Chapter Thirty Eight
Jaira's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. At sa paglipas ng mga araw mas naging malapit kami ni Cathy sa isa't-isa.
Nasa isang coffee shop kami sa tapat ng university kung saan kami pumapasok pictorial kasi namin for the graduation at for year book na din. Inanyayahan niya akong mag kape sa tapat. Kasama namin si Alex yung bestfriend ko. Kasama din namin si Tracy. It's just the 4 of us. After mag coffee eh sinabay niya na din ako sa hospital. Parehong doctor ang boyfriend namin kaya sa hospital kami madalas mag-abot.
Isang lalaki ang bumaba ng taxi na sobrang busy sa pag cecellphone. Kaya ayun muntik siyang mabangga ni Cathy. Buti at naka preno agad ito.
Bumaba si Cathy na inis na inis. Kaya bumaba na din ako.
Naka jacket ng black ang lalaki na sobrang kinis pa ng mukha."May balak ka bang magpakamatay? Pano kung di ako nakatapak sa brake edi nasa emergency ka na sana ngayon." sigaw nito sa sobrang inis.
Nakaagaw sila ng atensyon kaya naman pinagtitinginan na sila.
"I'm sorry it's my bad." ani ng lalaki na bigla inilayo ang phone.
Sa tingin ko eh may importante siyang kausap over the phone.
"Next time po mag-iingat nalang kayo." saad ko atsaka naman inaawat si Cathy.
"Aish!" saad ni Cathy at bigla nalamang inirapan ang lalaki. Bumalik na kami sa kotse patungong parking lot.
Nagkapang-abot pa kaming tatlo sa elevator na ikinainis ni Cathy.
"Sinusundan ata tayo ng malas sa araw na ito." bulong ni Cathy.
"I do really apologize for what happen earlier. We do commit mistakes." saad ng lalaki na uli na namang humingi ng tawad.
"Iba ang mali sa katangahan." ani Cathy.
Bumukas ang elevator at naunang lumabas si Cathy.
"Pasensya ka na sa friend ko. Sa susunod po ay mag-ingat nalang kayo." paumanhin ko sa ikinilos ni Cathy.
Ngumiti nalamang ito. Lumabas ako ng elevator at biglang natigil.
Nagkita na ba kami ng lalaking yun dati? Bakit familiar yung smile niya sa akin.
Parang may kamukha siya.
Hays nevermind.Nakasalubong namin si Dr. Lynn.
Hinalikan ni Dr. Lynn si Cathy na may paghawak pa sa baywang. Atsaka ito ngumiti sa akin."Oh bakit parang wala ka ata sa mood?" tanong ni Dr. Lynn Kay Cathy.
"May lalaki kasi sa entrance na nagpainit ng dugo ko." aniya.
"Yaan mo na." ani dok atsaka hinalikan nito ang noo.
"Jai! Nasa meeting hall si Liam dun yung punta ko kaya sumunod ka sa akin." aniya nang mabaling ang tingin sa akin.
Agad naman akong tumango at lahat kami ay nagtungo sa elevator pa akyat.
Nasa 4th floor kami at kinatok ni Dr. Lynn ang door. Pagbukas niya ay agad siyang pumasok at sumunod kami ni Cathy.
"Ikaw?" bulyaw ni Cathy ng makita ang lalaking naka black jacket.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Dr. Lynn.
"Aba eh siya lang naman yung nagpainit ng dugo ko." saad ni Cathy.
"Bakit ano bang nangyari at uminit dugo mo?" tanong ni Liam na kasalukuyang nakaupo na sa loob.
"Tumatawid ba naman habang naka focus sa phone kung di ako nakapagpreno baka nasa Emergency room na siya ngayon." paliwanag ni Cathy.
YOU ARE READING
The Doctor (The Howard Surgeons)
RomanceThis story is a product of the creative imagination of the Author. It's a Medical Fiction story about a 28 year old neurosurgeon Liam Matthew Howard from Cleveland University Hospital that was designated in one of the prestigious hospital in the Ph...