Chapter 17

7 3 0
                                    


Palihim ko mang hinihiling sa isipan ko na sana'y bumagal ang pagtakbo ng oras, ngunit wala naman akong magagawa para kontrolin ito. Kahit mabilis na lumipas ang mga araw matapos ang kaarawan ko, tila nakatatak pa rin sa isip ko ang gabing 'yon kasama si Mavy.

Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang kaarawan ko. Ngayon naman ay isa na namang espesyal na araw ang ipagdiriwang ng karamihan.

"Alori Villalobos?" sabay kaming napalingon ni Lori nang may bumanggit sa pangalan niya.

Tumigil sa harapan namin ang tatlong student council officers. Abot tainga ang ngiti ng isa sa kanila na siyang tumawag kay Lori.

Napansin ko naman 'yung dalang kulay pulang box ng kasama nito.

"Bakit, ano'ng meron?" Nakakunot ang noo ni Lori nang bumaling sa kanila.

"Familiar na siguro kayo sa activities ng student council ngayong Valentine's Day, at isa roon ay 'yung pagbibigay ng regalo para sa special someone lalo na sa mga nahihiyang magpaabot ng regalo..." paliwanag nito.

Hindi pa man sinasabi ang buong pakay ay kinutuban na agad ako kung bakit sila nandito.

Maya maya ay may kinuha ito sa box at inabot kay Lori ang isang box ng chocolate at pulang rosas. Naging tumpok tuloy ang kaibigan ko ng atensyon at naririnig na namin ang pagtili ng mga nasa paligid namin.

"Wait lang, ha. Pano kayo nakakasiguro na safe 'tong regalo--"

"Don't worry, may lists kami ng bawat students na nagpapadala ng regalo. And 'yung iba naman ay nagbibigay din ng clue sa identity nila mula sa mga regalo kaya baka kilala mo rin 'yung nagpabigay niyan," the officer assured her.

"Pero--"

I immediately nudged Lori's arm. "Tanggapin mo na, Lori... Sayang naman effort, oh," bulong ko sa kanya.

Sinunod naman ako nito at nakangiting tinanggap ang regalo kahit mukhang labag pa sa loob nito.

"Dali, tignan mo baka nag-iwan ng pangalan 'yung nagpapabigay!" mabilis kong sabi nang makaalis na 'yung mga officers.

Lori rolled her eyes. Sabay naming tinignan 'yung maliit na card na nakadikit sa chocolates ngunit nabigo rin nang wala man lang kahit isang clue about sa nagpapabigay.

"Ikaw, ha... akala ko ba kinamumuhian mo na ang mga lalaki. Ba't may paganiyan bigla?" Ngumisi ako rito para asarin.

"Malay ko kung kanino galing 'to 'no. Wala naman akong ka-talking stage ngayon."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Totoo ba?"

She sighed and rolled her eyes. "Fine. Last month meron. Pero hindi na kami ngayon magkausap. Kaya malay ko kung kanino galing 'to."

Tinawanan ko naman siya dahil mukhang hindi natutuwa na inaasar ko siya ngayon. Bumabawi lang naman ako dahil nitong mga nakaraan ay ako lagi ang inaasar niya 'no.

Bumalik na rin kaagad kami ni Lori sa classroom matapos no'n. Tulad niya ay may iba pang mga estudyante ang nakatanggap ng regalo mula sa mga secret admirers nila. 'Yung iba naman ay sila mismo 'yung nag-aabot sa ng regalo sa taong gusto nilang pagbigyan.

Hindi ako fan ng Valentine's Day, but I find both ways as a cute act of gift giving. It's the person and the thought that counts.

"Hanggang 1 pm lang daw ang klase, guys, para mag-give way sa celebration ng Valentine's Day," anunsyo ng class president namin kaya naman todo "yes" ang mga kaklase ko.

"Pero hindi ibig sabihin no'n ay maaga ang labasan. May program sa auditorium at ipapa-check ang attendance sa'min."

Naputol naman agad ang kasiyahan ng mga kaklase ko ngunit marami pa rin ang mas excited dahil sa ideya pa lang na walang klase.

The Way I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon