I locked myself up in my room the next day. I badly wanted to call Mavy and ask him to see me, but I couldn't. My parents were serious about taking my phone and laptop away and there was nothing else I could use to contact anyone right now.Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko at walang kinausap ni isa sa mga tao rito sa bahay. Tiniis kong magutom at mauhaw dahil ayokong lumabas sa kwarto dahil kapag ginawa ko 'yon ay kailangan ko ulit silang harapin. And that's the last thing I want to do right now.
Simula nung ilaglag ako ni Kate ay doon ko nasiguro na mag-isa lang talaga ako kung wala si Matthew. I can't believe that she did that to me when I didn't tried to forsake her when I was in her position. Kaya hindi niya ako masisisi kung may mamuong galit ako para sa kanya. I trusted her. Tapos ganoon lang kadali para sa kanya na idamay ako para lang mailipat sa'kin ang atensyon nila.
Monday was a hell. Seryoso ang mga magulang ko na i-homeschool ako kaya naman hindi na ako nagulat nung ipadala nila 'yung mga learning materials at activities sa bawat subject para makahabol pa rin ako.
Sa nagdaang mga araw ay si Kate ang nagdadala ng mga gamit ko sa kwarto pero hindi ko siya binalingan ng tingin ni isang beses. I want her to feel my anger. I want her to know it.
I wasn't surprised when she did the same. She ignored me the whole time she was in my room. She didn't even look at me when she was giving some instructions.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Mariin at seryoso ko siyang tinignan.
Hindi ko na kayang hayaan na lang 'yung ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawang kasalanan ko sa kanya para gawin niya 'yon sa'kin.
"Anong nagawa ko sa'yo para ilaglag mo 'ko?!" I raised my voice.
Wala na akong pakealam kung marinig pa kami rito dahil buong gabi kong inisip kung bakit siya pa 'yung gumawa no'n matapos kong sundin lahat ng kagustuhan niya noon para lang hindi sila mahuli ni Theo.
Walang emosyon ang mga mata niya nung bumaling siya sa'kin. Ni hindi ko nga maramdaman o makita na nagi-guilty siya sa ginawa niya. And it's so unfair that she gets to continue her life outside when both of us did the same mistake. Siya ang nahuli sa'ming dalawa pero mag-isa kong pinagdudusahan ang lahat.
"Hindi mo 'ko maiintindihan, Nads. Matagal nang pangit ang imahe ko sa mga mata nila pero ikaw... Ikaw 'yung palaging magaling, 'yung mas matalino kasi nasa STEM ka! Mas may tiwala sila sa'yo pero pagdating sa'kin ni simpleng paggala kailangan pang kasama kita!" she burst out. "Puta, kahit nga sa dinner ikaw pa rin 'yung usapan! Kesyo dapat mag-doktor ka para naman merong doktor sa pamilyang 'to, dapat ganito ang plano sa birthday mo... Habang ako... palagi lang pinapaalalahan na mag-aral at 'wag munang mag-boyfriend kasi nagtatrabaho sina Mama abroad. Si Theo na nga lang 'yung nakakaintindi sa'kin dahil mapanghusga lahat ng mga tao rito sa bahay tapos kayo ng mga kapatid mo ang laging paborito. O-oo... nakikitira lang naman ako at malaki 'yung utang na loob ko... p-pero pamilya niyo rin naman ako, ah?" Her voice cracked.
May kung anong kumirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Kaya ba niya nagawang sabihin sa kanila ang tungkol sa'min ni Mavy dahil tingin niya ay paborito ako?
"I had no choice, Nads. Punong-puno na 'ko sa mga pang-iinsulto ni Tita Flor kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sabihin ang sa inyo ni Mavy!" dagdag pa niya.
It still hurts so much even if she had her reasons. Hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para idamay ako kahapon at sirain ang tiwalang ibinigay ko sa kanya.
"Pero sana... kinonsidera mo rin 'yung mararamdaman ko, Kate! Sana inisip mo rin 'yung pwedeng gawin ng mga magulang ko kapag nalaman nila! Mas lalo lang nilang inisip ngayon na hindi maganda ang intensyon ni Mavy, pero lahat naman ng 'yon ay ako ang nagdesisyon! Walang kasalanan si Mavy sa pagtakas ko, sa paglilihim ko dahil ako naman lahat ang may gusto no'n eh!" My eyes were full of tears. "Akala ko kakampi rin kita, eh... Pero kaya mo rin pala akong itulak para masagip mo 'yung sarili mo."
BINABASA MO ANG
The Way I Hate You
RomanceIn the world of academe, Nadia Giselle Raymundo excels, yet her true passion lies beyond her parents' expectations. An encounter with her total opposite, Mavy De Vera, the unfathomable lead vocalist of Cryptic Blue, introduces her to a different rhy...