Chapters Twenty Two
Lyndon's POV
Nasa department station ako nakatambay habang naghihintay na makalabas si Jaira mula sa quarter ni Liam. Ayoko din naman disturbuhin kong ano man ang pinag-uusapan nilang dalawa.
Habang binabantayan ang oras ay nabagot ako kaya ako tumayo at nagtungo ng cafeteria. Naka pag order na ako ng kape. Nang bigla akong nanlumo sa kinatatayuan dahil hindi ko makapa ang wallet sa bulsa.
"Saan ko ba na iwan yun?" bulong ko sa sarili.
----------
Brent POV
Katatapos lang ng rounds ko kaya agad na akong bumalik ng station upang makipag chismissan. Habang nakikipag-usap na pansin ko ang isang naiwang wallet. Kaya ko ito pinulot.
"Kaninong kayang wallet 'to?" tanong ko sa mga residents na kanina pa naka station dun.
"Kay sir Dominic yan. Yung bestfriend ni Dr. Liam siya kasi yung nakaupo diyan kanina." sagot ni Kevin habang nag checheck ng mga results.
Ako naman na nakokyoryos ay agad na binuksan ang wallet. Sabi nga nila "Curiosity kills the cat."
Nanlaki ang mata ko sa nalaman para akong lalamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan.
*Flashback*
"Hi, si Dr. Liam?" tanong ng isang lalaki sakin.
"Para sa kanya bayang kape na dala mo?" tanong ko.
Atsaka lamang ito napatango.
"Wala dito yung kuya ko nag ra-rounds." sagot ko.
"Kuya mo?" gulat na gulat niyang sagot.
"Bakit di ba halatang magkapatid kami ha!" sagot ko.
"Ako si Brent Osario Howard."
"You can relay to me any message ako na magsasabi sa kuya ko."
*End of flashback*
Kaya naman pala gulat na gulat siya nung sinabi kong kuya ko si Professor Liam eh. Siya pala yung tunay na kuya.
"Guys guys."
"Ano na naman Brent?" iritang tugon ni Macy.
"Anong masasabi niyo kay Dr. Dominic?" tanong ko.
"Isa lang masasabi ko magaling siyang surgeon. Kasi akalain mo yun first time nang St. John Hospital na mag perform ng Heart and Lung transplant. Pero naging successful yun sa tulong ng isang magaling na thoracic surgeon kagaya ni Dr. Dominic." sagot ni Jonathan. Isa kasi siya sa nasa loob ng OR nung operation na yun.
"Totoo Yun! Sobrang hanga ako sa kanya. Bukod sa magaling na thoracic surgeon napaka gwapo pa." dagdag ni Macy kahit concentrate ito sa pag encode nakuha niya pang sumabat.
Nagulat ako ng patakbong lumapit sa amin si Dominic.
"Hi sorry sa abala, did you guys saw my wallet? I think I left it here." hingal na hingal niyang sabi.
"Ah eh! Andito. Na-na-kita ko." utal utal kong sambit habang iniaabot sa kanya ang black leather na wallet.
"Thank you." saad nito atsaka siya bumalik sa direksyon kung saan siya galing.
"Huy anong problema mo diyan Brent! Dati eh confident na confident ka makipag usap sa kanya ngayon mukhang lalamunin ka ata ng lupa. Ang putla-putla mo pa." saway sa akin ni Jonathan. Napansin niya siguro ang nararamdaman kong kaba.
"Eh kasi diba sabi ko magkapatid kami ni Dr. Liam. Eh kasi naman idol na idol ko si doc." sagot ko habang nagkakamot ng ulo.
"Wag mong sabihin ngayon ka pa nahiya." sumbat ni Macy.
"Eh panong di akong mahihiya. Eh nabasa ko yung medical license ID niya." sagot ko at agad na napaupo sa upuan.
"So?" sagot nilang tatlo. Halatang nalilito sila sa gusto kong ipahiwatig.
"Eh kasi.... Ang pangalan niya Hindi Dominic."
"Eh ano?" sabay ulit nilang tatlo habang naghihintay na madugtungan ko ang sasabihin.
"Hindi Dominic ang pangalan, kundi Lyndon Matthew Howard."
"Patay! Lagot Ka!" sabay-sabay nilang sumpa sa akin.
YOU ARE READING
The Doctor (The Howard Surgeons)
RomanceThis story is a product of the creative imagination of the Author. It's a Medical Fiction story about a 28 year old neurosurgeon Liam Matthew Howard from Cleveland University Hospital that was designated in one of the prestigious hospital in the Ph...