"Oh, may bisita rin pala itong si Giselle," bungad ni Tita Flor nang dumating ito sa may sala.Kahit masama pa rin ang loob sa mga tao sa bahay ay pinapasok ko pa rin si Kade para ipakilala sa kanila. I want to do the things the proper way.
"Pwede bang iwan niyo muna kami. Hindi pa kami tapos mag-usap ni Giselle," seryosong saad ni Papa na agad namang sinunod ni Tita Flor at bumalik sa may kusina para iwan kami.
"Ah, Sir, may dala po pala akong pagkain para sa inyo--"
"Hindi na kailangan. May pagkain naman kami," Papa cut him off.
"Pa..." pinagsabihan ko ito ngunit hindi niya ako pinansin.
Sa halip, humarap ito kay Kade na ngayon ay may kalungkutan sa mga mata dahil sa sinabi ni Papa.
It already breaks my heart how my father treats him, but what more to him?
"Tatapatin na kita Kade. Hindi kita gusto para sa anak ko," diretsang saad ni Papa na ikinagulat ko. "Alam kong anak ka ni Mrs. Mariano pero hindi ibig sabihin no'n ay boto na 'ko sa'yo."
"Pa!" Hindi ko na napigilan ang sarili na mapasigaw dahil hindi ko na rin kaya ang mga naririnig ko.
Nakita ko kung paano nadagdagan ang lungkot sa mga mata ni Kade. He swallowed several times to regain his composure. Alam kong pinipigilan lang niya ang emosyon na pero sa loob niya ay alam kong nadudurog na rin siya sa mga naririnig niya.
"Kade, I'm so sorry... I think you should go home..." I bit my lips, trying to stop myself from shedding a tear. I can't even look him in the eye anymore because of the embarrassment I am feeling.
Nilapitan ko siya para igawi papunta sa pinto nang muli itong nagsalita at humarap kay Papa. "You have all the right to doubt me, Sir. I haven't proven anything yet. And I'm sorry because I will never change my mind. I will continue to pursue your daughter, and I'll prove myself whatever it takes."
Before Kade left, he looked at me for a few seconds. As if he was assuring me that everything will be okay despite the mess that is happening right now. The moment he left, there was a few seconds of silence in the room. I faced my father with heavy breathing and tears pooling in my eyes.
"H-how could you? Hindi niyo man lang binigyan ng respeto 'yung tao, Pa!" iyak ko at tuluyan nang bumuhos ang luha sa pisngi ko. "S-sobrang bait na tao ni Kade... At wala kayong karapatan na bastusin lang siya kahit ayaw niyo sa kanya!"
Galit na galit ako. Hindi ko lubos na maisip na kayang gawin 'to ni Papa.
"Giselle, tumigil ka na! Hindi mo na nirerespeto 'yung Papa mo!" Pinagsabihan ako ni Mama.
"Bakit, Ma? Hindi ho ba mas masahol 'yung ginawa niya kay Kade?" depensa ko. "Bakit ba gano'n kahirap sa inyo na tanggapin lahat ng mga taong pinapapasok ko sa buhay ko? Samantalang 'pag kay Ate Maica, okay lang sa inyo. Hindi naman gano'n 'yung reaksyon niyo nung nalaman niyo 'yung sa'min ni Mavy noon, ah? Bakit sobrang unfair niyo naman, Pa--"
Napasinghap lahat ng tao sa bahay nang marinig nila ang malakas na pagsampal sa'kin ni Papa. Kulang na lang ay dumugo ang pisngi ko dahil sa hapding nararamdaman ko ngayon. But the pain I felt became bearable. This wasn't the first time that it happened.
"Huwag na huwag mong ku-kwestyunin ang pagiging magulang namin sa inyo. Kung ayaw mong sumunod sa ipinag-uutos ko, malaya kayong makakaalis sa pamamahay na 'to," seryoso at may diin na saad niya.
It broke me when he didn't blink an eye when he said that. Kahit kailan ay wala nang magbabago sa bahay na 'to. It just becomes more and more toxic over time.
BINABASA MO ANG
The Way I Hate You
RomanceIn the world of academe, Nadia Giselle Raymundo excels, yet her true passion lies beyond her parents' expectations. An encounter with her total opposite, Mavy De Vera, the unfathomable lead vocalist of Cryptic Blue, introduces her to a different rhy...