CHAPTER 14

8 0 0
                                    

LUKOT ang mukha ni North nang makauwi sila dahil hindi maalis sa isip niya ang nangyari sa tambayan nila.

'Like what the fvck?! Did I just make a scene with me looking like a jealous boyfriend? That's fvcking embarrassing!'

"Saan mo dinala ang anak ko?"

Iyan ang sumalubong sa kaniya nang maiparada niya ang sasakyan niya sa garahe at nakita si Mr. Chan na nakatayo at mukhang naghihintay sa tapat ng nakabukas na pinto.

"Umalis kayo ng walang paalam at hindi man lang ako tinawagan o kahit text?" usisa pa nito nang makalapit sila ng dalaga. "Ikaw, Ayanie? Hindi mo man lang naisip na magpaalam sa akin na sasama ka kay Ran."

Napayuko naman ang katabi niyang dalaga dahil sa sinabi ng matanda habang siya ay nakatingin lang at pasimpleng inoobserbahan ang matanda.

'Weird. Babae ang sinasabing suspect pero bakit parang may mali? Parang hindi ako kumbinsido sa nalaman ko.'

"Anong tinitingin-tingin mo riyan?" puna ng matanda nang makita siyang nakatingin rito. "Hindi ba't kaibigan ka nitong anak ko? Kaya dapat ay ipinapaalam mo sa akin ang lakad niyo."

Magsasalita pa lang sana siya para sumagot nang biglang may magkakasunod na putok ng baril ang narinig nila kaya dali-dali silang pumasok.

"Pvta! Mukhang alam na nila ang ginawa namin sa kasama nila," saad niya at kita niya ang pagtataka sa mukha ng matanda.

"Ginawa kanino?" tanong nito habang hinahatid niya ito at ang dalaga sa ikalawang palapag.

"Kinailangan ko pong turuan ng leksiyon ag taong nagmamasid dito sa bahay ko," sagot niya at napangiti naman ang matanda.

"Natutuwa ako at pinoprotektahan mo ang anak ko," nakangiting saad nito pero hindi niya magawang sagutin iyon dahil pakiramdam niya ay may kakaiba sa ngiti ng matanda.

Pero nawala ang atensyon niya sa ama ng dalaga nang makarinig nang sunod-sunod na putok at pagkabasag ng kung anong bagay.

"Ayanie, ikaw na ang bahala kay Mr. Chan," saad niya sa dalaga at dali-daling bumaba sa sala kung saan inabutan niya ang nagkalat sa bubog sa sahig dahil sa basag na bintana ng bahay niya.

Agad siyang lumapit sa hidden cabinet niya sa sala at nakitang hindi sapat ang laman no'n kaya agad siyang nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay niya kung nasaan ang kuwartong pinaglalagyan niya ng gamit niya----ang nag-iisang kuwartong may itim na pinto.

Nang makakuha ng mga magagamit niya---baril, pocket knife, palaso at pana. Bumaba siya at pabalibag na binuksan ang pinto.

"Magpakita kayo!" sigaw niya nang makitang walang tao sa labas nang buksan niya ang pinto. "H'wag kayong duwag!"

Matapos niyang sabihin 'yon ay sunod-sunod na lumabas ang mga taong may dalang armas at lahat 'yon ay nakatutok sa kaniya. Kung titingnan ang bilang ng mga ito ay mukhang mahihirapan siya dahil sa dami nila.

Akmang papuputukan siya ng mga ito nang isang humaharurot na sasakyan ang dumaan at kasunod no'n ay ang magkakasunod na putok ng bomba na ikinangisi niya dahil alam niya na kung sino ang may gawa no'n---si South na siyang nagmamaneho ng sasakyan at si East na magaling sa bomba sa kanilang apat.

'Meet my twins, motherfvckers!'

Pero hindi pa ro'n natapos dahil nang makaalis ang sasakyan ni South ay sunod-sunod na putok ng baril na nanggagaling sa itaas ang nakita niya.

'Here comes my last fvcking twin, West.'

Sinabayan niya ang pagpapaulan ni West ng bala at binaril ang mga sumubok na paputukan siya. Hindi nagtagal ay naubos ang mga ito kaya umalis na rin si West sakay ng helicopter na dala nito. Pero nang papasok na siya sa bahay niya ay siyang paglabas ng iba pang armadong lalaki kaya wala siyang nagawa kung 'di ang lumaban ulit pero dala na rin ng pagod dahil sa naunang gulo at ang maraming bilang ng mga bagong dating---tinamaan siya ng bala at nabugbog.

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon