Chapter 23

10 3 0
                                    

Our five-day vacation in La Union was the best vacation trip I had in the summer. Sa kailaliman ng isip ko ay may parte sa akin na gusto na lang manatili sa lugar na 'yon. Habang nandoon kasi ako, pakiramdam ko ay malaya ako. Hindi ko kailangang mag-isip ng anumang bagay.

But, of course, such things inevitably come to an end. That is what makes us appreciate every moment because we know that these perfect moments in our lives are fleeting. Sometimes it happens only once in a lifetime.

Pagkatapos ng bakasyon ay nagkaroon na ulit kami ng pasok. Kahit papaano ay namiss ko pa rin na pumasok ng school nung bakasyon dahil 'yon lang din naman ang lugar na mas makakasama ko nang matagal si Mavy.

And this new school year is different. Dahil ito na ang huling taon namin sa high school. At marami na rin ang magbabago kapag natapos ang taon na ito kaya hangga't maaari ay gusto kong sulitin ang bawat oras na mayroon dahil gusto kong magkaroon ng magagandang alaala na mababalikan ko bago ako maghanda sa pagtungtong ng kolehiyo.

The first few months of school were great. Magkaklase pa rin kami ni Lori at ganoon din si Mavy. Bumalik kami sa dating gawi kung saan palagi akong hinahatid ni Mavy pauwi at kung minsan ay nananatili muna siya sa bahay ng ilang oras para makipaglaro kay Matthew. Sinasamahan ko pa rin siya sa tuwing may rehearsals at gig sila. Simula nung i-refer sila sa La Union ay mas lalong nakilala ang Cryptic Blue. They've been receiving greater opportunities.

Nakatambay kami no'n sa studio ng Cryptic Blue nung nakatanggap sila ng good news last week. They were invited to have a collaboration with Magnus! He's one of the rising male singer right now. At nung mapanood nito ang video nina Mavy sa La Union ay inimbitahan nito ang banda na makipag-collab sa kanya para mag-cover sila ng kanta at mag-perform ulit.

I saw the happiness in their eyes when they received the news. Maging kami ni Lori ay na-excite para sa kanila. Unti-unti nang nagkakaroon ng bunga ang pagod at oras na nilaan nila para sa banda. Hindi na ako magtataka kung dumating ang araw na makilala sila at maging isang sikat na banda sa bansa. And I just really hope that when that day comes, Mavy's father would finally be convinced that Mavy is meant for this. That he was born to be a part of Cryptic Blue, and that he can make a career in this industry.

Nakatambay kami ni Lori sa may garden ng school habang nakaupo sa school bench at kumakain ng binili naming fishball sa labas nung bigla kaming lapitan ng dati naming Science teacher nung junior high.

"Nadia, Lori..." Nakangiti ito nang tawagin kami at tumigil sa tapat namin.

"Good afternoon po, Ma'am Palma," sabay naming bati ni Lori sa kanya.

"May klase ba kayo?"

"Ah, wala po, Ma'am. Vacant po namin. Bakit po?" I asked.

Madalas naman kasi namin siyang masalubong dito sa school pero hindi naman nagtatagal ang usapan namin tulad nito. Binabati lang namin siya kapag nakakasalubong namin pero hanggang do'n lang. Kaya medyo nanibago ako nung lapitan pa niya kami ni Lori.

"Ba't po pala kayo naparito, Ma'am?" Lori finally asked.

"Ang totoo niyan, eh, gusto kitang makausap Nadia," she turned to me.

"Ako po?"

Tumango ito. "Ako kasi ang magco-coach sa quiz bee ng senior high para sa darating na Science and Technology Fair," paliwanag niya. "Eh, napag-alaman ko na ikaw ang representative ng grade level niyo last year sa individual quiz bee," dagdag pa nito.

"So... gusto niyo po ulit akong sumali?" diretsang tanong ko.

"Oo, pero sa group quiz bee kita balak isali. May nakuha na kasi akong representative sa individual galing sa kabilang section."

The Way I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon