Marami ang nangyari matapos ang araw na 'yon. Naging seryoso si Mavy sa paggawa sa project namin. We even finished it earlier than expected. At kasalukuyan kaming nasa faculty ng subject teacher namin para ipasa 'yung flashdrive kung saan naka-save 'yung file ng project namin.
"Wow, mukhang tama nga ang desisyon ko na gawin kayong mag-partner ni Mr. De Vera, Ms. Raymundo. Ang ganda ng gawa ninyo," puri sa amin ng teacher namin.
Nang sulyapan ko si Mavy ay nakita kong nakangiti rin siya sa'kin kaya naman nag-thumbs up ako sa kanya.
"Kung kayo ulit ang gawin kong partner sa susunod niyong project, papayag ka ba ulit, Ms. Raymundo?" Our teacher looked at me when he asked.
Maging si Mavy ay napatingin din sa'kin. I didn't have second thoughts and I just nodded my head in response, "Okay lang naman po, Sir," I replied politely.
Ang akala ko ay bihira ko na ulit makakasama si Mavy nung natapos na namin ang project. But we actually became closer after that. Tuwing lunch break namin ay nagkakasama pa rin kaming dalawa dahil nakakasabay na rin namin ang Cryptic Blue. Tulad ng dati ay palagi pa rin nila kaming inaasar, pero ngayon ay nasasanay na lamang din ako sa mga asaran nila at hindi na masyadong iniisip pa.
Naging madalas din ang paghahatid sa'kin ni Mavy pauwi. Mula school ay naglalakad kami papunta sa'min. But of course, hanggang sa may kanto na lang niya ako hinahatid dahil nag-aalala pa rin ako na baka makita siya ng mga magulang ko, lalong-lalo na si Tita Flor dahil tuwing hapon ay madalas 'yong nasa labas at nasa kapitbahay. Mavy made sure that he dropped me home first. Pagkatapos no'n ay babalik pa ulit siya dahil may practice pa sila sa studio nila pagkatapos ng klase.
He was very consistent in doing that for more than two weeks now. Nagpatuloy na rin 'yung pagcha-chat niya sa'kin tuwing gabi. I'm not complaining though since I've been enjoying his company. Mas lalo ko rin siyang nakikilala habang tumatagal. Paminsan-minsan din ay tumatambay siya sa bahay lalo na kapag walang tao. Sinasamahan namin si Matthew na manood ng cartoons kapag nakauwi na ang tutor niya. Minsan pa nga ay tinutulungan pa ito ni Mavy sa mga assignments. Ganoon ang set-up naming dalawa ni Mavy hanggang sa dumating na rin ang aming Christmas break.
Naging abala kami bago ang araw ng Pasko. Nagluto sina Mama ng mga ihahanda namin para mamaya sa Noche Buena. Bawat isa sa'min ay naging abala sa paglilinis ng bahay at pagluluto ng mga kakainin. Dahil hindi naman ako ganoon kagaling sa pagluluto ay sinamahan ko na lang si Kate sa pagde-decorate ng bahay.
Ilang oras din ang inabot bago kami natapos lahat. Habang nagpapalipas ng oras ay bumalik na lang muna ako sa kwarto ko. I set my alarm and decided to take a nap while waiting for the time to pass by.
Bandang 10 PM ay nagising akong muli dahil sa alarm ko. Abot tainga ang ngiti sa labi ko nang buksan ang aparador ko para makapagpalit na 'ko ng damit. May mga napamili na rin kasi ako na mga bagong damit last week na ngayon ko pa lang masusuot.
Napili kong suotin ang bago kong mini dress na pa-off shoulder. Inipitan ko rin ang buhok ko ng half ponytail at naglagay ng kulay pulang ribbon sa bandang taas ng ipit ko. I left some strands in front. I put on a light make up before I went back down at the living room.
Tulad ko ay nakabihis na rin sila. Sinalubong ko agad si Matthew na pupungay-pungay pa ang mata dahil bagong gising.
Nang makumpleto na kami ay nag-set up na si Kate ng camera para makapag-take kami ng family picture.
"Game na! Picture na tayo!" ani Kate at nagmamadaling bumalik sa pwesto niya pagkatapos ayusin ang camera.
Makalipas ang limang segundo ay tumunog na ang camera kasabay ng pag-flash nito hudyat na tapos na sa pagkuha ng litrato. We spent the next few minutes taking more pictures and selfies before we went at the dining table where the food was waiting .
BINABASA MO ANG
The Way I Hate You
RomanceIn the world of academe, Nadia Giselle Raymundo excels, yet her true passion lies beyond her parents' expectations. An encounter with her total opposite, Mavy De Vera, the unfathomable lead vocalist of Cryptic Blue, introduces her to a different rhy...