CHAPTER 5

14 0 0
                                    

NAGISING  si Ayanie sa lugar na hindi pamilyar sa kaniya. Ang huling naaalala niya ay nakatulog ang binata sa kandungan niya habang nakahiga ito sa sofa sa sala.

Agad hinanap ng mga mata niya ang binata at nakahinga nang maluwag nang makita itong nakaupo sa 'di kalayuan habang may kausap sa laptop nito.

Nang maramdaman nitong gising na siya ay lumingon ito sa gawi niya at ngumiti.

'Weird. Hindi masyadong ngumingiti si North kaya sino itong kasama ko?'

Napansin ng binata ang kakaibang titig niya rito. "What?"

"Sino ka?" tanong niya na ikinakunot ng noo nito. "Hindi ikaw si North. Ang North na kasama ko ay suplado at bipolar. Hindi 'yon palangiti kaya sino ka?"

Nagtaka naman siya nang bigla itong tumawa matapos marinig ang sinabi niya kaya napaisip siya.

'Hindi talaga si North 'to, eh. Sino kaya 'to sa apat na magkakapatid?'

Dahil sa naisip ay nilapitan niya ang binata at tiningnan ang mga palatandaan sa katawan nito para malaman kung sino ito sa apat na magkakapatid.

Napatigil naman ang binata dahil sa biglaang paglapit at pag-ikot niya rito. "What are you doing, Ayanie?"

Pero hindi niya iyon pinansin at pinagpatuloy ang pagsuri sa katawan ng binata kaya nagulat siya nang hapitin siya nito sa baywang niya na ikinahinto niya.

Nakita niya ang pamilyar na lokasyon ng nunal nito sa mukha na nagsasabing si North nga ang kaharap niya.

"Tinatanong kita, Ayanie. What are you doing? Bakit mo ako iniikutan?" usisa ng binata na mahinang natatawa.

"Eh, kasi naman." Napaiwas siya ng tingin saka muling nagsalita, "Suplado at bipolar ka naman talaga kaya nanibago ako kanina nang bigla kang ngumiti...parang ang creepy ng dating," saad niya na halos ibulong na lang ang mga huling salitang binanggit.

"Creepy, huh?" mapang-asar na saad ng binata at hinaplos ng mga kamay nito ang baywang niya. "If you find me creepy when smiling...how about this?" At naramdaman niya na lang ang hininga ng binata sa leeg niya.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa namumuong init sa katawan niya dahil sa pang-aasar ng binata sa kaniya. Napadiin na lang ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi na kulang na lang ay masugat na nang magsimulang dumampi ang labi ng binata sa leeg niya at pinatakan 'yon ng maliliit na halik.

"North."

Napatakip siya sa sariling bibig nang imbes na pagtawag sa pangalan ng binata ay naging pagdaing 'yon. Pababa nang pababa ang mga halik ng binata nang bumukas ang pinto nang kinaroroonan nila at pumasok si South na natigilan sa nakikitang posisyon nila ng binata---ang mga kamay ni North na nasa baywang niya habang ang mukha nito ay nasa leeg niya at siya naman ay nakatakip ang kamay sa bibig.

"Uh." napaiwas ng tingin si South. "Sorry, wrong timing yata ako."

Akmang lalabas na ito nang magsalita si North na umayos na nang tayo ngunit ang isang kamay nito ay nasa baywang niya pa rin. "What brings you here, South?"

Pasipol-sipol naman ito saka umayos ng tayo na bumaling sa kanila. "Actually, hindi talaga dapat ako pupunta rito---I mean dito mismo sa bahay mo. Nag-iikot-ikot ako sa subdivision dahil hinahanap ko 'yong taong nakita sa CCTV." At bumaba ang mga mata nito sa kamay ni North na nasa baywang niya na ikinangisi nito saka mapanuksong tiningnan si North. "So possessive, brother-dear."

"Fvck off, South!" bulyaw ni North na ikinatawa ng kapatid saka bumaling sa kaniya si North at tinakpan ang tainga niya. "Wala kang naririnig. H'wag kang makinig sa isang 'yan. Baliw 'yan, takas sa mental," saad pa nito na ikinatawa niya habang si South ay napasimangot sa sinabi ng kapatid.

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon