Chapter 28

9 3 0
                                    


Basang-basa akong umuwi nung gabing 'yon. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi ako naabutan nila Mama at si Kate ang nagbukas sa'kin ng pinto.

After showering and changing clothes, I went to bed. But before I could even sleep, I checked my phone for the last time.

Hindi ko alam pero may natitira pa ring katiting na pag-asa sa loob ko na naghihintay ng tawag o message mula kay Mavy. At some point, I was still expecting him to call. To explain, or even beg for my time just to hear him. Kasi gano'n naman dapat 'di ba?

Oo, galit ako at ipinagtulakan ko siya kanina. Pero hindi niya ako masisisi kung ganoon ang naging reaksyon ko dahil pinagmukha niya akong tanga roon sa mall. I was patiently waiting for him. I was so excited to see him and embrace him, to feel his warmth and just be close to him. Tapos malalaman ko na lang na nage-enjoy siya kasama ang mga kaibigan? He had a chance to call me. Pero hindi niya 'yon ginawa. At 'yon lalo ang ikinakagalit ko.

He made me feel like I wasn't part of his priority. He made it seem that he was willing to cancel his plans with me any time if something came up. That his date with me wasn't that important at all.

Aaminin ko na nagkaroon din naman ako ng pagkukulang sa kanya lalo na sa paglalaan ng oras ko sa kanya nitong mga nakaraan, pero kaya nga sinusubukan kong bumawi ngayon dahil ayokong maramdaman niya na hindi siya kasama sa priorities ko. Alam rin naman niya ang sitwasyon namin ngayon. Hindi ganoon kadaling hatiin ang oras ko dahil kailangan ako ng kapatid ko.

I just need him to say sorry, that's all. Gusto ko lang marinig ang paghingi niya ng tawad at ipaliwanag sa'kin ang dahilan niya dahil patatawarin ko naman siya agad. Hindi ko rin naman gustong patagalin 'tong away namin.

The next day came by where I still didn't receive a call or even a message from Mavy. I was desperate for Monday to come because we'd finally see each other at school. Doon ay hindi na namin magagawang iwasan ang isa't isa. I waited for him to approach me all day only to be dissappointed. Ni hindi man lang niya ako tinignan o kinausap sa school. It felt like I was invisible to him. Nahalata iyon ni Lori dahil hindi rin kami nito sinabayan sa lunch na kadalasan niyang ginagawa pero hindi ko naman alam ang isasagot sa kaibigan.

We had a fight, yes, but to me, it wasn't that big of a deal at all. Kahit na ganoon ay alam ko sa sarili na hindi namin patatagalin ang away namin dahil kilala ko si Mavy, hindi niya hahayaang lumipas ang araw nang hindi kami nagkakaayos. In fact, I was expecting him to approach me first. I was expecting that he'll be the one worried if I wouldn't talk to him. Pero lahat ng inakala ko ay kabaliktaran ang nangyari.

Nang mag-Sabado ay umasa ako na magkakaayos na kami. I woke up feeling hopeful and excited.

It's our monthsary. We've officially reached seven months in our relationship. Kung titignan ay parang napakabilis ng panahon dahil ilang buwan na lang ay mag-iisang taon na kami ni Mavy.

We experienced a lot of hardship in our relationship. Pero kahit ganoon ay nagawa naming lampasan lahat nang 'yon. Kaya nga kampante ako na magkakaayos na kami ni Mavy, eh. Hindi niya hahayaan na lumipas ang araw na 'to nang hindi kami nagkakaayos.

I know him too well. I'm sure of it! He's probably doing something now to prepare for his surprise. Just thinking of that idea excites me!

Kasalukuyan akong nasa bahay dahil si Kate ang nagbabantay ngayon kay Matthew. Nasorpresa nga ako nung magpaalam siya sa'kin dahil hindi naman siya sanay magbantay sa ospital. Ang alam ko nga ay hindi niya gustong magtagal sa ganoong lugar dahil hindi nito gustong makita ang mga kaganapan sa ospital. People rushing in emergency rooms, family members crying, people suffering. Pero napag-alaman ko na kaya lang siya nagprisinta dahil magkikita pala sila ni Theo roon.

The Way I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon