CHAPTER 28

8 0 0
                                    

HABANG abala sila ni North sa mga punit na litrato ay bigla silang nakarinig ng putok ng baril kaya agad silang napatayo.

"Stay here, Ayanie," saad nito sa kaniya. Napatili siya nang sunod-sunod na putok ng baril ang narinig niya at halos hilahin niya pabalik si North nang lumabas ito.

"North, ano ba?! Bumalik ka nga rito! Baka mapaano ka!" sigaw niya habang nakasilip sa binatang lumabas.

"I don't care!" galit na saad nito habang hinahanap ang taong nagpapaputok ng baril.

"North, ano ba?! Hindi ka puwedeng mamatay o mapahamak! Ang dami pang trabahong nakapila sa 'yo!" muling sigaw niya dahil totoo namang maraming trabaho ang nakaabang sa binata dahil maliban sa business partner sila ay isa na rin ito sa nagpapatakbo ng business na iniwan ng ama nila sa kanilang apat na nakita niya sa balita.

"I told you, Ayanie, I don't care!" sagot ng binata at bumaling sa kaniya. "Always remember this, you'll always be my favorite work. Nasa dulo ka man ng kahit gaano pa kahabang pila, trabaho man 'yon o hindi, uunahin pa rin kita." At saka ito ngumiti habang nakatingin sa kaniya. "Because when it comes to you, 'first come, first serve' doesn't work on me, baby." Saka ito naglakad palayo habang hinahanap pa rin ang taong bumabaril sa kanila.

'When it comes to me, 'first come, first serve' doesn't work on him? Ano na, Ayanie? Tiklop na naman ang pagiging mataray mo? Si North lang 'yan, oh. Ni hindi ka pa hinahawakan pero bumibigay ka na naman.'

Muli siyang sumilip para makita kung nasaan na ang binata ngunit wala na ito kaya pumasok siya sa condo niya at ni-lock ang pinto saka muling hinarap ang mga nakakalat na punit na litrato nila.

Kumuha siya ng tape at sinubukang buuin ang mga litrato. Ang una niyang nabuo ay ang litrato kung saan nakaupo silang dalawa ng binata sa gilid ng swimming pool habang nag-uusap.

Nang makita iyon ay mas ginanahan siyang buuin ang iba pang litrato para makita ang kabuuan ng mga ito.

Hindi niya namalayan ang oras at natapos niya ang lahat ng litrato na ipinapakita ang pinagsamahan nila ng binata kaya gano'n na lang ang gulat at napatayo siya nang may mag-doorbell. Nang silipin niya iyon at makitang si North ang nagdo-doorbell ay agad niya iyong binuksan at sinalubong ang binata.

"May nakita ka ba? Anong nangyari? Nasaktan ka ba?" natatarantang tanong niya nang mabuksan ang pinto.

Nakita niya ang pasimpleng pagngiti ng binata na ikinakunot ng noo niya.

'Bakit ba palaging ganyan si North? Pagkatapos sumabak sa barilan ay parang tuwang-tuwa pa? Hindi ba siya natakot para sa sarili niya? Kasi ako...oo.'

"Okay lang ako, Ayanie," nakangiting saad nito at kinagat pa ang sariling labi na tila may pinipigilang kung ano.

'Ano bang tinira ng lalaking 'to at parang malala ang saltik?'

Tinalikuran niya na ito at nang makita ang mga nabuong litrato na nakakalat sa center table ay nagmamadali niyang itinago ang mga iyon bago pa makita ng binata at maisipang asarin siya.

"Kung malinis kumilos si Mr. Buenavista at ang mga tauhan niya, mas malinis kumilos 'yong ngayon. Pati CCTV footages ay deleted na," saad ni North nang makaupo ito sa sofa. "Mukhang mas mahirap ngayon."

Napaisip naman siya sa sinabi nito.

'Sino na naman kaya ang gustong magpapatay sa 'kin? Ganito na lang ba lagi ang magiging buhay ko? Nagtatago?'

"But I'll ask West kung puwede niya pang mabawi ang mga deleted footages," dagdag pa nito habang hinihilot ang sentido saka bumubulong na hindi niya maintindihan. "Or he's the one who deleted the footages? Pvta, kapag nalaman kong sila ang may gawa nito, damn! I don't know what I can do."

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon