Secrets Revealed!

63 8 2
                                    

TITLE: Secrets Revealed!

TOPIC: EP: Scenarios kapag nandyan na si Crush

BY:Kachuuumiiieee

Crush;

: to press or squeeze (something) so hard that it breaks or loses its shape

: to break (something) into a powder or very small pieces by pressing, pounding, or grinding it

: to defeat (a person or group that opposes you) by using a lot of force

Pero sa diksyunaryo nating mga pinoy, ang 'crush' ay nangangahulugang isang stage bago pumunta sa 'like' at matuloy sa 'love'.

Ngayong pasukan, uso nanaman ang mga crushes. Hindi lamang si crush ang nauuso, ngunit pati na rin ang mga 'muling ibalik moments', mga kilig moments,at marami pang iba.

Meron ba kayong kaibigan na kapag dumarating na si crush ay daig pa ang sinapian? Kapag nakikita si crush, tumutulo ang laway? At kapag nakikita si crush, pag-uwi mo ng bahay, bugbog sarado ka na?

Ano-ano nga ba ang scenarios kapag nandyan na ang crush mo o ng kaibigan mo?

Una, hindi mawawala ang kilig. Ano nga ba ang kilig? Ang kilig ay ang feeling mo na parang kinukuryente ka at dinadaluyan ng isang mahiwagang tren ang iyong buong sistema. Para kang wala sa sarili mo na nagiging dahilan para ngumiti ka nang hindi mo mapigilan.

Sa ating mga babae, normal lamang ang kiligin. Hindi ko sinasabing abnormal ang mga lalaki kung sila'y kinikilig, pero iba kasi ang dating kapag tayong mga babae na ang kinikilig. Iba-iba kasi ang intensity ng kilig ng mga babae;

Intensity One: Hindi-mo-feel Level- Ito 'yong level kung saan ang mga babaeng, kung makaasta ay parang hindi dumaan ang crush nila kung pagbabasehan mo lang ang hitsura nila. 'Yong para bang normal na tao lamang ang dumaan sa harap niya at hindi siya tinatamaan ng kilig. Pero sinasabi ko sa'yo, nanginginig na 'yan sa kilig at konti na lamang, lalabas na ang puso niyan.

Intensity Two: Pabebe Level- Ito 'yong tipo ng babae na ngingiti lamang sa mga kaibigan niya 'pag nakita si crush. Sila 'yong kadalasang nasa in denial stage. 'Yong tipong dadaan ang crush nila, lolokohin siya ng barkada niya, pero tatawa lamang siya at hindi mapigilang mapangiti at mamula. Kinikilig 'yan pero ayaw niya lang talagang aminin kahit halatang halata na.

Intensity Three: Alert Level- Ito 'yong level kung saan kailangan mo nang maghanda sa pag-lisan dahil sa kaibigan mong kapag dumating 'yong crush, parang sinapian ng kiti-kiti sa sobrang likot at parang nagkaroon ng powers ni Manny Pacquiao dahil sa lakas ng hampas at suntok na makukuha mo.

Tao rin ang mga lalaki kung kaya't may nararamdaman din sila. Oo, kinikilig din sila, hindi ninyo lamang alam dahil hindi nila pinapa-alam, pinapakita at pinahahalata. Tulad sa ating mga babae, mayroon din silang intensity ng kanilang pagka-kilig.

Intensity One: The Cool Level- Kapag ang lalaki kinikilig, pa-simple lamang 'yan. Kapag ang barkada mong lalaki ay tumahimik, biglang yumuko, at nakaramdam ka ng kakaibang aura kapag kasama mo siya, asahan mong dumating na ang crush niyan.

Intensity Two: The Mr. Smiley Level- Kapag ang lalaki kinikilig, kadalasan tatahimik 'yan at biglang ngingiti. Kakaibang ngisi ang bibitawan niyan kapag 'yan ay kinikilig. Itong level ang karaniwang makikita at mapapansin sa mga lalaki.

Intensity Three: The 'Secret' Level- Ito na ang secret ng mga lalaki sa tuwing kinikilig sila. Ako mismo, hindi ko alam na ganito pala sila ka-grabe kiligin, sinabi lamang sa akin ng isa sa mga lalaki kong kaibigan. Sa level na ito na kilig ng mga lalaki, nasa loob sila ng kanilang sariling kwarto at saka sisigaw. Pero 'wag ka! Ang kanilang sigaw ay pwedeng naglalaman ng mg mura o 'di kaya "I love you na talaga, *sasabihin ang pangalan ng crush*!"

Sa buhay nating mga estudyante, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hinahangaan, ngunit dapat alam din natin ang pagkakaiba ng crush sa like- sa love at sa OAna pagkaka-crush.

Minsan kasi sa buhay, hindi maiiwasan ng crush mo na aminin sa 'yo na crush ka rin niya. Ikaw, ang akala mo, kapag gusto ka rin ng taong gusto mo ay malaki ang tsansang mahalin ka rinniya. Hindi naman imposibleng mauwi sa pagmamahal ang simpleng pagkaka-crush dahil d'yan talaga ang simula ng lahat, pero dapat lagi nating tatandaan na ibang usapan na kapag sinabing "pagmamahal". Kapag naging pabaya tayo, ano ang nagiging resulta? Umasa ka lang para masaktan.

Hindi naman masama magkaroon ng crush kasi minsan, isa 'yan sa mga nagiging rason kung bakit inspirado tayong pumasok araw-araw at nagkakaroon ng kulay ang ating buhay estudyante. Though, we should know our limits to prevent yourself from pain when we fall in love.

Ikaw? Anong scenario na ang nasaksihan mo kapag dumadating si crush?

WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon