"Video call na lang tayo sa Pasko at New Year, ha? Baka mamaya 'pag balik niyo mga snobber na kayo," pago-overeact ni Colette.
"Gaga, ang OA mo naman. Ilang linggo lang tayong hindi magkikita-kita. Kung makaasta ka naman akala mo isang taon hindi magsasama, eh," pambabara ni Lori na ikinatawa naman namin ni Silvie.
Nasa bahay kami ngayon nila Colette dahil dito kami dumiretso pagkatapos nung Paskuhan kagabi. Hindi pa nga nakuntento ang mga kasama ko at talagang nagkayayaan pang pumarty pagkatapos. Ang ending tuloy ay dito na kami natulog dahil hindi na rin kaya ni Colette ihatid kami isa-isa pauwi.
"Basta i-promise niyo na single muna tayo hanggang December 31. Next year na kayo mag-jowa para sabay-sabay tayo," pagbibiro ni Silvie.
"Naku, baka may ma-excite dito at hindi na makapaghintay ng January 1 para sagutin ang kalandian niya," pagpaparinig ni Lori.
It was obvious that she was pertaining to me since I noticed them glancing at me.
"Hoy, tumigil nga kayo! Mga inggitera lang kayo, eh!" saad ko at pabiro silang inirapan.
Simula na ng Christmas break at bukas ang uwi ko sa bahay namin. Hindi ko makakasabay si Kade dahil sa susunod na araw pa ang uwi niya kaya si Lori ang makakasabay ko at susunduin kami ni Papa bago mag-tanghalian. Kaya ngayon ay gumagayak na rin kami dahil hindi pa kami nakakapag-impake ni Lori.
I wanted to celebrate Christmas and New Year with Tita Agnes since she doesn't have anyone to spend the holidays with. Kaya lang ay hindi naman ako pinayagan nila Papa lalo pa at kabilin-bilinan niya ay kailangan kong umuwi ngayong Christmas break. Sinubukan ko namang yayain si Tita Agnes na sa amin na lang salubungin ang Pasko at Bagong Taon ngunit taun-taon na raw niyang nakagawian na sa bahay niya mag-celebrate. Bagay na naiintindihan ko naman.
Pagkauwi ko ay naabutan ko kaagad si Tita Agnes sa may dining table at naghahain ng hangover food para sa'kin. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti dahil sa simpleng bagay na 'yon ay napasaya niya ang puso ko. Sinalubong ko naman agad siya nang mahigpit na yakap bilang pasasalamat na rin sa kanya.
I will definitely miss her. Babalik naman agad ako after ng Christmas break namin pero hindi ko mapipigilan na hindi siya ma-miss sa mga susunod na linggo. She already felt like home to me. With her, I finally found the comfort that I've always wanted to feel, bagay na matagal ko nang hindi maramdaman sa bahay namin simula nung mawala si Matthew.
And now that I'm with her, I am comfortable being myself. Kasi 'pag nandito ako... walang pressure. Walang manghuhusga sa'kin at lalong walang kumokontrol sa'kin.
I sniffled her and immediately smelled her scent which became my favorite
"Lasing ka pa ba? Nakakagulat naman at biglang naging malambing ang alaga ko," pabiro niyang saad at hinaplos ang buhok ko.
I responded to her with a laugh. "Sure po ba kayo na ayaw niyong sumama sa'min? Hindi mo 'ko mami-miss?" paglalambing ko.
Mahina siyang natawa sa sinabi ko bago tuluyang humarap sa'kin. "Mami-miss kita syempre... Pero alam mo namang tumatanda na ang Tita Agnes mo, 'di ba? Hindi na 'ko mahilig sa mahahabang biyahe na 'yan at lalong ayoko na rin makipag-bangayan sa Papa mo dahil baka maging aso't pusa lang kami 'pag nagkasama."
I laughed at her reply. Hindi ko na siya kinulit pa tungkol doon at pinaupo na niya ako sa mesa para hayaang kumain.
After eating breakfast I then took a quick shower to sobber. Effective naman dahil kahit papaano ay nawala na ang hilo ko at nawala na rin ang amoy ng alak na dumikit na sa'kin dahil sa party kagabi.
It was around 11 AM when my Dad arrived. Dinaanan din namin si Lori sa dorm na tinutuluyan niya bago kami tumulak pabalik sa amin. It was quite a long ride lalo pa at traffic dahil marami rin ang pauwi ngayong magpa-pasko na. Bandang alas-dos na ng hapon nang makarating kami sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Way I Hate You
عاطفيةIn the world of academe, Nadia Giselle Raymundo excels, yet her true passion lies beyond her parents' expectations. An encounter with her total opposite, Mavy De Vera, the unfathomable lead vocalist of Cryptic Blue, introduces her to a different rhy...