39: Prom part 2

3 0 0
                                    

:Elaine's POV:

Shet, kinakabahan ako yun lang ang umiikot sa utak ko, nakapila na ang lahat at nagbukas na ng magagarbong lights ang school namin.

Nasa tabi ko ngayon si Daniel, at alam ko na sya mismo ay kinakabahan, di ko man alam kung ano ang dapat niyang ikakaba ay kita sa butil butil niyang pawis ang kaba.

"You okay?" Tanong ko sakanya, bigla siyang napatingin saakin "ah, oo o-kay lang ako" sagot niya saaking nauutal.

"Ladies and gentlemen, welcome to our annual prom this evening, as we end the school year, the school prepared this event for the graduating students as a gift and remembrance as they go on to a new chapter of their lives, and now let us welcome these students who made it possible for us to achieve this glamorous night" isa isa kaming tinawag ng host, ang bawat pair ay dumadaan sa gitna ng mga cadet officers na nakauniform at nag cross sword saamin.

"And let us welcome our fourth year representatives, Ms. Elaine Ysabel Buenavides and Mr. Daniel Xander Dimayuga" ang lahat ay nagpalakpakan at may iilan na nag hiyawan na alam kong sina Nics at iba naming tropa.

Kinuha ni Daniel ang aking kamay at inangkla ito sa kanyang braso, tumingin siya saakin at tumingin kung handa na ba ako, ako'y napatango na lamang.

Nagulat ako ng biglang tumalikod ang mga cadet officers at sa bawat pagdaan namin sa isang pares ay umiikot ito at saka nagcro-crosssword.

Pagdating sa dulo ay may isang officer na nag abot sa akin ng bulaklak, ang ganda ng mga bulaklak paniguradong si Daniel ang may pakana nito dahil siya ang nakakaalam ng mga gusto kong bulaklak.

Pagkaabot saakin ay naramdaman ko ang init saaking pisngi. Lahat ay naghiyawan sa kilig na nakita nila saamin, hindi ko alam kung paano ako magrereact, samantalang si Daniel naman ay napapangiti lamang at napakamot sa kanyang batok.

"Pinlano mo to?" Tanong ko sakanya. "Nagustuhan mo ba?" Nakangiti niyang tanong saakin, oo nagustuhan ko syempre sinong babae naman ang hindi diba? Pero hindi dapat siya ang gumagawa nito.

"Uhmm..oo syempre, pero nakakahiya baka kung ano isipin nila saatin Daniel" tumingin lamang siya saakin. "Bakit ano ba ang dapat nilang isipin Elaine? A beatiful lady like you needs to be treated beautifully" ughhh feeling ko may lagnat ako ngayon, pigilan ko man ay syempre kinikilig ako.

Hinatid ako ni Daniel sa table ng section namin, siguro ay 5 table ang nakalaan sa kada section. Kasama ko ngayon si Nics na kinukulit ako dahil sa sobrang kilig niya sa eksena kanina.

"Friend!!! Grabiee talaga yang si papa D, he never fails to amuse you ah, kung ako siguro yan ay hinimatay na ako" kinuha niya ang flowers at inamoy ito, may kinuha siyang card na hindi ko napansin kanina.

"To her who always make my heart beat a thousand times" binasa ito ni Nics na muling tumili at kinilig.

"Okay, guys before we start the program, let us energized ourselves first, foods will be served at your table, and before we eat let us all give thanks to the Lord whom made all of these possible"

We prayed and later on ate, the food was prepared by our canteen, puro groupies at selfies ang bumuo sa kain namin, ang iba ay pinaguusapan na kung sino ang kanilang isasayaw, samantalang ako naman ay patingin sa paligid na umaasa na makikita ko si Drake.

Nagperform muna ng mga teachers namin ng sayaw, ang lahat ay naghiyawan dahil walang nakakaalam na mag prepresent pala sila, sumunod naman ay ang pagbubukas nila ng botohan sa iba't ibang title  para sa gabing iyon kasama narin ang king and queen of the night.

"Now I am excited to say that the dance floor is now open and everyone is invited to dance the night with energy!" Masayang sabi ng aming host, ang lahat ay nagsigawan at nagmadaling pumunta sa quadrangle kung saan ay may disco ball.

Si Nics ang nanguna sa pagsayaw kasama ang nanliligaw sa kanyang si Brandon dahil upbeat ang mga tugtog, lahat ay sobrang saya, ang iba ay gumawa pa ng bilog kung saan may sumasayaw sa gitna at chinicheer ng iba.

Nakaupo lamang ako sa table ngayon dahil hindi ko feel ang ganung klaseng tugtog. Nakita kong papalapit saakin si Daniel ay bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Bakit di ka sumasayaw? Sayang ang gabi at ang beauty mo!" Tumabi saakin si Daniel habang pinapanood naming ang mga sumasayaw.

"Alam mo namang hindi ko forte ang mga ganyang tugtog at mahirap din sumayaw sa ganitong damit"

Nakangiti lamang siya saakin, napansin ko na hindi siya mapakali, at huminga ng malalim bago tumingin saakin.

"Ahmm..uhmm Elaine can I ask you something?" Makaba niyang tanong saakin pati rin tuloy ako ay kinabahan na.

"Anu yon?" Tumingin siya saakin, mukang nagaalinlangan pa. "Can you be my first dance?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot, alam nyo yung pakiramdam na gusto mo na parang ayaw mo? Bahala na si batman dito.

"Sure, wala namang masama kung isayaw mo ko, muka rin namang wala ang dapat kong first dance" matamlay kong sagot sa kanya, napansin niya ito at tumingin saakin ng seryoso "i wish i could make you forget him just this night, Elaine i'm sorry"

"There's nothing to say sorry, di mo naman kasalanan kung wala siya ngayon dito, and even i can't do anything to have him here, ikaw pa kaya?" He looked down, i know i shouldn't have said the last one.

Tinawag na kami ng host para sa kotilyon. Medyo awkward ngayon ang sitwasyon namin ni Daniel dahil sa paguusap kanina, nagsimula ang kanta at nagsimula narin kaming gumalaw.

Hindi kami magkatinginan ni Daniel, siya ay nakatingin sa iba samantalang ako ay napatingin na lamang sa aming mga paa na gumagalaw.

"May we invite everyone to get their partners and join us in this lovely song by Jon Mclaughlin"

Hindi na kami umalis ni Daniel sa gitna dahil pumayag din naman ako na kami ang unang magsayaw.

So close, with waiting, with waiting here with you and I forever amazed

Feeling ko ang bagal ng oras nung nagsasayaw kami. Ewan ko feeling ko kami lang ang tao sa mundo.

"Thank you Elaine" napatingin ako sa kanya, siya ay nakatitig lamang saakin "thank you for giving this chance to be with you"

All that i wanted to hold you so close
So close to reaching that famous happy end

Almost believing this one's never end

Kami ay titig lamang sa isa't isa di ko alam kung dapat ba akong sumagot o ienjoy na lamang itong kasiyahan na nararamdaman ko, mali man ito dahil hindi malinaw kung asan kami ni Drake pero pansamantalang kong nakalimutan siya.

Now you're beside me and look how far we've come

So far we are, so close

Ang kaninang kamay ni Drake na nasaaking kamay ay ngayon na saakinv beywang na, at ako naman ay naka hawak na sa kanyang balikat.

Natapos na ang kanta ay hindi parin kami nakabitaw sa isa't isa. Marahil narin siguro naging komportable na kami sa isa't isa.

Kumawala na lamang ako ng naramdaman ko ang sakit saaking mga paa. Hinatid niya ako sa table namin at bumalik na siya sa kanilang table.

Hindi lamang pala kami ang nawala sa gitna ng dancefloor, si nics at brandon mula kanina pa ay nasa dancefloor parin hanggang ngayon. Nakaramdam ako ng inggit dahil ito dapat ang oras na kasama ko siya, ngunit nasaan siya, wala siya.

Papatungo na ako sa table namin upang itago ang namumuong luha saaking mga mata nang marinig ko ang isang malamig na boses na aking hinihintay.

"Can i dance this lovely queen infront of me"

At tuluyang bumagsak ang luha saaking mata.

Vote, and be a fan!

Jhamy03

I love him but I rather not be..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon