CHAPTER 7

12 0 0
                                    


NAGISING si Ayanie na nasa basement pa rin at natagpuan ang sarili na nasa pagitan ng mga braso ni North na nakayakap sa kaniya habang natutulog ang binata.

Pigilan man ay kumawala pa rin ang ngiti sa mga labi niya dahil sa kakaibang pakiramdam.

'Ang sarap magising kung ganito ang bubungad sa akin tuwing umaga.'

Sinubukan niyang alisin ang mga braso ng binata na nakapalibot sa baywang niya at akmang tatayo nang hilahin siya nito at mahigpit  na yumakap sa kaniya.

"Stay, Ayanie," bulong nito habang mahigpit na nakayakap sa kaniya na ikinangiti niya ngunit umaga na at kailangan niya nang bumangon para maghanda ng makakain nila kaya sinubukan niya ulit kumawala sa yakap ng binata nang bigla itong pumatong sa kaniya na ikinatili niya.

"North!" tili niya at sinubukang itulak ang binata na nasa ibabaw niya at nakangising nakatingin sa kaniya. "Alis diyan!"

"Ayaw ko nga," mapanuksong saad ng binata na ikinanguso niya kaya bigla itong napalunok habang nakatingin sa nguso niya. "Stop pouting, Ayanie. It's tempting me."

Pero hindi siya nakinig. Sa halip ay mapanukso niyang kinagat ang labi saka nang-aakit na tinitigan ang binata. Nakita niyang nag-iba ang kislap ng mga mata nito.

"Still early in the morning, gusto mo na akong basahin?" pang-aasar nito habang dahan-dahang inilalapit ang mukha nito sa mukha niya. "I would gladly let you read me the way you want," saad pa nito at kasunod nito ay ang paglapat ng labi ng binata sa leeg niyang kanina pa naghihintay na mapansin at mahalikan.

Ang mga kamay niya ay kusang gumapang mula sa baywang ng binata paakyat sa dibdib nito at natagpuan niya na lang ang mga kamay na nakayakap sa leeg ng binata habang abala itong nag-iiwan ng maliliit na halik sa leeg niya.

"N-North," tila wala sa sariling daing niya nang maramdaman ang marahang pagsipisip nito sa maselang bahagi ng leeg niya. "North, oh."

Nakagat niya ang sariling labi nang maramdaman ang pagbaba ng labi ng binata sa dibdib niya at napasabunot na lang siya sa buhok nito nang maramdaman ang paggapang ng mainit nitong dila sa pagitan ng dibdib niyang sumisilip mula sa loob ng damit na suot.

"Ayanie," hinihingal na saad ng binata at mapapansin sa boses nito ang pagpipigil sa kung ano man ang gustong gawin sa kaniya. "Stop me habang kaya ko pa." Napaisip siya sa sinabi ng binata.

'Handa nga ba akong isuko ang sarili ko kay North?'

"Ayaw kong magsisi ka kapag may nangyari sa atin, Ayanie. Kaya kung ayaw mong matuloy 'tong nangyayari sa atin ngayon, stop me," dagdag pa ng binata habang nakatingin sa kaniya ang mapupungay nitong mga mata.

Hindi niya na alam ang iisipin o gagawin. Natagpuan niya na lang ang sarili na hinila ang batok ng binata at siya na mismo ang humalik dito na agad naman nitong tinugon ng mas mapusok pa kaysa sa ibinibigay niya.

'Alam kong delikado ang puso ko kay North pero hindi ko kayang labanan ang kung ano mang gusto ng katawan ko.'

TULALA si North habang nakatingin sa dalagang nakahiga sa nag-iisang kama sa basement at natutulog na tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan.

'We...did 'it'.'

Napasabunot siya sa sariling buhok at napatingin sa salamin kung saan nakikita niya ang sariling repleksiyon. Mula sa salamin ay kitang-kita niya ang mga marka sa hubad niyang katawan---mahahaba at namumulang mga kalmot ng kuko ng dalaga.

Nang maalala ang nangyari sa kanila ng dalaga na may pahintulot mula rito ay isang ngiti ang sumilip sa mga labi niya kahit pa magulo ang buhok niya dahil sa ginawang pagsabunot sa sariling buhok at tila wala sa sariling napahawak sa labi.

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon