"My head hurts! I need a hangover food!" reklamo ni Lori habang tumitingin sa menu.
It's eight o'clock in the morning and we're out to eat breakfast. Mamayang alas-dyis ang klase namin pero nagkayayaan kami na magkita ngayong umaga dahil may mga hangover pa sila.
"Hindi na talaga ako iinom. Ayoko na!" Si Silvie habang nakatungo sa mesa dahil nahihilo pa rin.
Panay lang ang tawa namin ni Colette sa dalawa dahil sila lang naman ang maraming nainom. They were almost wasted when I saw them in the car last night. Inabot pa kami ng isang oras kanila Silvie dahil panay ang suka nito sa dorm nila nung ihatid namin kagabi.
Bandang alas dos na ako nakauwi ng bahay kaya ilang oras lang ang tulog ko. Ginawan pa nga ako ni Tita Agnes ng hangover soup dahil expected niya ay magpa-party ako nang todo kaya natawa na lang siya nung malaman na nag-aral lang ako imbes na pumarty.
"Sinabi mo na rin 'yan last time, Silv," I said rolling my eyes. "Masyado ka 'yatang nag-enjoy sa party kagabi," pang-aasar ko at nginisian siya.
Hindi ko alam kung anong mga naging kaganapan kagabi dahil nga nasa Starbucks ako pero panay ang banggit ni Silvie kay Oliver nung pauwi na kami kaya may kutob ako na may something na sa dalawa.
"Of course, I enjoyed! Umuwi 'yata ako na may number ni Oliver," pagyayabang niya at ipinakita pa ang kapiraso ng papel na hawak niya kung saan nakalagay ang number ng lalaki.
"Talandi ka!" Hinampas ito ni Lori sa braso at sabay kaming nagtawanan.
Our food then arrived so we started eating our meal while still having our conversation.
"Nako, nako... Hindi lang si Silvie ang nag-enjoy kagabi 'no! May isa pa kaya rito ang lumalandi!" Colette smirked.
I was quietly eating my food when I noticed them staring at me. I almost choked because of their teasing looks!
Lori raised her brows. "Ikaw, ha! Kanina ka pa walang binabanggit!" aniya at pabiro akong kinurot sa gilid.
"B-bakit ako?" inosenteng tanong ko sa kanila.
"Hoy, 'wag kang pa-inosente diyan! Nakita ko kayo ni Kade na magkasama kagabi!" akusa ni Colette. "Akala ko nag-Starbucks lang mag-isa. Gulat ako may taga hatid si Ate mo girl! Biglang naging mahinhin at may pagkaway pa nga!"
Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. I didn't know that she saw us! Akala ko kasi ay tulog siya dahil nakita ko siyang nakatungo sa steering wheel nung tumigil kami ni Kade!
"Akala ko ba forda aral ang gagawin, Nads? Hindi mo naman sinabing forda landi rin," Silvie teased and winked at me.
Halos mamula na ang pisngi ko dahil sa pang-aasar nila. Sabay-sabay pa silang nag-apir habang tinatawanan ako!
"Forda go ka na, Nads! Wala naman nang may interes dito kay Doc, eh," Silvie smiled. "Do'n sa kaibigan niya, merong may interesado," she added then giggled.
"Si Kayden Dylan pala ang kalandian mo, ha!" Lori smirked.
"Tumigil nga kayo! Nothing happened, we just talked," pagklaro ko.
"Sure ka?"
They raised their brows at me, making me feel hotseat.
"Well, uh..." I trailed off.
Mabilis na naglapitan sa mesa ang mga chismosa para makinig sa kwento ko.
"The letters... Meron kasi akong natanggap na sulat sa locker ko nung Grade 11... Sa kanya daw pala galing iyon."
Lori gasps, "Oh my gosh! Eh, 'di ba confession letter 'yon?! Edi ibig sabihin... gusto ka niya... matagal na?!" gulat na saad ni Lori.
Mabilis ko naman itong sinita dahil napapatingin na ang ibang customer dahil sa kaingayan namin. Mga walang pakealam naman ang mga kasama ko dahil masyadong naging invested sa kwento ko.
BINABASA MO ANG
The Way I Hate You
RomanceIn the world of academe, Nadia Giselle Raymundo excels, yet her true passion lies beyond her parents' expectations. An encounter with her total opposite, Mavy De Vera, the unfathomable lead vocalist of Cryptic Blue, introduces her to a different rhy...