I didn't want to leave the house right away. Kahit na inasahan ko na ganoon ang magiging reaksyon ni Papa, kahit papaano ay umasa naman ako na isasantabi muna niya ang galit niya dahil sa madalang na lang ako kung bumisita. But somehow, there are just people who cannot lower their pride even for a moment. And that's what hurts me more.
Madali lang kay Papa na tiisin ako.
Kahit na ganoon ang nangyari, hindi ko naman iyon hinayaan na sirain ang araw ko. Just like what I said, it's not so often that I get to visit my hometown, and I don't want to go back bringing the bad moment that I just had earlier. Dahil nandito na rin naman ako sa amin, nagdesisyon akong puntahan na lang ang lugar kung saan sigurado akong magiging masaya ako. I finally had the chance to visit the place where I feel safe and at peace.
I looked around as I tried to remember the tomb of my little brother. Sa tagal kong hindi nakapunta sa lugar na ito ay ngayon ko lang napansin na may mga nadagdag nang mga taong nailibing sa lugar.
Agad akong naglakad papunta sa direksyon kung nasaan ang puno na naging palatandaan ko na sa paghahanap ng puntod ni Matthew. Habang papalapit doon ay tsaka ko napansin ang isang lalaki na nakatayo roon. Noong una ay hindi pa ako sigurado kung si Matthew talaga ang binisita ng lalaki ngunit tuluyan ko itong nakumpirma nang ilang metro na lang ang layo ko sa puntod ng kapatid ko. Napansin ko rin ang mga bulaklak na nakalagay sa puntod ni Matthew na halatang bagong bili lang. And to my surprise... the guy looked familiar.
"Maverus?"
Nakumpirma ang hinala ko nang biglang lumingon si Mavy sa direksyon ko. Tuluyan na akong lumapit sa puntod ng kapatid ko habang kunot noo na nakatingin sa lalaki.
What is he doing here?
Bago pa man ako tuluyang makapagtanong ay nahuli ko ang mabilis niyang pagpahid ng luha sa mata niya. He immediately looked away to hide his face.
"Uh... babalik na lang siguro ako--"
"Hindi na," he cut me off. "Paalis na rin naman ako kaya hindi mo na kailangan umalis," aniya at hindi pa rin nagawang balingan ako ng tingin.
Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siyang gawin ang gusto niya. Nagpaalam na lang siya saglit bago tuluyang umalis at iniwan akong mag-isa.
Muling bumaling ang tingin ko sa mga bulaklak na iniwan ni Mavy. Lumuhod ako para ilagay din sa puntod ni Matthew ang mga bulaklak na binili ko rin kanina bago ako dumiretso rito sa sementeryo.
Lumingon ulit ako para hanapin si Mavy ngunit hindi ko na siya natagpuan ulit. Hindi ko inasahan na magkikita pa ulit kami rito dahil ang akala ko ay nasa Manila pa rin siya. And as much as I don't want to see him, hindi ko naman pwedeng paalisin na lang siya basta. I can't let my past stop him from seeing my brother. Kahit papaano ay may pinagsamahan pa rin naman silang dalawa.
"Hi, Matthew... I'm sorry ngayon lang nakabisita si Ate..." I smiled as I traced my fingers on his name.
It's been a while since I last went to visit him. At dahil matagal akong nawala ay ginawa ko ang nakasanayan kong gawin kapag binibisita siya. I told him everything that was on my mind at the moment. Doing that somehow eases the worry I am carrying because it reminds me that he's just always here.
"Grabe, ang dami pa rin pa lang tao rito 'no..." namamanghang sabi ni Lori nang makahanap kami ng bakanteng table.
May lumapit agad sa'min na waiter para kunin ang order namin. We just asked for the food that we usually get when we're here.
Inilibot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang interior ng lugar. Isa sa matagal ko na ring hindi napuntahan ay itong 23rd Street. This place holds a lot of memories from my past. Ito ang isa sa lugar na hindi ko malilimutan dahil palagi kaming nandito ni Lori.
BINABASA MO ANG
The Way I Hate You
RomanceIn the world of academe, Nadia Giselle Raymundo excels, yet her true passion lies beyond her parents' expectations. An encounter with her total opposite, Mavy De Vera, the unfathomable lead vocalist of Cryptic Blue, introduces her to a different rhy...