49: Commencement

2 0 0
                                    

:Elaine's POV:

I was waiting in the car for almost 30 minutes, siguro ay dahil narin sa excitement ni mommy at daddy sa graduation ko. Buti nalang at malakas ang aircon ng sasakyan dahil kitang kita ko ang tirik ng araw sa labas.

Ang parents ko naman ay nasa principal's office ngayon dahil sa isang business chismisan siguro hindi nalang ako sumama dahil wala rin naman akong maiintindihan. Naghihintay ako na may dumating lang na kahit isa na kakilala ko pero wala parin dahil nga siguro masyado pang maaga.

Di ko namalayan na nakatulog na ako at nagising na lamang sa banda na nag eensayo na para sa graduation march.

Tumingin tingin ako sa labas at nakita ang ibang mga kakilala ko kaya pinili ko ng lumabas para naman may makausap. Pagkalabas ko ay nakita ko ang iba sa mga ka-org ko at sumama na lamang sa kanila. Marahil sa sobrang kasiyahan ay kaliwa't kanan ang selfie at pag uusap kung saan sila magbabakasyon after ng graduation.

Well mom did ask what I want as a gift but I just told to surprise me, sa totoo lang everything was already provided to me. Nakakahiya na nga na manghingi pa kung ano because hindi ko rin naman mapapakinabangan.

I tried to contact Drake but he was always out of reach, though alam ko naman na sinasadya niya iyon because of the decision I made.

10 minutes na lang at magsisimula na ang graduation march halos dagsa na ang tao dito and everyone was really noisy dahil sa excitement. I was looking around looking for Drake pero wala, feeling ko naman ay aatend ito ng graduation kahit pa hindi kami maayos.

Pinapila na kami at nag start ng tumugtog ang banda, nag salita narin ang emcee at winelcome ang lahat sa commencement namin. Marahil sa saya ay naghiyawan na kaagad ang mga estudyante maging ako ay nakikihiyaw narin. Pinatahimik kami ng mga kanya kanyang adviser.

Nagstart na ang pag marcha at kung saan saan ay may flash kang maaaninag dahil sa mga pagkuha ng mga litrato. Si mommy at daddy ay nakaupo sa mga silya sa unahan at kumuha na lamang sila ng photographer para maganda ang mga kuha saakin.

Nasa hulihan ang section nina Daniel kaya't hindi ko pa siya nakikita, ngunit hanggang sa makaabot kami sa aming mga upuan ay bakante ang pwesto ni Drake. Nagsimula na akong mag alala at sinubukan kong itxt ito ngunit walang reply. I tried to call him but his phone is turned off, I know kasalanan ko dahil I decided na hindi ko man lang inisip na maapektuhan siya it ng maige pero ayoko rin naman na paasahin siya talaga.

Nang makaupo ako ay napansin ko na ang si Daniel, marahil ay hindi niya ako napansin at lumampas lang ito ng tingin. Huling nag marcha ang section 1 at syempre umaranggkada si Lorris dahil maganda naman talaga ito, at siya rin ang pumalit sa pagiging valedictorian ni Daniel.

Matapos ang ilang sandali ay tumahimik na ang lahat at nagsimula narin ipakilala ng emcee ang mga guest at tinawag ang aming principal for welcoming remarks. Distracted ako halos buong oras ng pagsasalita ng principal namin dahil sa pag aalala ko kay Drake. Some of my classmates even asked me kung nasaan nga ito, hindi ko alam ang isasagot at pinili ko nalang manahimik.

Nang matapos ang aming principal ay pinatawag na si Lorris para sa kanyang valedictorian address. Ngunit lumipas rin ito na si Drake lang ang iniisip ko. I feel guilty of everything, siguro if I kept it to myself hanggang sa gumraduate kami ay marahil andito pa siya. Tanga ko talaga, I made another mistake na kahit kelan di ko na maitatama.

I looked around sa pag asa ko na nasa paligid lang siya at ayaw niya lang umupo dahil saakin, mas okay na yun kaysa wala siya dito.

We were now asked to lit the candles na ibinigay saamin as a sign of respect and oath taking to always remember the alma mater that nurtured us during highschool.

I love him but I rather not be..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon