Ipon? Tipid? Paano?

167 10 0
                                    

Title: Ipon? Tipid? Paano?

Topic: Estudyante Problems: Paano makapagtipid ng baon at makapag-ipon?

Written by: Onitas

Isa sa pinakamalaking problema ng estudyante ngayong pasukan ay kung paano sila makakapagtipid at makakaipon ng kanilang mga baon. Mahirap nga naman gawin ito lalo na't marami tayong bagay na maaaring paggastusan; kagaya na lang ng mga new released albums, books, merchandises, concert tickets, at iba pa. Sa panahon ngayon, kaunti nalang sa mga kabataan ang marunong magtipid at mag-ipon kaya naman ito ang ilang paraan kung paano natin maiiwasan ang paggastos ngayong pasukan.

Una:

Kapag ikaw ay magtitipid o mag-iipon dapat may paglalaaanan kang isang bagay. Bakit mo ito ginagawa? Dahil ba may gusto kang bilhin sa susunod na summer? O extra money lang para kung sakaling nangangailangan ka may ipanggagastos ka? Mas madali ang mag-ipon o magtipid kapag may isang bagay kang pinaglalaanan, dahil kung hindi ay pwedeng mauwi lang sa ganitong scenario:

Nasa canteen ka ng paaralan niyo at gusto mong bumili ng pagkain kahit na hindi talaga kailangan. Siyempre, 'pag may pinaglalaanan ka, iisipin mong kailangan mong iwasang bumili pero kung wala, itatatak mo sa isip mo na mayro'n pa namang pagkakataong mag-ipon bukas.

Kaya dapat, pag-isipan mo na ngayon kung bakit mo ginustong mag-ipon at mag-tipid.

Pangalawa:

Kung ikaw naman ang uri ng studyanteng binibigyan ng monthly allowance ng magulang mo, boarder ka man o hindi, mahalaga ang paglilista ng mga bagay ng kailangan mong paggastusan o paglilista ng mga bagay na pinagkagastusan mo. Kailangan ito para malaman mo kung magkano ang matitirang pera sa 'yo pagkatapos ng buwan, para kung nakita mong sobra ang paggastos mo sa isang buwan, mababago mo ito at mas madali mong matitipid at maiipon ang allowance mo.

Mahalaga ang paglilista lalo na kung marami kang gawain at binabayaran.

Pangatlo:

Paano naman kung kasama ka sa mga barkadang mahilig gumimik? Mahirap naman tanggihan sila kung dati ay sumasama ka. Mas maganda kung yayain na lang sila sa isang bahay ng kaibigan at doon na lang kayo tumambay at 'gumimik'. Mas okay naman kung magkakaroon kayo ng maliitlamang na snack party, mas mura na at nakasama mo pa ang mga kaibigan mo.

Pero kung gusto mo talagang maiwasan ang paggastos para mas malaking pera ang iyong maipon, hindi naman masama ang tumanggi, kaibigan ka naman nila at maiintindihan ka nila.

Pang-apat:

"Magastos ako noon, kaso gusto ko mag-ipon, mababago ko pa ba ang pagiging magastos ko?" Kung 'yan ang tanong mo sa sarili mo, oo ang sagot. Dapat ay marunong kang pumigil sa sarili mo, kung gusto mo talaga ang makapag-ipon, bakit hindi mo iwasan ang mga bagay na pinagkagagastusan mo noon? Gumawa ka ng plano, kung anong bibilihin mo o di kaya'y humanap ka ng mas murang version. Kung ikaw 'yong klase ng taong hindi kayang pigilan ang sarili sa paggastos, mas mabuti pang humanap ng mas mura. Sa paraang ito, mabibili mo na ang ninananais mo, makakatipid ka pa.

Pang-lima:

Ang pinaka importante sa pag-iipon at pagtitiipid ay ang pagiging responsable at pagiging totoo sa sarili. Dapat hindi mo niloloko ang sarili mo. Halimbawa, sasabihin mo sa sarili mong hindi ka gagastos ngayong araw pero pagkatapos ng klase ay ang dami mo nang inuwing mga pinamili. Sarili mo lang ang niloloko mo. Kailangang paninindigan mo ang pagtitipid at pag-iipon.

Hindi naman masama ang gumastos, basta may natatabi ka para sa sarili mo.

WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon