Chapter Forty Four
One year Later.......
Jaira's POV
Isang taon na ang lumipas. Si doctor Lynn atsaka si Cathy ikinasal na. Ako nasa 2nd year na bilang doctor resident. Hindi man ako under sa department ni Liam ay masaya naman ako kasi nagkakasabay pa rin naman kami mag lunch.
Na promote si Liam bilang director ng Neurology department. Si Dr. Brent ay isa na sa mga professors ng anesthesiology department.
It was a hectic schedule in the department of thoracic surgery. Yung dati kasi naming professor eh nag resign na kaya may bagong pumalit. Bilang professor.
"Dr. Villa-Sanchez." tawag sa akin ng senior ko.
"Ano yun?"
"Asikasuhin mo nga to. May importante kasi akong lakad kaya ikaw na muna gumawa ng rounds ko kay patient 333. Alis na ako bye." atsaka niya iniwan sa desk ko yung patients profile.
"Hayst! Kung di lang kita talaga senior." bulong ko sa sarili.
Nag double shift ako dahil sa ako ang mag ra-rounds sa rounding time ni Hannah.
Isang doctor ang nakabangga ko sa hallway, dahil sa mga oras na ito ay medyo nandidilim na paningin ko sa sobrang pagod.
"Ano ka ba naman! Di mo ba kayang mag-ingat?"
"Naku po pasensya na." paumanhin ko rito.
"Kung burara ka lang din naman eh di kana sana nag doctor." saad ng lalaki.
"Pasensya na ho talaga." atsaka ako paulit-ulit na yumuko para humingi ng tawad.
"Villa-Sanchez?" aniya.
"Bakit po?"
"Pag minamalas nga naman, under pa talaga kita. Ako si Dr. William Henderson ako yung bago mong prof under sa thoracic surgery. Dr. Villa-Sanchez wag kang tatanga dahil pwede kitang ibagsak para manatili ka nalang resident doctor." sermon nito. Atsaka ito umalis.
Pag minamalas ka nga naman oo. Napaka strikto pa talaga ng bago kong professor. Bully na nga sa akin seniors ko. Napaka demonyito pa ng professor namin.
Matapos ang last rounding ay bumalik na ako sa resident quarter ng thoracic surgery department nang makita kong nakasandal si Director Howard sa pinto.
Tumakbo akong nagtungo sa kanya at agad ko siyang niyakap.
"Ayos ka lang?" tanong nito.
"Kahit ba haggard ako? Love mo pa rin ako?" tanong ko.
"Oo naman, humarap ka nga sakin." aniya atsaka ako pinaharap sa kanya.
"Ang lalim na ata ng eyebags mo? Ayos ka lang ba dito?" tanong niya.
"Oo naman." sagot ko habang pinipigilan ang mga luha na tumulo mula sa aking mga mata.
"Let's have our midnight snack." offer niya.
Atsaka naman ako tumango.
"Villa-Sanchez." tawag ni Hannah.
"Yes po." sagot ko.
"Ihatid mo 'to kay Professor Henderson. Kailangan niya to ngayon. Siya yung bago nating prof paki hatid." aniya sabay abot sa akin ng mga patients logs.
"I'm inviting Dr. Jaira to have a snack with me. Trabaho mo yan kaya wag mo iasa sa iba." pabalang na sagot ni Liam.
"You should do that it's your job." atsaka naman hinila ni Liam ang kamay ko paalis.
I was so amazed for what Liam just did. Pinatanggol niya lang naman ako.
"Palagi ka ba binubully ng seniors mo?" tanong ni Liam.
"Hindi naman. Minsan nakikisuyo lang talaga siya. Hindi mo na din dapat pinatulan yung tao eh nakikisuyo lang naman."
"Love, sa tono ng boses niya hindi siya nakikisuyo. It sounds like sanay na siyang utusan ka kasi nagpapautos ka rin. " usal nito atsaka ako tinignan.
"Hindi ganun yun." sagot ko.
"Don't try to defend her. Ganyan ka din year ago nung kayo ni Cathy ang di magkasundo. Tell me okay ka lang ba sa department niyo?"
"Yes po director okay na okay lang po ako."
And he just smiled at me. Liam is everything. Siya parin talaga si Liam. Yung lalaking minahal ko na sobrang nagmamahal sa akin.
After having a snack ay hinatid na niya ako sa quarter ko.
Pagpasok ko sa loob ay hindi maganda ang tingin sa akin ni Hannah."Huy! Sinusubukan mo bang magpalaban sa boyfriend mong director ng Neurology department?" saad nito.
"Naku hindi mali ka diyan."
"Wag ka nang mag maang-maangan. Kahit pa director ng Neurology department Yung jowa mo. Makikinig ka dapat sa mga utos ko bilang ako ang senior mo. Gets mo Villa-Sanchez?"
Tumango nalang ako bilang sagot. Ayoko na kasing lumaki pa ang gulo.
Kinabukasan....
Nasa department station ako nag aayos ng mga patients data at mga results data ng mga pasyente.
"Good morning professor." bati ng lahat sa doctor na kakarating lang.
"Go-good morning dok." bati ko rito.
"Pati ba naman sa pagbati huli ka? San ka ba magaling Dr. Villa-Sanchez?" tanong nito.
"Magaling pong lumandi." hirit ni Hannah na ikinaigting ng tenga ko.
"Ano bang pinagsasasabi mo Dr. Hannah." saad ko.
"Guilty masyado?" tanong ni professor Henderson.
"Kung di naman totoo ang sinasabi ni Dr. Torres eh di ka naman dapat mag rereact ng ganyan. Be professional." saad nito atsaka tuluyan nag tungo sa kanyang quarter.
Yung pagod bilang doctor kakayanin ko pero yung ganitong environment nakakasakal.
Paalis ako ng station para mag lunch nang bigla akong tawagin ni professor.
"San ka pupunta?" tanong nito.
"Maglalunch po dok."
"Mag aasist ka sa akin. May operation tayo around 2pm kaya bilisan mo sa pagkain."
"Pero prof it's 1:45pm na po."
"Then? Eat you lunch quickly or do it after the operation. Ready yourself."
Nasa operating room kami nang sabihin ni prof na iabot ko sa kanya ang scarpel pero gunting ang naibigay ko. I admit my mistake pero the entire operation pinahiya niya ako sa lahat ng mga staffs na nandun.
After the operation I was standing outside the OR2 and hide my tears.
"How will you become a great doctor kung ganyan ka kalampa." saad nito sabay tinapon sa akin ang kanyang hairnet.
Bigla ko nalang naramdaman ang mga tapik sa balikat ko. Mula sa attended anesthesiologist namin na si Dr. Brent.
"Laban ka lang. Magsumbong ka Lang sa akin. Ako na magsasabi kay kuya." aniya.
"Wag na. Just tell him I'm fine." atsaka ko pinunasan ang luha at bumalik sa station.
It's 7pm mag ra-rounds na muna ako bago mag dinner. After ko mag rounds eh nakita ko si Liam na naka abang sa akin sa department station.
Nakakahiya halos walang suklay yung buhok ko at putlang-putla pa ako. Inayos ko agad ang buhok atsaka tumakbong pumunta sa kinatatayuan ni Liam.
"Have you eaten your dinner?"
Lumingo ako bilang tugon.
"Then let's have our dinner together." aniya.
I just smiled at him as a yes. And hug him tight.
Him checking me time to time is the reason why I keep breathing and want to live."Iloveyou Liam."
"Iloveyou Always." sagot nito.
YOU ARE READING
The Doctor (The Howard Surgeons)
RomanceThis story is a product of the creative imagination of the Author. It's a Medical Fiction story about a 28 year old neurosurgeon Liam Matthew Howard from Cleveland University Hospital that was designated in one of the prestigious hospital in the Ph...