Chapter 32

8 2 0
                                    


When Matthew died, he left a big scar on my heart. Parang malaking parte ng puso ko ang nawala dahil sa paglisan niya. Hindi ko matanggap. Sobrang bata pa niya para mawala. Marami pa siyang pangarap. Marami pa kaming pangarap. Pero sa isang iglap, lahat nang 'yon ay nabura na lang sa hangin dahil sa maaga niyang pag-alis.

Wala akong ibang kinausap simula nung araw na 'yon. Hanggang sa maiburol si Matthew sa bahay ay iyak lang ako nang iyak. Kapag napapagod sa pag-iyak ay tulala lang ako. Hindi ako umalis sa tabi niya at palagi lang siyang binabantayan. Lumiban na rin muna ako sa klase dahil hindi ko rin naman kayang manatili roon nang ilang oras kung si Matthew pa rin naman ang magiging laman ng isip ko.

I already feel tired because of sleepless nights, but I refuse to take a rest. Ito na lang ang huling magagawa ko para sa kapatid ko dahil sa huling sandali ay hindi ko man lang napagbigyan ang hiling niya sa'kin. At mas lalong masakit tanggapin iyon dahil 'yung taong inasahan ko na unang darating nung kinailangan ko siya ay binigo rin ako.

Hanggang sa mailibing si Matthew ay ramdam ko ang mabigat kong puso. The house felt empty when we came back home. Wala na 'yung saya, at mararamdaman mo na lang na may kulang. Si Matthew ang palaging nagpupuno ng saya sa bahay na ito ngunit ngayong wala na siya ay hindi ko alam kung babalik pa ba 'yung sigla tulad noon.

Dumiretso na lang agad ako ng kwarto dahil ramdam ko na ang pagod. I received a bunch of messages from Lori when I checked my phone. There were also messages from my classmates saying their condolences. Hindi na ako nagtaka nung wala akong matanggap na kahit isang mensahe mula kay Mavy dahil nung araw na hindi niya sinagot ang tawag ko ay tuluyan ko nang pinutol ang kahit anumang pwedeng maging koneksyon naming dalawa. I blocked his number and his social media accounts. Ayoko nang makarinig ng kahit anong balita tungkol sa kanya.

Makalipas ang isang linggo kong pagliban sa klase ay kinailangan ko rin bumalik sa pagpasok. Alam kong hindi pa ako handa dahil hanggang ngayon ay 'yung pagkawala pa rin ni Matthew ang nasa isip ko ngunit alam ko rin na hindi ko pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko. I have to be strong for Matthew, and for myself. Dahil alam kong malulungkot ang kapatid ko kapag nakita niya ang kalagayan ko ngayon.

Kahit papaano ay nagagawa ko namang makahabol sa mga lesson na nalaktawan ko dahil na rin sa tulong ni Lori. She lended me her notes and explained me the concepts during our vacant class.

Pagkatapos ng klase sa isang subject ay sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria para mag-lunch. Matagal ko rin siyang hindi nakasabay kumain kaya medyo namiss ko ang ganitong routine namin.

"Ano sa'yo, ineng?" tanong ng nagse-serve ng pagkain. "Meron kami ngayong carbonara," dagdag pa niya dahil mukhang namukhaan niya kami ni Lori dahil palaging carbonara ang binibili namin kapag meron nito.

"Ahmm..." I trailed off. "Rice at chicken curry na lang po 'yung sa'kin," sagot ko.

Nung maka-order na ay naghanap na kami ni Lori ng bakanteng mesa. Tahimik lang kami nung magsimulang kumain pero sinusubukan naman ni Lori na basagin ang katahimikan kapag napapansin niyang tulala lang ako.

"Uy, Cryptic Blue 'yun 'di ba? Akala ko nag-disband na sila?" Narinig kong magsalita 'yung nasa kalapit naming table.

"Ang alam ko ay okay na ulit sila at nagkaroon pa nga ng record deal sa isang kilalang kumpanya. Pero wala na raw sa banda si Jerich."

"Gano'n ba? Eh, sino 'yung isa pa nilang kasama?"

I tried my best not to mind them but their voice was just too loud to be unheard. Idagdag pa na malapit sa table namin 'yung pwestong inokupahan nila Mavy kaya tanaw na tanaw namin sila.

"Ah, iyong katabi ni Mavy? Si Shantelle 'yon, taga-ABM. Nakita nga namin na kasama ng Cryptic Blue kahapon sa 23rd Street, eh. Nililigawan 'yata ni Mavy, o baka girlfriend na."

The Way I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon