawawalan ka ng kaibigan dahil nga paborito ka. Marami rin ang naiinggit sa'yo at inaaukasahan kang strawberry dahil sa ika'y sipsip daw, pero iyon lamang ay dahil generous ka talaga.
Saggitarius (November 22-December 21):
Ang mga Saggitarius ay 'yung mga estudyanteng "NOBODY". Maganda / Pogi ka at matalino pero madalas ay hindi ka napapansin. Invisible ka sa karamihan, actually, sa laaht ng tao, hindi ka napapansin, hindi npka naman kasi ganoon ka-attractive. Marami ring mga tao ang nagkakamali ng interprasyon sayo at sa mga ginagawa mo. Mabait ka, oo, pero maraming naiinis sa'yo dahil nilalamon ka ng insecurities sa katawan mo. Madalas, mas gusto mong kausap ang teachers mo kaya nasasabihan ka ng kung ano-ano. Sipsip ka raw pero hindi naman talaga, sadyang matured ka lang mag-isip at hindi kaya ng level ng utak ng mga kaklase mo.
Capricorn (December 22-January 19):
Ang mga Capricorn ay ang mga estudyanteng pangit. Panget ka. Pangit ang ugali mo at panlabas na kaanyuan. Matalino ka nga lang at ito rin ang nagiging daan upang makilala ka ng marami. Oo, may mga nagugustuhan ka (usually, sina Libra at Pisces), pero madali mo silanh nagiging boyfriend/girlfriend. Alam mo kung bakit? Kasi easy-to-get ka eh, madali kang mauto, tapos kapag nakakopya na sila sayo ng sandamakmak at nakuha na nila ang kailangan nila sa'yo, mapa-pera man o baon, iiwan ka na bigla. Pero huwag kang mag-alala, mayroon pa ring mga taong tunay na nagmamahal sa'yo, isa na ako roon. I love you.
Aquarius (January 20-February 18):
Ang mga Aquarious ay ang mga estudyanteng sporty. From the word aquarius, AQUA, isa kang atleta at dahil doon, nangangailangan ka at mahilig ka sa tubig. Minsan nga ay inaasar ka nilang agua bendita, pero dahil iyon sa iyong magandang kutis, kaso nga lang, sobrang kulang sa improvement sa iyong facial features. Dahil mahilig ka sa tubig, isa kang STRAW, isa ka ring sipsip sa teacher.
Pisces (February 19-March 20):
Ang mga Pisces ay ang mga estudyangteng TOTAL PACKAGE. Sabi nga ni Daniel Padilla, nasa iyo na ang lahat, matalino, mayroong maganda / gwapong mukha, magandang ugali, pero malas ka sa pera. Minsan, malas ka sa pera, swerte ka sa pag-ibig. O hindi kaya'y malas ka sa pag-ibig, swerte ka sa pera. Kung ikaw ay swerte sa pera at malas sa pag-ibig, maipapayo ko sa'yong mahalin si Libra dahil madali mahulog ang loob nito. Ngunit kung swerte ka sa pag-ibig, malas ka sa pera, hiwalayan mo ang jowa mo. Tara, magpakasal tayo, ako na bahala sa problema mo. *winks*
BINABASA MO ANG
WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATION
RandomWattMag_Ph June 2015: Unveiling the New Generation