NAGULAT si Ayanie dahil imbes na si North ang sumalubong sa kaniya paggising niya, ang ina nito ang nakita niya."Oh, gising ka na pala, hija," nakangiting saad nito nang mapansing gising na siya.
"Good morning po, tita," saad niya at alanganing ngumiti dahil hindi niya talaga inaasahan na ito ang bubungad sa kaniya. "Nasaan po pala si Keiran?"
"Umalis siya. Tinawagan niya ako at sinabing bantayan ka dahil may importante siyang pupuntahan," sagot nito na ikinatango niya lang.
'Ang aga naman yatang umalis ni North. Hindi man lang ako ginising at nagpaalam.'
Pero napalingon siya nang marinig ang pag-iingay ng phone nito.
"Hello, Vane?" bungad nito sa kausap na si East at nagulat siya nang bigla itong napatayo. "What happened to Keiran?!"
Pati siya ay napatayo nang marinig ang pangalan ni North.
'Anong nangyari? Napaano si North?'
"Sige, pupunta kami diyan," saad pa ng ginang at hinarap siya. "Magbihis ka at pupuntahan natin sila Vane. Something happened to Keiran."
Agad siyang bumangon at nagbihis. Dala ng kaba ay hindi na siya nakaligo dahil gusto niya nang makita ang lagay ni North.
Nang makasakay sila sa sasakyang dala ng ginang ay may tumawag na naman.
"What now, Vien?" bungad nito sa tumawag na si West.
Naka-loud speaker na iyon kaya naririnig niya si West.
"Mom, make it fast. Delikado ang lagay ni North. The doctors here suggested to take North abroad para doon siya gamutin," natatarantang saad ni West na ikinakaba niya.
'Ano ba talagang nangyayari at bakit dadalhin sa abroad si North?'
"Okay, we're on our way," sagot ng ginang at namatay na ang tawag kaya agad nitong pinaandar ang sasakyan patungo sa...
'Bakit nandito kami sa CGC?! Alanganin na ang lagay ni North tapos sa CGC kami dumiretso?!'
"We'll take the helicopter, hija. Traffic kung kotse ang gagamitin natin," saad nito habang hinihila siya papunta sa elevator na maghahatid sa kanila sa rooftop.
Nagtaka siya sa sinabi nito at kunot ang noo habang hila-hila siya ng ginang.
'Kung sa abroad dadalhin si North ay sa airport dapat kami dumiretso at malapit na ang airport dito.'
"Tita, 'di po ba dapat ay sa airport tayo pupunta para humabol sa pag-alis nila North?" alanganing saad niya habang nakasakay sila sa elevator.
Hinarap siya ng ginang saka ito sumagot, "Just relax, hija. Think of the baby."
Napatango-tango na lang siya sa sinabi nito hanggang sa makarating sila sa rooftop kung saan naghihintay ang isang helicopter.
Agad silang pinasakay at pinaandar na iyon.
'Saan ba talaga kami pupunta?'
"I'm sorry, hija. But I have to do my part or else, my son will gget mad at me."
Iyon ang huli niyang narinig bago siya nito takpan ng panyo sa ilong at bibig na dahilan kung bakit nawalan siya ng malay.
Hapon na at papalubog na ang araw nang magising siya at nagsalubong ang kilay niya nang makitang hindi pamilyar sa kaniya ang lugar na kinaroroonan niya.
'Nasaan ako?! Nasaan si tita?'
Agad siyang tumayo at doon niya lang napansin na hindi na pantulog ang suot niya. Isa iyong simpleng dress na hanggang tuhod ang haba.
![](https://img.wattpad.com/cover/330683860-288-k434868.jpg)
BINABASA MO ANG
BREAKING BOUNDARIES
RomanceNEWS SERIES: BREAKING BOUNDARIES. Si Keiran Viel Cerverano o madalas tawagin sa pangalang North ay isang binatang kilala sa pagiging bodyguard dahil sa galing nya sa martial arts na siyang ginagamit sa nasabing trabaho. Naniniwala rin siya na hiwala...