"Dahan-dahan lang sa pagtakbo, Matthew," paalala ko sa kapatid ko nang tumakbo ito papalapit sa'kin.Kababalik lang nila galing sa restroom at nakasunod sa kanya si Mavy. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang alcohol para bigyan si Matthew.
"Okay na, Ate. Binigyan na 'ko ni Kuya Pogi kanina," saad nito.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? Kuya Pogi?
"Okay na, Nads. May alcohol naman akong dala," singit ni Mavy.
Napaawang ang labi ko at itinago na lang 'yung alcohol. "Sakitin kasi si Matthew kaya medyo maingat lang ako," paliwanag ko kahit hindi naman niya tinatanong.
Tumayo ako at kinuha 'yung milkshake na inorder ko kanina habang naghihintay sa kanilang dalawa.
"Here. Thank you sa pagsama kay Matthew," saad ko at inabot ang shake sa kanya.
Matagal pa siyang napatingin doon bago tanggapin. "Hindi ka na sana nag-abala," aniya. "Pero thank you pa rin," habol pa niya.
Tinanguan ko lang siya at kinuha na ang mga gamit namin ni Matthew para makaalis na rin kami sa table niya. Baka mamaya kasi ay may hinihintay pala siyang dumating. Nakakahiya naman kung maaabutan pa kaming kasama niya.
"Alis na kayo?" tanong niya bago pa man kami umalis.
I gave him a nod. "Oo, pasensiya ka na sa abala."
Umiling siya. "Hindi naman ako naabala, Nadia," he assured. "Besides, it was nice meeting your sibling."
"Tara na, baby." Bumaling ako kay Matthew at hinawakan ito sa kamay.
"Ate Giselle, laro muna, please? Sama rin natin si Kuya Pogi," he pouted.
Oo nga pala, hindi pa kami nakakalaro sa arcade. Iyon kasi ang huli naming ginagawa sa mall bago kami umuwi. Tumingin ako sa relo ko at pasado alas-syete na ng gabi.
"Matthew, ano kasi... kailangan na natin umuwi. Baka wala tayong masakyan, eh," paliwanag ko rito.
I pursed my lips while looking at Matthew. Hindi ko talaga kayang tanggihan ang kapatid ko. Ang pag-a-arcade pa naman ang lagi nitong inaabangan tuwing nagma-mall kami.
"Pagbigyan mo na 'yung kapatid mo, Nads," ani Mavy. "Kaya mo ba naman tanggihan ang cute na 'to?" he asked, looking at my little brother.
"Please, Ate?" Matthew did puppy eyes.
"Payagan mo na, Ate Giselle..." panggagaya ni Mavy at parang batang sumimangot.
Gusto ko nang tumawa sa dalawang 'to pero pinipilit kong magmukhang seryoso sa harap nila.
Chineck ko ang messages ko at wala pa naman akong natatanggap na text mula kay Mama. Nasabihan na rin naman siguro sila ni Kate kaya hindi naman siguro makaka-sama kung pumayag na 'ko. Sa huli ay napabuntong-hininga na lamang ako dahil wala na akong magagawa kung hindi ang pumayag.
"Sige na nga--"
"Yehey!" Napatalon pa si Matthew dahil sa tuwa.
Nag-apir pa silang dalawa ni Mavy na akala mo'y nagtagumpay sa isang misyon.
"Pero saglit lang tayo, ha? Pagagalitan tayo nila Mama 'pag late na tayo umuwi," dagdag ko pa.
"Teka, sasama ka?" kunot-noong tanong ko kay Mavy.
"Para may kasabay kayo pauwi," tipid nitong sagot at nilapitan na si Matthew.
Nauna pang maglakad ang dalawa sa'kin at sabay na pumunta sa may arcade. Mas mapagkakamalan pa tuloy silang magkapatid dahil parang sila pa 'yung mukhang close.
BINABASA MO ANG
The Way I Hate You
RomanceIn the world of academe, Nadia Giselle Raymundo excels, yet her true passion lies beyond her parents' expectations. An encounter with her total opposite, Mavy De Vera, the unfathomable lead vocalist of Cryptic Blue, introduces her to a different rhy...