Chapter 4

16 3 0
                                    

"My God, Kate. Kung alam mo lang kung paano kumulo 'yung dugo ko sa lalaking 'yon kanina!" I crossed my arms because of frustration.

Nakabalik na silang dalawa ni Theo at kaming apat ang magkakasama ngayon sa table kasama si Mavy. Nagpaalam na rin kasi bigla si Liam na may kailangan pa raw siyang puntahan. Hindi na namin siya pinigilan pa dahil... bakit pa? 'Yung ibang members naman ng Cryptic Blue ay kanina pa umuwi kaya si Theo at Mavy lang ang naiwang kasama namin. 

Malakas na tumawa si Kate. "Sorry na! Malay ko bang sad boy 'yung nireto ko sa'yo."

Inirapan ko siya at inis na kumuha ng fries para kumain. Bago pa lang bumabalik sa normal ang blood pressure ko ngayong nakaalis na si Liam. Hindi ko na lang alam kung ano pa'ng pwedeng mangyari kapag pinili pa niyang magtagal dito.

"Ang lakas din naman ng loob niyang sabihin na ang hanap ko lang naman sa mga lalaki ay 'yung matatalino at gwapo." Dinaig pa nito ang pagka-stress ko sa schoolworks dahil sa pagra-rant ko. "Tama lang din naman 'yung sinabi niya dahil hinding-hindi ko matitipuhan ang tulad niya. Hindi ko kailangan ng manipulative sad boy sa buhay ko."

"Buti pala dumating ka kanina, Mavy. Jusko baka mapaaway pa 'tong si Nads kung hindi ka dumating."

Muli akong napatingin kay Mavy. Naging tahimik na ulit siya nung umalis na si Liam. Maliit itong ngumiti bago inangat ang bote ng beer na hawak niya at ininom 'yon. Hindi ko pa pala siya napapasalamatan dahil sa ginawa niya kanina. Alam kong sinabi ko na sa sarili ko na iiwasan ko siya ngayong araw pero mas ipinagpapasalamat ko na bigla siyang dumating kanina. He just saved me from having a nonsense conversation with Liam. 

Bandang alas-nwebe na nang matapos kaming kumain. Hanggang 10 PM naman ang bukas ng 23rd Street pero kailangan na rin naming umuwi ni Kate dahil baka hanapin na kami sa'min. Nasa labas na 'ko ngayon at hinihintay ko na lang siyang dumating dahil nag-CR pa siya. 

"Ayos ka lang ba?" Napalingon ako nang may nagsalita mula sa likuran ko. 

Tumigil si Mavy sa gilid ko. Nakasabit sa balikat nito ang electric guitar na nasa case. He looked at me like he was worried. 

"Pasensiya ka na ro'n kay Liam." Bumuntong-hininga ito. 

Base sa reaksyon niya ay mukha siyang seryoso. Kanina pa siya gano'n simula nung nakiupo siya sa'min ni Liam. 

"Hayaan mo na 'yun. Ang mahalaga ay hindi na 'ko guguluhin ng lalaking 'yon. Sa sinabi mo pa lang kanina, eh, mahihiya na 'yon makipag-usap ulit," I chuckled. 

Mahina itong natawa sa sinabi ko kasabay ang pag-suklay niya sa buhok gamit ang kamay. 

"Paano mo nga pala nalaman na hindi ko na siya gustong kausapin kanina?"

"Sa mukha mo," he smiled. 

"Nakatingin kasi ako sa'yo kanina. Bigla kasing nagsalubong 'yung kilay mo kaya napansin ko na hindi ka na 'yata komportable," sagot niya. 

Napaisip naman ako bigla sa sinabi niya. Kung ganoon ay tinitignan niya pala ako kanina. Pero bakit?

Tumigil ang pag-iisip ko nang dumating na sina Kate at Theo. Napansin ko ang pagbabago ng reaksyon nito nang maabutan kaming magkasama ni Mavy, ngumisi ito bigla. Inirapan ko na lamang siya at hindi pinansin. 

"Ingat kayo, Kate," ani Theo.

Pabebe namang ngumiti ang pinsan ko at kumaway sa lalaki. "Babye! Call mo 'ko, ha?" 

Napailing na lamang ako at lumayo sa pinsan ko dahil hindi ko kinakayang makita ang ginagawa niya. Gano'n ba talaga 'pag may jowa? Kakakita pa lang tapos magca-call agad.

The Way I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon