Chapter Forty One
Brent's POV
Habang nag aayos ng mga medical records ng mga pasyente I saw Dr. Lynn and Dr. Liam na nagmamadali.
Habang tumatakbo naman papalapit si Macy sa akin."Anong problema ba't ka tumatakbo?" usisa ko.
"Bakit nagmamadali mga kuya ko?" dagdag ko pa.
"May emergency surgery tayo." sagot ni Macy na nagmamadaling kunin ang mga surgical apparatus.
"Bakit? Sino? Malala ba?" sunod-sunod kong tanong.
"Si Dr. Liam ooperahan ngayon." sambit niya.
"Ano?" naguguluhan kong tugon.
By the way if everyone is asking bakit kami nakakapasok sa mga cardiac and thoracic surgeries eh under kaming lahat kay Dr. Liam na isang neurosurgeon? Well we all are anesthesiologist we assist in every surgery kahit ano pa yan.
Kaya nagmamadali si Macy isa ata siya assist.
*Flashback earlier today*
"Good morning dok nag breakfast ka na?" tanong ko.
"Oo tapos na. Brent send mo naman sakin yung mga soft copies ng result ni Yuki?"
"Yuki po?" tanong ko..
"Hmmm Yuki, Yuki, Yuki." atsaka ko ini-on ang computer at nag search ng patient.
"Ahhh oo dok under siya sa neuro dep. meron siyang severe brain tumor. Pag di na madali ang kondisyon niya eh possibleng maging glioblastoma and more cancerous po. Yuki Gonzaga po yung full name. 20 years old." paliwanag ko.
"File attach, email sent." dagdag ko atsaka ngumiting tumingin sa kanya.
"May ipapasuyo din sana ako sayo Brent." aniya.
Sa tono ng boses eh mukhang seryoso ang ipapasuyo niya.
"Kahit ano basta ikaw gwapo kong kuya." sagot ko naman.
"Pwede mo bang makita yung statement of billing or yung breakdown ng craniotomy surgery?" tanong nito.
"Naku naman, yun lang? Akala ko pa naman sobrang seryoso na. Oh siya maghintay ka lang muna ng mga 5 mins magpapaprint out ako sa billing section." saad ko atsaka tumayo at patakbong nagtungo sa billing section.
Bumalik naman akong dala-dala ang print out statement breakdown ng craniotomy.
"Dok approximately doktor ka diba sa Cleveland magkano ba ang craniotomy?" tanong ko.
"Hmm. Approx $30,000-$100,000."
"See alam mo naman pala bakit ipapa breakdown mo pa?" tanong ko sabay bigay ng papel.
Kung e convert ang charge into peso currency aabot ng 1.5M to 5M ang surgery.
Mariin niyang tinitigan ang statement breakdown.
"Ano ba tinitignan mo diyan dok?" tanong ko.
"Gusto ko lang malaman kung magkano yung magiging akin." tawa niyang sagot.
"Sabagay. Kahit ako sa laki ba naman ng halaga eh na cucurios ako kung magkano yung surgeon fee, siyempre." pabiro ko namang sagot.
"Oh magkano ba?" tanong ko.
Nakayuko siya at nakita nalang na may luhang pumapatak sa papel. Kaya hindi na ako nagtanong. Masyado bang mababa kaya siya naiiyak.
Hindi naman aabot ng milyon ang craniotomy dito sa Pilipinas kung tutuusin it will cost 300,000 peso above. Kaya malamang mababa talaga part niya dun.
YOU ARE READING
The Doctor (The Howard Surgeons)
RomanceThis story is a product of the creative imagination of the Author. It's a Medical Fiction story about a 28 year old neurosurgeon Liam Matthew Howard from Cleveland University Hospital that was designated in one of the prestigious hospital in the Ph...