HINDI alam ni North paano kikilos ngayong wala ang mga kapatid niya na siyang tumutulong sa kaniya.
"North, puwede bang sabihin mo sa 'kin anong nangyayari? Ako 'yong gustong patayin pero wala akong kaide-ideya sa mga nangyayari," saad ng dalaga habang nakaupo ito sa tabi niya habang siya ay nag-iisip kung paano malalaman ang eksaktong lokasyon ng sender na nanggugulo sa kanila.
Biglang pumasok sa isip niya ang computer ni West na hindi nito masyadong ginagamit dahil hindi naman nito madadala ang computer sa labas. Maaari niya iyong magamit dahil hindi nagkakalayo ang system no'n at ang laptop ni West na parehong kagagawan ng kakambal. Pinagpalit niya ang phone nila ng dalaga na pinagtaka nito.
"Saka mo na alamin, Ayanie, kapag malaya ka na," sagot niya at tumayo. "Aalis muna ako, dito ka lang. Hintayin mo ako rito, huwag kang aalis." At hinalikan niya ito sa noo saka lumabas at dumiretso sa sasakyan niya saka sumakay at pinaandar iyon papunta sa bahay ng mga magulang.
Nang makarating sa bahay ng mga magulang ay nagulat ang ina niya nang makita siyang pumasok habang nakaupo ito sa sofa sa sala. "Mabuti naman at naligaw ang magaling kong anak dito," salubong ng ina sa kaniya. "What brings you here?"
Humalik siya sa pisngi ng ina bago sumagot, "I came here para sa computer ni West, Mom." At agad siyang umakyat sa kuwarto ni West saka dumiretso sa harap ng computer. Binuksan niya iyon at agad na ginawa ang pakay niya.
Habang tina-track niya ang lokasyon ng sender ay ang daming tumatakbo sa isip niya gaya nang kung nasaan ang mga kakambal niya at kung paano nila matatapos ang nangyayari kay Ayanie.
Nang makitang na-track niya na ang eksaktong lokasyon ng sender ay napangisi siya dahil mukhang ang laptop lang ni West ang naka-block kaya hindi nito malaman ang eksaktong lokasyon. Hindi na siya nagulat sa sinasabing lokasyon ng screen ng computer na kaharap niya. Ang eksaktong lokasyon ay ang mismong bahay niya kaya sinubukan niyang alamin ang device na gamit at hindi naman siya nahirapang alamin 'yon na hindi niya na rin ikinagulat nang magtugma ang nasabing device at ang gamit na phone ng matandang nasa bahay niya.
"I knew it," bulong niya habang nakatingin sa nasabing okasyon at device na nasa screen ng computer. Akmang tatayo na siya para sana lumabas na nang biglang sunod-sunod tumunog ang phone ng dalaga na nasa bulsa ng suot niyang pantalon kaya agad niya iyong nilabas at nakita ang sunod-sunod na mensahe ro'n kaya binuksan niya iyon.
'Wednesday, third week, 8 hours after 12:00 midnight when I decided to do an exercise for 24 minutes.'
'Fourth day of the first week, 4 hours before 10:00 in the evening when I ordered 2 dozen of egg for my stock.'
'The next day, it was 3 in the morning when I woke up and now, 24 minutes passed and I'm still up.'
'First day of the first week, it was 4 in the morning but I'm still up and it was 15 hours since I woke up.'
'Second to the last day of the third week. Morning came and I'm at the park, a 24-month-old boy ask me if it was AM or PM?'
'First day of the second week, 3 in the morning again when I decided to chat with my 7 friends.'
'Kaya mo pa ba? Nakukuha mo na ba ang gusto kong iparating?'
Gaya ng madalas niyang gawin ay agad niyang inalam ang mga nakatagong letra sa mga mensahe at isinulat iyon gaya ng mga naunang letra.
'S, Y, I.
A, O, A.
Y, U, M.
H, R, O.
I, F, N.
T, A, E.
O, T, O.
Y, H, F.
O, E, T.
U, R, H.
R, I, E.
D, S, P.
E, D, E.
A, E, O.
T, A, P.
H, D, L.'Napapahigpit ang hawak ni North sa ballpen habang binabasa ang mga nabubuong salita. Alam niyang masasaktan ang dalaga kapag nalaman nito ang laman ng mga natatanggap na mensahe. Akala niya ay tapos na ro'n ang pagdating ng mga mensahe ngunit naging sunod-sunod na naman ang pag-iingay ng phone ng dalaga na agad niyang tiningnan.
BINABASA MO ANG
BREAKING BOUNDARIES
RomanceNEWS SERIES: BREAKING BOUNDARIES. Si Keiran Viel Cerverano o madalas tawagin sa pangalang North ay isang binatang kilala sa pagiging bodyguard dahil sa galing nya sa martial arts na siyang ginagamit sa nasabing trabaho. Naniniwala rin siya na hiwala...