Gladly, I was able to control myself after that incident. Hiyang-hiya talaga ako sa nangyari lalo pa at kaharap lang namin sina Lori at ang Cryptic Blue! Even the girls sitting next to our table were shocked when they heard what Mavy said.
May parte nga lang sa'kin na naiinis sa sarili ko dahil hindi naman dapat ako kiligin sa nangyari. Halatang sanay na sanay si Mavy sa mga ganoong banat kaya hindi ko dapat sineseryoso ang mga lumalabas sa bibig niya.
Inis kong tinitigan ang plush toy na hawak ko. Nasa bahay ako ngayon at nakahiga sa kama ko.
"Ikaw, ano bang trip mo sa'kin, ha?!" Sinamaan ko ng tingin ang inosenteng pusa at inisip na si Mavy iyon.
Isang araw na ang nakalipas nung mangyari 'yon pero naiinis pa rin ako sa tuwing naaalala ko. Kung alam ko lang na ibibigay ni Mavy 'yung mushroom sa'kin, e'di sana hindi na lang ako nag-react nung kinuha ni Lori 'yung sa'kin. Mas lalo lang nadadawit ang pangalan ko sa lalaking 'yon, eh!
Gosh, I hate him so much! His face, his presence, everything about him!
Bumuntong-hininga ako at niyakap ang plush toy nang mapagtantong wala naman itong kinalaman sa pinaggagawa ni Mavy. Galing nga 'to sa kanya pero mas deserve ng Mavy'ng 'yon ang sabunot ko kaysa dito sa nananahimik na pusa!
And I don't understand him! Hindi naman ako naiinis sa kanya sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama o 'di kaya'y wala ang mga kaibigan namin sa paligid. Hindi naman siya gumagawa ng bagay na ikaiinis ko. And he never flirts around when we're together! Pero kapag kasama namin ang banda, bigla na lang siyang babanat at manlalandi bigla!
That guy... he's getting into my nerves!
Naputol ang malalim kong pag-iisip nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. I'm sure na hindi 'yon si Matthew dahil sa labas pa lang ng pinto ay tinatawag na niya ang pangalan ko.
"Giselle, magbihis ka. Birthday ni Mrs. Mariano, may birthday party sa kanila," sambit ni Papa nang buksan niya ang pinto.
Tinatamad akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama ko.
"Pa, 'di ba pwedeng si Ate na lang? Inaantok na po ako..." Humikab pa ako para lang maniwalang inaantok na talaga ako.
Naka-pajama na rin kasi ako kaya ayoko nang magpalit pa ulit ng damit! Wala rin naman akong kakilala ro'n kaya mabo-bored lang din ako.
"May ginagawa ang Ate mo, Giselle. Bumangon ka na riyan at binibihisan na ni Mama mo si Matthew."
Before I could even say another word, he closed the door and left the room. Napakamot na lamang ako sa ulo dahil wala na naman akong choice kundi ang sundin sila.
I don't even know Mrs. Mariano. I mean, all I know is that she's a college professor in our school, pero bihira ko naman itong makita o makasalubong dahil sa lawak ng school namin.
Tinatamad akong bumangon at lumabas para pumunta sa kwarto ni Ate Maica. Hindi na ako nag-abalang kumatok dahil hindi rin naman niya 'yon ginagawa kapag papasok sa kwarto ko.
Nahuli kong nakabukas ang tab nito sa Netflix at nanonood ng kdrama. Akala pa niya ay hindi ko siya mahuhuli dahil bigla nitong binuksan ang naka-open na word document.
"Readings pala, ha." Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Do'n ka na nga! Mali ka ng iniisip!" tanggi niya agad.
I smirked. "Talaga lang, ha? Kaya pala ako ang pinipilit ngayon ni Papa na sumama dahil nag-aaral ka raw?" Pumamewang ako.
This sneaky biatch, she really knows how to escape responsibilities. Ginamit pa niya talagang palusot ang readings kahit wala naman talaga siyang babasahin.
BINABASA MO ANG
The Way I Hate You
RomanceIn the world of academe, Nadia Giselle Raymundo excels, yet her true passion lies beyond her parents' expectations. An encounter with her total opposite, Mavy De Vera, the unfathomable lead vocalist of Cryptic Blue, introduces her to a different rhy...