That day was the most memorable and happiest day of my life. I didn't imagine before that the guy I hated could make me fall in love with him, harder.
Dati lang ay naiinis ako sa pagmumukha ni Mavy. Ni ilang beses ko na ngang sinabi sa sarili ko at kay Lori na hinding-hindi ko magugustuhan ang lalaki. Masyado siyang malayo sa ideal guy ko, pero pagdating talaga siguro sa itinakda ng tadhana ay wala na akong magagawa. I just needed time to get to know him better. At habang tumatagal, mas nakikilala ko siya. Mas nakikilala ko ang Mavy na noon ay wala akong kaide-ideya kung ano ba siyang klaseng tao. Habang nakikilala ko siya, doon ko napapagtanto kung gaano kalayo ang unang impresyon ko sa tunay at Mavy na kilala ko ngayon.
Mavy is the first and only guy who made me realize that I deserve to be treated well. Na karapat-dapat din akong makatanggap ng regalo, sorpresahin, gawan ng kanta, at higit sa lahat... mahalin. Of all the guys that I liked before, Mavy is the only guy who showed what the standard really is. At sa lahat ng ginawa, ipinakita, at ipinaramdam niya sa'kin, doon ko napagtanto na karapat-dapat din siya sa matamis kong oo.
The next few weeks of our lives as a couple was perfect. Walang pagbabago sa efforts ni Mavy kahit na sinagot ko na siya. In fact, mas lalo pa siyang nagpursigi para patunayan na deserve niya talaga ang oo ko. Hindi na naman niya kailangang gawin 'yon gayong alam niyang sa kanya na ako, pero nakakatuwang isipin na ipinaparamdam niya sa'kin na mahal niya ako araw-araw.
Tuloy pa rin ang paghahatid sa'kin ni Mavy pauwi. Kung minsan naman ay ako ang bumabawi at pinapanood ko siya sa mga gigs niya. Kapag wala naman kami parehong gagawin ay sinasamahan naman niya ako pag-aalaga kay Matthew at ginagala namin ito sa mall. Ganoon ang naging takbo ng unang linggo namin bilang magkasintahan.
"Girl, tumakbo ka na! Nasa likod 'yung killer, 'wag kang chill diyan!" sigaw ni Lori sa harap ng t.v.
"Oh, ayan, sinabi ko na sa'yo, eh! Bilisan mong tumakbo-- Aba nadapa pa! Ang bobo naman!" inis na namang sabi nito at napakamot sa ulo.
Nandito kami ngayon sa bahay at nanonood ng horror movie sa kwarto ko. Wala masyadong jump scare ang pinapanood namin pero mas naii-stress nga lang kami sa tuwing nadadapa ang mga bida sa palabas. Mula kanina ay puro reklamo na nga 'tong si Lori sa halip na panay tili ang gawin namin dahil horror naman talaga ang genre ng palabas.
Alas syete na ng gabi nung tignan ko ang orasan. Hinihintay ko lamang na tumawag si Mavy dahil sabi niya ay tatawag siya kapag tapos na ang practice nila.
Sakto namang nag-ring ang cellphone ko at bumungad ang pangalan ni Mavy sa screen ko na nilagyan ko ng puso sa dulo nung gabing sinagot ko siya.
Napasulyap din si Lori sa cellphone ko bago ko iyon kunin at sagutin ang tawag.
"Hi, Babe, kamusta movie marathon?" bungad ni Mavy.
I bit the insides of my cheeks to control myself from smiling. Hindi ito ang unang beses na ginamit niya ang endearment na 'yon sa'kin pero sa tuwing naririnig ko ang pagtawag niya sa'kin no'n ay parang kinikiliti ang puso ko sa tuwa.
"Eto, nanonood pa rin kami," sagot ko. "Kayo? Kamusta rehearsals? Sorry, hindi kita nasamahan--"
"Ayos lang 'yon, Babe. Hindi mo naman kailangang gawin 'yon dahil practice pa lang naman 'to. And I'm sure you wouldn't want to see Fern getting heartbroken. He looks worn out," he said, chuckling.
"Bakit? Ano ba'ng lagay niya ngayon?"
"Not good... Maga pa mga mata niya nung dumating sa studio kanina tapos ngayon ay nakatitig sa kawalan kaya pinagtitripan ngayon nina Theo," kwento niya at naririnig ko sa background ang boses nina Theo at Jerich na parang nang-aasar at tumatawa.
BINABASA MO ANG
The Way I Hate You
RomanceIn the world of academe, Nadia Giselle Raymundo excels, yet her true passion lies beyond her parents' expectations. An encounter with her total opposite, Mavy De Vera, the unfathomable lead vocalist of Cryptic Blue, introduces her to a different rhy...