Chapter 20

9 3 0
                                    


The week after the open house, our schedule of classes went back to normal. Kailangan na rin kasing maghabol ng lessons sa ibang subject dahil nalalapit na rin ang bakasyon. There still might be some activities pero mas kailangan muna naming pagtuunan ang nalalapit na finals.

Kakatapos pa lang mag-discuss ng adviser namin nung may kumatok na student council officer sa may pinto.

"Ma'am, excuse me po, may announcement lang po," magalang na paalam nito habang nakasilip ang ulo sa pinto.

Hinintay nitong tumango ang guro bago pumasok ng room at naglakad papunta sa may gitna, katapat ng teacher's table.

"Good morning, Stem-B. I am here to announce the upcoming prom para sa mga senior high na gaganapin next week," panimula nito.

Nag-react naman kaagad ang mga kaklase ko sa narinig. Probably dahil isa ang prom sa pinakahihintay ng mga estudyante taun-taon. At 'pag nagkataon, ito ang unang prrom namin bilang senior high.

Ipinaliwanag lang ng officer 'yung mga mangyayari at preparation na gagawin sa prom. May theme din itong nabanggit at 'yung iba ay hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin dahil tinatapos ko pa 'yung notes ko.

Nang magpaalam na 'yung officer ay bumalik na ulit sa unahan ang guro namin. Hindi pa rin tumitigil ang iba na pag-usapan ang kani-kanilang plano para sa prom.

"Mukhang lahat 'yata excited na sa prom, ah?" ani ng adviser namin.

"Yes po, Ma'am!" my classmates answered in chorus.

"Hep! Hep! Bago kayo mag-celebrate, meron muna tayong kasunduan na gagawin," saad nito kaya mas lalong nakuha ang atensyon namin. "Ang pwede lang bumili ng ticket para sa prom ay 'yung mga makakapasa sa upcoming quiz sa subject ko."

Sabay-sabay na nag-angalan ang mga kaklase ko at napasimangot na lamang sa narinig.

"Ma'am, pano po 'pag bumagsak sa quiz? May dress na po akong susuotin!" tanong ni Lori nang magtaas ng kamay.

"Then, I guess may maganda ka nang pang-tulog sa gabing 'yon," natatawang sagot ng adviser namin.

Parang batang napasimangot si Lori kaya naman hindi ko ito napigilang tawanan. I know that she's only kidding. Imposibleng bumili kaagad ito ng dress nang hindi tinatanong ang opinyon ko bago siya pumili.

Matapos ang mahabang negosasyon ng mga kaklase ko sa adviser namin ay sa huli wala pa rin silang choice. Hindi naman ako gaanong nag-aalala para sa quiz namin. Hindi naman sa confident ako na mape-perfect ko ang quiz. Alam ko lang kasi na kailangan ko lang reviewin mabuti ang mga lesson para makapasa ako. Wala naman na kasi akong mapapala kung magmumukmok na lang ako.

I'm not really fond of proms and parties. Hindi naman kasi ako social butterfly kaya madalas lang ay nakaupo ako sa isang tabi habang ang iba ay nagsasayawan at nagkakasiyahan kapag may school gatherings. But there's a small hope in me that wants to attend the prom this year. Siguro dahil na rin ito ang magiging unang prom ko na may boyfriend ako. And Mavy can also be my date if I go!

Nagreview pa rin ako para sa quiz kahit na hindi pa sigurado kung sasama ako sa prom. Wala rin naman akong choice dahil hindi ko rin naman pwedeng ibagsak ang quiz kung hindi ay malalagot ako.

Pagkatapos ng klase namin kanina ay dumiretso na ako rito sa library para mag-review. Ako lang mag-isa dahil nagpaalam na si Lori na titingin na ng mga dress para sa prom. She said she'd call me so I could help her choose. I was busy browsing my notes when someone pulled the chair in front of me making my face lit up.

Awtomatiko akong ngumiti nang maupo si Mavy sa tapat ko. Bago pa man ako makapagsalita ay may inilapag itong dalawang ticket sa mesa. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin doon bago muling tumingin sa lalaki.

The Way I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon