:Elaine's POV:
After what happened the other day, I never got a good sleep and it scares the shit out of me dahil, I'm starting to have this idea that maybe Daniel is right that i'm still into him, that I never stopped loving him.
Pero it's so stupid to think na ganun na lang yun? After all the whirlwind shitness that happened.
I was staring at the road going to the mall to pick up the dress and shoes my mom ordered for me.
Magkikita kami ngayon ni Drake and i really don't know what to say or even how to behave when i'm with him.
"Andito na tayo Elaine, txt mo nalang ako kung susunduin kita, may pinapakuha pa kasi ang mama mo saakin sa Alabang"
"Okay lang kuya, ihahatid naman ako ni Drake pauwi, ingat nalang po kayo sa pag mamaneho"
Tuluyan ng umalis ang sasakyan at nagtungo na ako sa boutique na inorderan ni mommy.
Drake texted me to meet him sa isang coffee shop and mag order na daw ako because he's on his way palang. Nag lakad lakad na lang muna ako sa mall, napansin ko na ang iba ko plang ka batch ay namimili na rin ng susuotin para sa graduation namin sa makalawa.
Even yung mga students from other school na familiar saakin because of my parent's partners.
Medyo nabobore na ako and I decided na tumuloy na sa coffee shop at umorder ng pagkain.
Drake: almost there, sorry got stucked on traffic. See you ;-)
Tamad akong nagreply sa kanya at binalingan ang inorder kung frappe. I just watched people walking outside the cafe, some were alone, yung iba magdadate ata and most are families, which i never experienced..
I'm jealous that they are all in states but i just tru to understand that sooner or later doon din ang bagsak ko just like my other siblings.
It caught my attention when I saw Maneth,Daniel's yaya carrying shopping bags. Sinalubong ko siya agad at kinuha ang pinamili at inaya pumasok sa coffee shop.
"Nako hija, namiss kita pati ni mam, nagtampo nga sayo si mam dahil wala ka daw nung birthday niya, napagalitan pa tuloy ang alaga ko"
"Sorry Maneth, busy talaga ako ng mga panahon na yon, pero nagpadala naman ako ng greeting card sa kanya, nga pala po, bakit mag isa kayong namimili? Pansin ko rin na lahat yan ay kay Daniel.."
"Ah eto ba?" Tinuro niya ang mga shopping baga na hawak niya at ito ay nanggaling sa mga branded shops pa
"Ah pinakuha to ng papa ni Daniel, andito kasi lahat ng susuotin nilang pamilya sa graduation ni Daniel, nako ang alaga ko college na.." Naluluha na siya sabay abot ko ng tissue.
"Nako maneth, kahit ako di ko lubos maisip na college na kami and to think that parang kahapon lang eh naghahabulan kami ni Daniel sa bahay and you were chasing us.."
"Hija, mahal mo pa ba alaga ko?" Muntikan ko atang mabitiwan yung inumin ko. Napaayos ako ng upo at tumingin sa kanya.
"I don't really know maneth, masyadong maraming nangyari at hindi ko alam kung anu na ang nararamdaman ko para sa kanya" hinawakan ni maneth ang mga kamay ko na sa tingin ko ay nanginginig na
"Mahal na mahal ka ni Dan, kitang kita ko kung paano ka niya sundan at kung paano ka niya tingnan pag magkasama kayo, ayoko man makielam sainyo pero gusto ko lang sabihin sayo na, iba si Dan pag kasama ka niya at iba din siya pag kasama niya ang iba niyang kaibigan"
Di ko alam kung paano ako gagalaw o kung ani ang magiging reaksyon ko. Maneth was always a keen observer, siya ang unang nakaalam about sa crush ko kay Daniel, pero she kept it to herself dahil sabi niya ang walang ibang gagawa ng love story namin kundi kaming dalawa.
If Daniel trully love me, bakit ganon nalang ang gulo na nangyari. And why did he just let Drake go over me, ganun ba siya kaduwag? Or he was still unsure of everything.
Lumandas na lang ang luha ko at di ko na mapigilan pa na umiyak.
"Maneth, noon pa lang alam mo na kung gaano ako ka devoted sa kanya pero parang wala lang yun sakanya. Hinayaan ko yun, dahil sa isip ko mas okay na siguro na ganito, magkaibigan kami, atleast hindi nag brebreak. Pero ngayon na alam na namin ang feelings ng isa't isa, saka pa nagkagulo, saka pa kami lalong nagkalayo, masakit na isipin na onti nalang abot kamay na pero wala eh..." Naghahabol ako ng hininga at nagpatuloy "Mahal ko si Daniel maneth sobra, sobra na sa kanya ko nilaan lahat ng oras ko, sobra na kahit pagod na ako umaasa parin ako, sobra na kahit nasasaktan na ako nagpaka manhid ako para sa kanya, sobra na kahit anung galit ko sa kanya eto hanggang ngayon...mahal ko parin siya."
Naibuhos ko na lahat ng sakit at luha, niyakap na lamang ako ni maneth para pakalmahin ako.
"May mali ba sa ginawa ko maneth, diba everyone naman is entitled to have their own love story, bakit yung akin lagi nalang tragic?"
Drake, I know he loves me, pero hindi sa paraan ng magkasintahan, he's just protecting me from getting hurt again, and I really appreciate it.
Siguro I need to do this on my own, kailangan ko muna sigurong mag grow, masyado pang maaga para mag decide.
Maneth stayed with me until Drake came, ihahatid sana namin siya pero sabi niya susunduin naman daw siya ng driver nina Daniel.
Napansin na siguro ni Drake na may iba na saakin pero hinayaan niya na lang yon at umorder ng pagkain para saaming dalawa.
"Uy.. Okay ka lang? Is there a problem?" Siguro napansin niya na kanina pa ako matamlay.
Tumingin lang ako sa kanya and i forced a smile to him. Buti nalang at dumating na ang pagkain dahil magtatanong na yata siya.
I barely touched my food, samantalang siya ay busy sa pag kain na hindi niya na nahalata ang hindi ko pag galaw sa pagkain ko.
"Uhmm Drake" tumingin si Drake saakin.
"Mag restroom lang ako" tumango siya at nagpatuloy kumain.
Nakatulala lamang ako sa harapan ng salamin, iniisip ko kung tama ba itong gagawin ko. Alam ko na sa desisyong gagawin ko ay mababago ang lahat, di lamang saakin pati narin kay Drake and Daniel.
Pero para rin naman to sa ikabubuti naming tatlo, the longer I stay on this the more pain I get.
Sabi nga nila, malalaman mo lang na nagmahal ka pag nasaktan ka, that pain is needed to constantly felt to be able to be stronger.
Lumabas ako ng restroom at nadatnan kong may kausap si Drake sa phone.
"Yeah, I'll be there mom..yes promise, there will be a lot of pictures, thank you mom, love you too, bye"
Saka na lamang ako lumapit ng ibinababa niya ang phone niya.
"Hey, are you really okay? I just noticed you barely ate,are you noy feeling well? Do you want to go home na?"
Umiling lamang ako at umuposa harap niya, nagulat siya doon pero pinisil pisil niya narin ang mga kamay ko.
"There's something I want to request"
"What is it Elaine?"
"I want a break up"
Vote be a fan!
Jhamy03
BINABASA MO ANG
I love him but I rather not be..
RomanceElaine lived her life to be a best friend of a man she really loves, what if one day Elaine finds it giving up to this one-sided relationship, and what if this guy falls for her not knowing that she was long time in love with him and with the new fa...