Chapter 3

20 3 0
                                    

"Dito na po ako," sambit ko nang makarating sa loob ng bahay.

Nilapitan ko si Papa na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng diyaryo. Pagkatapos kong magmano ay si Mama naman ang pinuntahan ko dahil narinig ko ito sa may kusina kasama si Tita Flor. Dumiretso na rin ako sa kwarto ko matapos no'n. 

Biyernes na ngayon at dalawang araw na ang nakakalipas simula nung binalik ko kay Mavy 'yung hoodie niya sa studio ng Cryptic Blue. Siniguro kong hindi na ulit magtatama ang landas naming dalawa dahil hindi na kami dumadaan pa sa studio nila. Hindi rin ako sumama kay Lori nung niyaya niya ako nung isang araw sa 23rd Street. Pero sa school naman ay wala akong choice dahil makakasalubong at makakasalubong ko pa rin si Mavy. Kusa na lamang akong umiiwas sa kaniya sa tuwing makakasalubong ko siya, at sa tingin ko ay napansin niya rin 'yon. 

I just don't want to get involved in any issue, especially with Mavy. Marami ang nakakakilala sa lalaki at sino mang nasa paligid nito ay malamang na makikilala din ng mga tagahanga nito. Kapag nagkaroon pa ng issue tungkol sa'ming dalawa ay mapapahamak lang ako lalo na kapag nakarating pa ito sa mga magulang ko. Professor si Papa sa school namin kaya imposibleng hindi niya nasasagap ang mga balitang kumakalat sa school namin. And as much as possible, I want to maintain my peaceful life.

"Ate Giselle, it's time for dinner na," I smiled when I heard my younger brother's voice. 

Kahit papaano ay napapagaan ng mga ngiti niya ang loob ko. Matthew knows how to make the people around him happy. Kahit pa ito ang pinaka-sakitin sa'min ay siya naman ang pinaka-positibo at masayahin sa'min.

Hinawakan ni Matthew ang kamay ko at hinila ako para tumayo. Sumunod ako sa kanya hanggang sa bumaba kami sa dining area para kumain. 

Si Ate Maica ay wala pa rin hanggang ngayon. Hindi naman siya pagagalitan kahit late nang umuwi dahil it's either may readings 'to o may klase pa. Pre-law student things. Kahit mahirap ang pagla-law ay mukhang magiging worth it naman kapag naging abogado na siya.

Nang makumpleto na kaming lahat sa mesa ay nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. 

"Matthew, look oh, your favorite," saad ko at tinuro 'yung paborito niyang ulam na nuggets.

Abot tainga naman ang ngiti nito nang kunin ko ang plato para bigyan siya. 

"Gulay ang ipakain mo sa kapatid mo, Giselle. Alam mo namang sakitin 'yan, huwag mo sanaying ganiyan ang kinakain niyan," pagtutol ni Mama.

Sumimangot naman si Matthew dahil hindi siya makakakain ng paborito niya. 

"Minsan lang naman po, Ma. Umiinom naman po lagi ng gamot si Matthew."

"Kahit na. Hayaan mo siyang matutong kumain ng gulay." Hindi pa rin ito pumayag. 

Bumuntong-hininga ako at naaawang tumingin kay Matthew. I mean, hindi naman siguro makakasama kung kumain siya ng isang pirasong nuggets. Masunuring bata naman si Matthew kaya bakit 'di na lang siya pinagbigyan. Hindi na rin sana sila nagluto nito kung hindi rin makakakain ang bata. 

Muli akong napatingin kay Matthew nang hawakan niya ang kamay ko mula sa ilalim ng mesa. "Okay lang, Ate," he mouthed. 

Halos kumirot ang puso ko nang makita ang reaksyon nito. Imbis na magtampo at magalit ay nakangiti pa rin ito. How could he have such patience. 

Sa huli, si Mama rin ang nasunod sa kakainin ni Matthew. Wala namang kaangal-angal ang kapatid ko dahil kinain nito bawat gulay na inihain sa plato niya. 

"Kamusta nga pala ang pag-aaral mo, Giselle? Tapos na ba 'yung project na sinasabi mo?" pag-iiba ni Papa.

Hindi ko nagawang tumingin sa mga mata nito dahil gawa-gawa ko lang naman 'yung sinabi ko sa kanila noon. "Opo, Pa... Natapos na namin." I tried not to stutter.

The Way I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon