:Elaine's POV:
The moment I saw Drake and Daniel, I knew it wasn't good. Lalo pa akong nagmadali sa paglapit dahil sa pagbagsak ni Drake sa sahig.
Pagkalapit ko ay agad tumambad ang mukha ni Daniel na galit at ang pumutok na labi ni Drake dahil sa pagsuntok sa kanya nito. At di pa sila natapos dito dahil sinugod agad ni Daniel si Drake at kinuwelyuhan ito at may sinabi, doon na ako pumasok at pinigilan sila.
Tinanong ko kung ano ang nangyari ngunit parehas lamang silang nakatingin sa isa't isa na para bang gusto ulit nilang magsuntukan. Agad kong dinaluhan si Drake pero nag alala rin ako kay Daniel because he was never this agressive without a proper reason.
Sa pagtatanong ko ay parang nayamot lamang siya at panunumbat lamang ang narinig ko mula sakanya. "Kung sabagay why bother asking him, for sure saakin mo parin naman isisi ang lahat diba Elaine?"
Di ko matanggap ang sinabi nya, pero wala akong oras ngayon para makipagtalo rin sakanyan. Agad ko siyang pinaalis at wala din naman siyang nagawa doon. Napansin ko ang pag igting ng kanyang bagang na nagpapakita ng pagkainis niya sa mga pangyayari.
"Are you alright?! What happened? I just left you for five minutes then this happened, Drake?" Pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi at pinagpag ang kanyang damit. Kita ko ang alab sa kanyang mata and i know his pissed.
"Get inside the car Elaine, i'll drive you home" pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong sumakay dito. Ang bilis niya ring nakapasok sa loob at nilaksan niya ang aircon ng sasakyan.
"Drake, just please tell me what happened? I never thought na aabot kayo sa ganitong sitwasyon" pangungulit ko sa kanya at siya naman ay nagtanggal agad ng polo at tumambad sa akin ang simpleng white v neck shirt niya na halos fit sa kanyang katawan.
Kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinalikan iyon at tinungo sa magkabila niyang pisngi. "You don't love him anymore right? I shouldn't be worried diba?" Halata ang halong paninigurado at kaba sa kanyang tanong na para bang may inaasahan siyang sagot mula saakin.
Ano nga ba talaga? Hindi ko na nga ba siya mahal? Eh bakit ganito, para may kung ano sa loob ko na hindi maibigay ang sagot? Am i still in love with him? No, yon ang dapat kaso parang hindi iyon ang nararamdaman ko.
Nakatingin lamang siya saakin, hindi ako makasagot dahil ayokong magsinungaling sa kanya. Hinila ko ang mga kamay ko at kinuyom ito at tinitigan. Halata ang pagkabigo sa kanyang mga mata, hinampas niya ang manibela at nagmura na siyang nagpagulat saakin.
"Of course! What would i expect right? He's your bestftiend for effin's sake! And for sure until now there's still confusion there!" Tinuro niya ang aking puso. Parang natuyo ang aking lalamunan dahil wala akong maisagot sa kanya. Dahil tama siya, hanggang ngayon ay hindi ko masabi kung hindi ko na siya mahal.
Nangibabaw ang kaba saaking dibdib, dahil ngayon ko lang nakita na magkaganito si Drake. He was never this loud to me, i'm scared na baka magalit siya at iwan ako. I need to do something pero wala akong maisip dahil narin sa mga sinabi niya.
Pinaandar niya ang sasakyan at medyo bumilis ang patakbo niya kaysa sa mga nakalipas na araw na inihahatid niya ako pauwi. There was a dead air between us, parang may silence barrier na naka pagitan saamin.
Pagakarating sa tapat ng bahay namin ay agad siyang bumaba at pinagbulsan ako ng pinto. Pagkalabas ko ay akma na siyang pabalik sa loob ng hinawakan ko ang kamay niya.
"Drake, you don't have to worry about my feeling towards you, to tell you tye truth i'm still not sure if i'm completely over him, pero ang sigurad ako ay mas mahal kita kaysa sakanya. Please Drake there's nothing to worry about, i'm your linnie, and your my dickie always." Tumingkayad ako para maidampi ang mga labi ko sa kanya. Pagkatapos noon ay tumingin lamang siya saakin at hinalikan ang aking pisngi.
"Goodnight" yun lamang ang narinig ko mula sa kanya at nakita ko na lang ang pag layo ng sasakyan niya saaming bahay.
Pumasok ako sa loob na tulala at dumiretso sa kwarto. Nakalimutan ko yata ang gutom ko at itinulog ko na lamang iyon. Naalimpungatan ako, at nakita kong alas tres na ng madaling araw, nagshower ako at nagbihis.
Binuksan ko ang laptop ko at chineck ang facebook ko. May iilang notifications at friend request at nakita ko rin ang mga pictures nung prom sa section namin. Mahahalata mo ang pagkakaiba sa akin nung wala pa si Drake at nung dumating na siya.
May iilan na nagcomment pa doon at nagasaran sa suot ng bawat isa. Ngunit may nakaagaw ng aking atensyon, iyon ay ang litrato namin ni Daniel habang nagsasayaw nung ginawaran kami ng award.
Kita ko ang ngiti sa kanyang mukha, samantalang pagkatamlay at walang buhay ang aking mukha. Marami ang naglike dito at nagcomment ng mga kilig na salita.
Dinadapuan na muli ako ng antok ng napansin ko na online si Daniel. Hindi ko alam kung tama ba na ichat ko siya, ano naman ang sasabihin ko? Na galit ako? Panigurado ay hindi ito sasagot at magooffline. Kailangan na namin magusap pero kailangan ay personal para mas maging maayos.
Ako:
Daniel..
Matagal bago siya sumagot.
Daniel:
?
Ewan ko ba kung dapat ko pa itong ituloy? Bahala na!
Ako:
Pick me up tomorrow at 7pm sharp, we need to talk, i will wait.
Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at agad na akong nag offline. Bumalik ako sa kama at nag isip kung bakit ko nga ba iyon ginawa.
Anong sasabihin ko? Naiinis ako sa padalos dalos kong desisyon pero wala na akong magagawa na send ko na at panigurado ay nabasa niya na ito.
Chineck ko ang phone ko, nagbabakasakali na may text si Drake saakin, pero wala.
Ito na siguro yung tamang panahon para tapusin man ang dapat tapusin o ayusin ang dapat ayusin.
Dapat ko bang sabihin ito kay Drake? Baka mamaya ay mas lalo pa itong magalit saakin at di ako payagan. Pero kailangan ko na itong gawin eh, siguro naman ay maiintindihan niya ito at para din naman ito sa ikakagaan ng aming relasyon.
Ako:
Drake, i'm sorry for what happened last night, and i just want u to know that i'm going to meet him later this night to finalize things, para rin to saatin Drake I hope you undrestand.... I love you Dickey
Hindi na siya nag reply siguro ay tulog na ito. Basta ay alam niya ang mangyayari ay okay na saakin iyon.
Pero sisipot kaya si Daniel bukas? I'm sure sisipot yun, because he never fails to attend any of our meet ups, sana naman ay siputin niya talaga.
Or else i'm going to be a failure to Drake and also to myself.....
Vote! Be a fan!
Jhamy03
BINABASA MO ANG
I love him but I rather not be..
RomanceElaine lived her life to be a best friend of a man she really loves, what if one day Elaine finds it giving up to this one-sided relationship, and what if this guy falls for her not knowing that she was long time in love with him and with the new fa...