Chapter 12

4 2 0
                                    


"Hi."

Ngumiti ako pabalik kay Mavy nang makalapit siya.

"Hi... Ang galing niyo kanina," saad ko bago niya hinila ang bakanteng upuan sa tabi ko.

"Thanks," he replied. "Buti nakapunta ka," he continued, still wearing the smile on his face.

Kakatapos lang ng pangalawa nilang performance kaya naman pwede na nila kaming samahan dito sa table. Medyo natagalan nga lang bago nakalapit si Mavy dahil may mga nagpapa-picture sa kanila pagkatapos nila mag-perform.

"Nag-order na kayo?" tanong niya at inikot ang tingin sa paligid.

Tumango ako. "Oo, umorder na kami kanina. Si Lori nag-CR lang saglit," sagot ko.

"Hi, Nads!"

Maya maya ay lumapit na rin ang iba pang miyembro ng Cryptic Blue. Buti na lang ay malaki ang table na pinuwestuhan namin ni Lori kaya kasya pa kami. Sakto rin naman ang pagbalik ni Lori mula sa CR.

Ilang saglit pa ay dumating na rin ang order namin. Dinamihan namin ni Lori ang order dahil kasama rin namin sa table ang Cryptic Blue.

"Order lang kayo kung may gusto pa kayong kainin," ani Mavy. "Libre ko na 'to."

Pumalakpak naman sa tuwa ang mga kaibigan nito at sinunod nga ang lalaki at umorder pa. Nakangiti lamang ako habang tumitingin sila sa menu.

Habang hinihintay 'yung iba pang order nila ay nagsimula na rin kaming kumain. I told them how amazed I was by their performance. At ikinatuwa naman nila 'yon.

Nasa gitna kami ng pagku-kwentuhan nang may biglang lumapit sa table namin.

"Mavy!"

Abot tainga ang ngiti ni Chelsea nang makita nito ang lalaki. Hinila rin niya ang bakanteng upuan at tumabi rito.

"Hi, Lori," bati niya sa kaibigan ko nang lumipat ang tingin niya rito.

"Chelsea... ikaw pala." Bakas sa boses ni Lori na tinatamad siyang kausapin ang babae.

Kusa namang umiwas ang mga mata ko sa babae at ibinaling ang atensyon ko sa pagkaing nasa harap ko, hindi na nag-abala pang batiin siya. Kilala ko na ang babae dahil schoolmate din namin siya at dati naming kaklase nung junior high. ABM ang strand niya kaya bihira lang namin siyang makasalubong pero noon pa man ay nakikita ko na siya paminsan-minsan sa studio ng Cryptic Blue sa tuwing may practice ang mga ito. Mukhang may ka-close siya sa banda dahil kilala rin siya ni Ate Alaine.

Sa pagkakatanda ko ay hindi naging maganda 'yung huling beses na nakausap ko siya dahil isa siya sa mga kagrupo ko noon na pabigat lang sa groupings. Alam din 'yon ni Lori kaya nga ganito na lamang ang pakikitungo ng kaibigan ko sa kanya. I didn't even received a proper apology from her after she ghosted us during our reporting in this one major subject. Ang ending, pareho lang ang nakuha niyang marka sa'min dahil nagawa niyang sulsulan 'yung teacher namin. At ngayon ay umaarte pa rin siya na parang walang ginawang kasalanan.

"Ba't pala nandito ka?" rinig kong tanong ni Mavy sa babae nang makaupo na ito.

"Sabi kasi sa'kin ni Fern may gig kayo. Eh, wala na naman akong gagawin kaya naisipan kong dumaan."

"Hi, Nads," bati niya sa'kin nang tignan ako.

Tumingala ako sa kanya at maliit na ngumiti. "Hi," I greeted back.

"Buti pinayagan ka ni Prof. Raymundo. Alam ka ba niya?"

Hindi ko napigilan ang pagsasalubong ng kilay ko dahil sa tanong niya. Eh, ano naman sa kanya ngayon kung pinayagan ako o hindi?

The Way I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon