"Fuck!" I whispered as I ran and walked my way into the restaurant after arriving just a while ago."Excuse me, my partner and I had a reservation here which was supposed to be an hour ago," saad ko sa receptionist. "Is our table still available?" medyo kinakabahang tanong ko.
Ang alam ko kasi ay kapag thirty minutes late ay cina-cancel na nila ang reservation dahil marami rin ang nag-aagawan sa pagpapa-book dito sa restaurant na napili namin.
"May I ask for your name, Ma'am?"
"Nadia Giselle Raymundo," I answered.
"Oh, yes. Dumating na po 'ata 'yung kasama niyo ma'am," aniya habang may tina-type at dino-doublecheck ang screen.
May tinawag siyang isang waiter at pinasamahan ako papunta sa table na naka-reserve para sa aming dalawa ni Kade.
While I was following the waiter, my mind was filled with worry and anxiousness because I was expected to arrive here at 8 PM. Ang wall clock na nakadikit sa dingding ng restaurant ay nakaturo na sa 9 PM.
My mind was pre-occupied with thoughts earlier na nagawa kong makalimutan 'yung taong mas importante sa'kin.
Bawat paghakbang ay mas lalong bumibigat ang loob ko. Gusto ko na lang maiyak dahil sa mga nangyayari ngayon.
"Dito po 'yung table niyo, Ma'am," saad ng waiter at iginawi ang mesang bakante at walang nakaupo.
"Ah... okay. Thank you," tanging nasabi ko at umupo na lang sa pwesto ko kahit na sa loob ko ay nag-aalala na ako kay Kade.
Ang sabi ng receptionist ay dumating na ang kasama ko kanina pa.
I bit my lips as I searched for my phone in my purse so I could call my boyfriend.
'The number you have dialed is now unattended...'
Napakagat na lamang ako sa labi nang hindi ko siya ma-contact.
I tried to call him again after a few minutes, but still, I got no answer from him.
"Uhmm... excuse me, Ma'am. I apologize, but we would like to ask if you're ready to order. It's already been an hour po kasi and we have walk-in customers waiting outside," tanong ng waiter na lumapit sa'kin.
"I'm sorry, but I'd like to cancel our dinner..."
Pagkalabas ko ng restaurant ay agad akong sinalubong ng malakas na ulan. Habang tumatagal ay mas lalo akong nag-aalala kay Kade dahil wala akong ideya kung nasaan siya.
"Taxi!" Agad akong pumara ng masasakyan at nagpahatid sa condo namin.
Wala akong dalang payong pero sumugod pa rin ako sa ulan para makapasok na ng building. Nang makarating ako sa lobby ay nakuha ko ang atensyon ng ibang guests at staff dahil sa itsura ko matapos sumugod sa ulan. But I just ignored them and immediately went to the elevator and pressed the button of our floor.
"Kade?" Agad kong tawag nang makarating sa condo unit namin.
Nakapatay ang mga ilaw pero sinilip ko pa rin bawat sulok ng kwarto namin para hanapin siya. I checked our room, but he wasn't there. Wala siya sa sala at pati na rin sa kusina.
My breathing started to feel heavy when my phone suddenly rang. Agad kong kinuha ang phone ko at umasang si Kade ang tumatawag ngunit pangalan ni Lori ang bumungad sa akin.
"Hello, Lori?" I sniffled softly. Ayokong mag-alala pa siya kapag nahalata niya ang pagbabago sa boses ko.
"Nads, have you checked your socials?" she immediately asked.
BINABASA MO ANG
The Way I Hate You
RomanceIn the world of academe, Nadia Giselle Raymundo excels, yet her true passion lies beyond her parents' expectations. An encounter with her total opposite, Mavy De Vera, the unfathomable lead vocalist of Cryptic Blue, introduces her to a different rhy...