Bakit ganoon? Kung kailan parehong tao na ang gumagawa ng paraan para magkaayos ay tsaka ulit kami sinusubok ng tadhana?Hindi ko maintindihan ngunit sa mga nakalipas na linggo ay tila hindi magagandang pagkakataon ang naidudulot sa relasyon namin ng mga nagdaang araw. At ngayon na gusto na naming tuldukan ang hidwaan ay tsaka pa ulit kami mapipigilan.
I didn't get to hear the apology that I've been dying to receive since last week. Dahil sa naging alitan nina Lori at Iva sa studio ay hindi na rin natuloy ang dapat na pag-uusap namin ni Mavy.
I'm not blaming them, though. I understand the whole situation. At desisyon ko rin naman na umalis para sundan si Lori nung araw na 'yon dahil alam kong kailangang-kailangan niya 'ko.
If there's someone to blame here... it's Jerich. Hindi naman mangyayari lahat ng ito kung marunong lang siyang makuntento sa relasyon nila ni Iva. If they've been having problems, he should've tried to fix it instead of looking for someone who can make him forget his problems.
Simula nung gabing nag-text si Mavy sa'kin ay bigla na lang nagbago ang ihip ng hanging dahil naging tuloy-tuloy ang pagme-message niya sa'kin. Kahit na madalas ko siyang ignorahin at kahit hindi ko na siya masamahan sa rehearsals dahil ayokong makita si Jerich ay hindi naman siya tumigil sa pag-imporma sa'kin ng mga ganap sa araw niya at pangangamusta niya.
Nung una ay hindi ko siya nire-replyan pero kinalaunan ay sumasagot na rin ako sa mga text niya kahit maikli lang. Tulad na lang ngayon na habang nakahiga sa kama ko ay binabasa ko ang text na galing sa kanya.
Mavy:
gising ka pa, babe? di ka ulit dumaan sa studio pero ayos lang naman dahil naiintindihan ko. basta sana ay makapunta ka bukas para sa recording day namin.Mavy:
kamusta na nga pala si Lori? sina Iva at Jerich kasi ay hindi pa rin nagpapansinan sa studio kahit pag rehearsals. hindi naman naaapektuhan yung performance pero medyo mahirap lang kumilos ngayon dahil ramdam talaga namin 'yung tensyon. pero huwag kang mag-alala dahil susubukan na naming kausapin si Jerich pagkatapos ng recording bukas dahil kami rin ay walang kaalam-alam sa ginawa niya.Matapos basahin ang message niya ay nag-type kaagad ako ng ire-reply.
To: Mavy
Huwag kang mag-alala dahil kailan ba ako hindi nakapunta sa mga importanteng gig mo?To: Mavy
Si Lori naman ay hindi ko pa rin nakakausap pero tinatawagan ko naman si Tita para alamin din ang kalagayan niya.Tomorrow is a special day for the Cryptic Blue. Matapos ang ilang buwang pagsusulat at page-ensayo ng kantang nilikha nila ay may maliit na kumpanyang tumanggap sa gawa nila at bukas ay maire-record na nila ito. That's what they have been practicing these past few weeks. Ito ang bagay na matagal na nilang hinihintay dahil posibleng ito na ang magbigay sa banda nila ng malaking break.
The next day, I woke up with a little excitement tingling in my body. Hindi man kami naging maayos ni Mavy nitong mga nakaraan ay hindi ito naging dahilan upang tumigil ang pagsuporta ko sa kanya. I've seen him grow his love for his passion. Saksi ako sa puyat, pagod, at determinasyon na binuhos niya para sa bandang ito. At isipin ko pa lang ang ideyang magkakaroon na sila ng sariling kanta ay tumataba na ang puso ko sa saya.
Bumisita ako kay Matthew nung umaga para ipaalam sa kanya ang gagawin ngayon ng Kuya Mavy niya. Nung mga panahong hindi kasi dumadalaw si Mavy ay madalas itong hanapin ng kapatid ko. Pero naintindihan naman ni Matthew ang sitwasyon dahil alam din niyang nage-ensayo si Mavy kaya palaging abala. He learned about this day kaya naman sinabihan niya akong puntahan muna siya bago umalis dahil gusto niyang tawagan si Mavy para i-good luck ito.
"Hello, Giselle?" bahagya kong narinig ang pagkagulat sa boses ni Mavy nang sagutin niya ang tawag.
"Hello, Mav, gusto ka raw makausap ni Matthew," I informed him.
BINABASA MO ANG
The Way I Hate You
Roman d'amourIn the world of academe, Nadia Giselle Raymundo excels, yet her true passion lies beyond her parents' expectations. An encounter with her total opposite, Mavy De Vera, the unfathomable lead vocalist of Cryptic Blue, introduces her to a different rhy...