Chapter 39

6 3 0
                                    


"Kayo na ba ni Kade?"

Muntik na akong masamid ng tubig na iniinom ko dahil sa biglaang pagtatanong ni Colette.

It was a random question so I was caught off guard!

"Oh, muntik masamid! Baka sila na!" Ngumisi si Silvie at nakipag-apir pa kay Colette.

Itong dalawa! Gustong-gusto talaga akong pagtulungan sa mga kalokohan!

"We're not yet together! Isa pa, ayoko namang biglain si Kade, alam niyo namang marami rin ginagawa 'yung tao. I don't want to put any pressure on him. We're still getting to know each other..." I said.

"Anong getting to know, eh, kilalang-kilala niyo na nga ang isa't isa!" singit ni Lori. "Tsaka hindi ka naman niya liligawan basta kung hindi rin siya ready 'no. Siya yung pumasok sa buhay mo, so, he should know what to do once both of you are on the same page," dagdag pa niya.

Nasa condo kami ngayon ni Colette at nagre-review para sa mga quiz namin bukas. Sumama na rin sa'min si Lori para mag-aral. Pero imbis na mag-aral, interrogation ang inaatupag nila ngayon!

"Basta... darating din kami riyan. Sa ngayon, ie-enjoy muna namin yung moment, at 'pag dumating na yung right time, you'll see..." I said and smiled making them giggle.

After that night when Kade went to see me, he made sure to make me feel better and became consistent in assuring me every time I doubted myself.

I knew I was self-sabotaging that time. Dahil sa loob ko, hindi ko naman talaga kayang bitawan si Kade. I knew I can't lose him at hindi ko rin kakayanin. That's why I'm so grateful that he never chose to give up.

Ilang linggo na ang nakalipas at ipinagpapasalamat ko na bumalik na ulit sa dati ang lahat. Nagkikita ulit kami pagkatapos ng klase at paminsan-minsan ay doon kami sa bahay ni Tita Agnes nag-aaral dahil hindi rin namin kaya na araw-araw kumakain sa labas.

Medyo matagal na rin kaming magkakilala ni Kade, pero ni isang beses ay hindi pa ako nakakapunta sa lugar na tinutuluyan niya. Kaya hindi ko tuloy alam ang mararamdaman nung yayain niya akong mag-aral sa condo niya.

I mean, I'm excited that I would finally see his place, but at the same time, I can't help but to feel nervous. At hindi ko alam kung bakit! Maybe it's because kami lang dalawa? Nasanay kasi ako na sa labas kami nag-aaral kaya maraming tao, at kung minsan ay sa bahay ni Tita Agnes, so, ito talaga ang unang beses na mag-aaral kami na kami lang dalawa!

Bandang alas-sais nung natapos ang huling klase namin. Dumaan muna ako ng bakeshop dahil ayoko namang pumunta nang walang dala. Mas maagang natapos ang klase nina Kade kaya pinauna ko na siyang umuwi dahil kaya ko namang pumunta sa condo niya nang mag-isa. Alam ko na rin naman yung address at yung sasakyan ko para makapunta.

Nang makarating ako sa 8th floor ay hinanap ko ang Room 501. Walang ibang tao sa hallway kaya rinig na rinig tuloy ang takong ng sapatos ko.

Tatlong beses akong kumatok sa pinto pero walang sumagot.

"Kade?" I tried to call him pero walang sumagot.

Binigay naman niya sa'kin ang spare na susi ng unit niya pero nakakahiya naman kasi kung papasok na ako tapos mamaya pala ay wala pa siya. Baka umalis lang siya saglit?

Naghintay ako nang ilang minuto bago muling kumatok, ngunit nung wala pa ring nangyari ay napilitan na akong kunin ang susi sa bag ko para tuluyang pumasok sa condo niya.

Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa'kin pagkapasok ko ng unit. I looked around the living room and saw no one. Ayoko namang mag-ikot mag-isa sa condo ni Kade kaya naupo na lang muna ako sa sofa at minessage siya para ipaalam na nandito na ako.

The Way I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon