Chapter 36

6 2 0
                                    

Consistent, patient, and, sensible.

That's what Kade has been doing while courting me for more than a month now.

And every single day he never fails to fulfill his words. As for someone like me, importante talaga sa'kin ang pagtupad sa pangako dahil ayoko nang muling maranasan ang sakit na naidulot ng nakaraan ko.

It made me afraid to trust again.

But now... being with Kade... it felt like something more. It made me want to hold on to the future.

Sa higit isang buwan na panliligaw niya ay mas lalo naming nakilala ang isa't isa. We slowly became each other's safe space.

"Ma'am, here's your coffee po," saad ng lumapit na barista sa table ko habang bitbit ang isang drinks at isang slice ng strawberry cake.

"Sorry, pero wala pa akong ino-order," nagtatakang sagot ko.

Magsasalita pa sana ako nang bigla akong makatanggap ng message sa cellphone ko. I immediately opened it when I saw Kade's name on the screen.

From: Kade :)
You shouldn't study on an empty stomach.

Agad akong tumingin sa paligid nung mabasa 'yung text. Napailing na lamang ako habang nakangiti nang mamataan ko si Kade sa labas ng coffee shop at papasok na ito para puntahan ako.

Hindi na ako nakipagtalo pa sa barista at nahihiyang tinanggap 'yung pagkain na dala niya dahil kanina pa ito naghihintay.

"Akala ko mamaya ka pa?" nakangiting tanong ko nang dumating si Kade.

Hinila niya ang upuan sa tapat ko at doon pumwesto. He is wearing their white uniform that hugged is body perfectly. Umabot din kaagad sa ilong ko ang mabango niyang pabango. Kung hindi ko siya kilala ay baka ma-intimidate ako sa kanya at isiping snobero siya dahil halata ang pagiging matalino sa paraan pa lang ng pagtindig niya.

"Maagang natapos 'yung group work namin. Sasamahan na rin kita mag-review dahil mag-aaral na rin naman ako."

Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi niya. He really knows how to prioritize his acads. Gustong-gusto ko iyon pagdating sa kanya dahil maging ako ay nahahawa niya at napapaaral din kahit 'di ko naman plinano.

"Pano ka naka-order, eh, kararating mo lang?" nagtatakang tanong ko.

"Actually... kanina pa ako dumating. Sinusubukan kong kunin 'yung atensyon mo kanina sa labas pero hindi mo 'ko napapansin kahit nung pumasok na ako sa loob kanina para umorder" he smiled. "Sobrang focused mo sa binabasa mo kaya hindi na muna kita ginulo," he added.

Nalunod sa saya ang puso ko sa sinabi niya. I can't believe I was so focused on studying that I didn't even notice his presence! Ganoon kasi talaga ako 'pag nag-aaral at nakakatuwa lang hinintay pa niya ako.

"Dapat ay pumasok ka na kanina! Okay lang naman sa'kin 'yon kaysa maiwan ka sa labas, eh, ang init-init pa naman."

"Ang cute-cute mo kaya habang nag-aaral. I didn't want to bother you."

Pabiro akong umirap dahil sa pambobola niya kaya tinawanan niya lang ako.

Maya maya ay nagpatuloy na ulit ako sa pagre-review. Maging siya ay sinimulan na niya ang pag-aaral kaya puno ang mesa namin ng mga papel at libro namin. Isang linggo na lang ang natitira bago magsimula ang midterms namin. Pagkatapos noon ay magpapaskuhan na at Christmas break na namin.

Nung matapos na ulit ako pagbabasa sa isang topic ay sinubukan kong magsagot ng mga questionnaire. Hindi ko na lamang napigilan na ma-frustrate nang mahirapan akong sagutin ang mga tanong. I even got more questions wrong!

The Way I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon