Chapter Thirty Two
Jaira's POV
I can say na naka recover na ako. Nasa room ako ngayon habang nag mumukbang kasama sina mama at papa. Andito din si Alex ang pinaka paborito kong bestfriend sa lahat.
We are all laughing and enjoy eating in the room. Kaya bigla kaming natigil ng pumasok nalamang bigla si Liam matapos niyang kumatok ay agad niyang binuksan ang pinto.
"O siya lumabas muna tayo ng magkausap si Doc at Jaira." saad ni papa.
"Naku okay lang po kumain na po muna kayo. Ipagpatuloy niyo lang ho yan." sagot nito habang abot tenga ang ngiti.
Bakit ba sobrang gwapo niya ngumiti kasi. Unti-unti siyang humahakbang papalapit at agad na umupo katabi ko sa kama.
"Nag mumukbang kana ah!" aniya atsaka niya binuka ang bibig.
Sinubuan ko naman siya ng siomai na sinawsaw ko sa sobrang anghang na sauce nito. Pero ngumuya lang siya na tila ba hindi niya naramdaman yung anghang at nang matapos niya malunok ay ngumanga pa ulit.
"Ikaw din patay gutom ka." saad ko. Sabay subo ng pangalawang siomai.
Bigla itong ngumiti habang ngumunguya. Kaya sobrang baozi ng chiks niya tignan. Nag kwentuhan kami lahat dun at nag tawanan. Nang medyo late na ay nakapagdesisyon si mama at papa na umuwi at isasabay na nila si Alex.
Alam kasi nila na si Liam sa room ko makikitulog instead na sa quarter nito.
"Ihahatid ko na 'ho kayo." aniya at agad naman itong tumayo at sinamahan sila mama at papa lumabas.
"Babalik ako." pabulong niyang senyas sa akin.
Liam's POV
Nang marating ang entrance agad ako nagpara ng taxi na masasakyan nila tito at tita at isa pang taxi para naman kay Alex. Nang makasakay ang lahat ay agad akong bumalik sa loob ng hospital.
Nakita kong nakasakay sa wheelchair si Jasmine. Habang tulak ito ni Kuya Lynn. Patungo sila sa cafeteria.
Sinundan ko sila na dalawa. Nakita kong kumakain ang dalawa. I've never seen kuya Lynn smiles that way again. After ate Kath passed.Umakyat ako patungong quarter. At dumaan sa station.
"Wala bang problema? Ayos ba ang lahat dito?" tanong ko.
"Yes po kuya." sagot ni Brent.
Ngumiti ako at diretso sa quarter. Matapos ako dumaan sa quarter ay bumalik ako sa room 143.
Nakita ko naman si Jaira na nagpapahinga. Nakahiga na ito at sa kesame ito nakatingin.
"Hindi ka ba makatulog?" tanong ko.
Tumango ito at umupo. Kaya agad ako tumabi sa kanya. Isinandal niya ang ulo sa balikat ko. Nang makaupo ako.
"Is there something bothering you?" tanong ko atsaka hinaplos ang pisngi nito.
"Wala naman. Gusto ko lang magpalambing dok." aniya.
I smiled. Atsaka ko ito niyakap.
"Namiss ko yakap mo Mahal." bulong nito habang nasa dibdib ko ang ulo niya.
"Let's just stay like this for a moment." dagdag niya.
Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.
"I won't let go of you." sambit ko.
"I don't want you to let go of me either." sagot niya.
Paulit-ulit ko kinikiss yung ulo niya. At nginingitian siya matapos ko siyang makiss at muli ay hahalik na naman sa ulo.
"Di na amoy siomai bibig mo ah." aniya.
Dumaan nga pala ako ng quarter para mag toothbrush.
"Nag pabango ka ba? Hindi ka ganito ka bango kanina eh." dagdag niyang tanong habang tinitigan ako ng masama.
"Mabango kaya ako palagi." sagot ko habang kiniss ulit yung ulo niya.
"Are you ready for your prize?" tanong ko.
"May prize ako? Ano yun?" atsaka siya tumingin tingin sa paligid.
I smiled. At bigla ko nalang hinalikan yung labi niya. Dahan-dahan ko binubuka ang labi at hinahalikan ang kanyang mga labi. Hinawakan ko ang kanyang mga balikat habang nakapulupot ang dalawa niyang kamay sa aking leeg. Humalik siya sa akin pabalik. This is the sweetest thing I received. Her kiss.
"Yun yung prize mo." sambit sabay ngiti.
"Isa lang?" pa cute nito.
I give her a smack kiss.
"Pwedeng isa pa?" aniya at kitang-kita sa mga mata ang excitement.
Kaya naman sinegundahan ko pa siya ulit ng halik na mas nakaka intimate dahil sa dahan-dahan na niya kinakagat ang lower lip ko.
"Iloveyou Mahal." aniya.
I kissed her again.
"Iloveyou too."
Humiga ako sa kama habang naka doctor gown. Mga kamay ko ang nagsisilbi niyang unan habang ang kanyang mga kamay ay nakapulupot sa aking baywang.
"I've never thought of being inloved." sambit ko habang hinihimas ang ulo niya.
"Ayoko magmahal kasi hindi ko puso yung gamit ko ngayon." saad ko habang unti-unting pumapatak ang luha sa aking mga mata.
"Pakiramdam ko may ibang tao ang nagmamahal sayo dahil hindi naman to akin." sambit ko.
"Heart is always connected to the brain. The amygdala that is part of your brain limbic system is the one who is telling the heart that you have feelings towards me. Hindi yung puso mo ang nagdidikta sa utak mo. It's your brain. Sa ganoong mindset desisyon ng utak mo na mahalin ako ng puso na meron ka ngayon." sagot nito at mas hinigpitan pa ang pagkakayap nito sa akin.
I hold her hand at paulit-ulit ito hinahalikan. Ayoko ng matapos pa ang gabi. Gusto kong ganito lang kami palagi. Isa lang ang alam ko sa mga oras na to. Si Jaira lang ang bukod tanging babae na gusto kong makasama nang panghabang buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/331558508-288-k585344.jpg)
YOU ARE READING
The Doctor (The Howard Surgeons)
RomansaThis story is a product of the creative imagination of the Author. It's a Medical Fiction story about a 28 year old neurosurgeon Liam Matthew Howard from Cleveland University Hospital that was designated in one of the prestigious hospital in the Ph...