PALAISIPAN kay Ayanie ang babaeng tinitingnan ni East.'Sino kaya 'yon at bakit parang may itinatago si East tungkol sa babaeng 'yon?'
Napatingin siya sa phone niyang nasa center nang mag-ingay 'yon at nakitang tumatawag ang ama niya.
"Yes, dad?" diretsong tanong niya nang sagutin ang tawag.
"Anak, kailan ka ba magpapakita sa akin?" tanong ng ama na halatag nalulungkot dahil sa sitwasyon nila. "O kung puwede ay ako na lang ang bumisita sa 'yo?"
Dahil sa tanong na 'yon nang ama ay napalingon siya sa gawi ng apat na binata na alam niyang pasimpleng nakikinig sa usapan nila ng ama.
"Uh, hindi ko pa po alam kung pupuwede. Tatanungin ko po muna ang kaibigan ko," saad niya at tiningnan si North na seryoso nang nakatingin sa kaniya bago bumaling sa mga kapatid nito at mukhang nag-uusap-usap ang mga ito sa magiging desisyon kaya pasimple niyang tinakpan ang mouthpiece ng hawak na phone.
Nang makitang tumango si North ay agad niyang itinutok sa tainga ang phone. "Sige, dad. Pumayag po ang kaibigan ko na bumisita kayo rito."
Rinig niya naman ang tuwa nang ama sa sinabi niya. "Talaga? Salamat naman kung gano'n. Oh siya, i-send mo sa 'kin ang address at bukas na bukas ay bibisita ako. "At matapos no'n ay pinatay nito ang tawag kaya agad niyang sinend sa ama ang address ng bahay ni North.
"Thank you, North," nakangiting saad niya nang makalapit siya sa binata na agad namang humawak sa baywang niya kaya nakita niya ang kaniya-kaniyang reaksyon ng mga kapatid nito---may sumisipol, may umaarteng nasusuka at may napapailing-iling.
"You're welcome but I'll stay here tomorrow habang nandito ng daddy mo," saad nito na ipinagtaka niya.
Kunot ang noong tumingin siya kay North. "Bakit? Ayaw mo bang makita si dad?"
"Hindi mo maiintindihan pero hindi niya puwedeng malaman kung sino ako at kung anong hitsura ko," seryosong saad nito at wala siyang nagawa kung 'di ang tumango na lang.
'Mas okay na 'yong alam kong nandito sa basement kaysa nasa labas siya. Baka may luman---baka may sumugod dito at wala siya.'
NANG sandaling umalis ang dalaga at nagpunta sa banyo ay nagsilapit ang mga kapatid sa kaniya.
"Sure na ba talaga? Final na? Pupunta talaga rito ang daddy ni Ms. Chan?" bungad ni South nang makalapit.
"Don't worry, I'll keep my eye on him. Kalat naman ang CCTV dito sa subdivision at sa bahay ni North," saad naman ni West habang abala sa laptop nito nang bigla itong napaayos ng upo. "What the fvck?!"
Sabay-sabay silang napasilip sa laptop nito at nakitang may tao sa sala ng bahay niya. Sinubukan ni West na i-zoom ang mukha nito pero masyadong balot at mahirap kilalanin kaya napalingon sila nang biglang tumayo si East.
"Kung kaya niyang itago ang mukha niya sa CCTV, sa akin ay hindi," ani East at tuluyan nang lumabas ng basement.
Ilang minuto lang ay nakita na nila si East sa screen ng laptop ni West. Mabilis ang mga naging kilos ng kakambal ngunit nagulat sila nang magawa iyong pantayan nang kalaban nito.
Si East ang pinakamagaling sa kanilang apat pagdating sa hand to hand combat kaya nakakagulat na makitang nahihirapan itong patumbahin ang...isang babae?!
Gulat na gulat silang tatlo nang makitang natanggal ni East ang hood ng jacket nito at bumungad sa kanila ang may kahabaan nitong buhok.
"Who the fvck are you?!"Gone the playful East they knew. Ang nakikita nilang East ngayon sa screen ng laptop ay matalim ang mga mata at malayong-malayo sa usual na aura nito.
Hindi sumagot ang dalaga at nagmamadali itong tumakbo palabas ng bahay ni North na sinubukan pang habulin ni East. Pero nawala ang atensyon nila sa pinapanood nang marinig ang pagbukas nang pinto kaya napatingin sila ro'n at nakita ang nagtatakang tingin ni Ayanie sa kanilang tatlo.
![](https://img.wattpad.com/cover/330683860-288-k434868.jpg)
BINABASA MO ANG
BREAKING BOUNDARIES
RomansNEWS SERIES: BREAKING BOUNDARIES. Si Keiran Viel Cerverano o madalas tawagin sa pangalang North ay isang binatang kilala sa pagiging bodyguard dahil sa galing nya sa martial arts na siyang ginagamit sa nasabing trabaho. Naniniwala rin siya na hiwala...