Chapter 23

11 6 0
                                    

Chapter Twenty Three

iam's POV

Matapos na makapag-usap ay diretso kami ni Jaira sa department station. Madadaanan kasi yun palabas ng hospital kasi yun ang daan patungong elevator.

Hawak kamay kaming naglalakad sa hallway. Nang marating ang station ay agad kong ibinilin kay Brent na kung hanapin man ako ni Dominic ay pahintayin ito sa quarter.

"Nagtatampo ako sayo Kuya." usal nito na animoy binagsakan ng langit.

"Anong problema?" tanong ko.

"Eh kasi naman Dr. Liam, naiwan ng bestfriend mo yung wallet niya eh si Brent yung nakapulot, dun niya nalamang kapatid mo pala yun." sumbong sa akin ni Kevin na nakasandal sa desk ng station.

"Kaya yan! Hiyang-hiya tuloy siya." dagdag pa ni Jonathan.

Natawa kaming lahat except kay Brent. Like hanggang ngayon di siya makapaniwala. Dumating naman si Lyndon na ihip-ihip pa ang kape na dala-dala niya.

"Bakit kayo nakatingin sa akin lahat?" iling nito na nakakunot pa ang noo habang hinihipan ang kape.

"My little bro has something to tell you." saad ko.

"Ano yun?" tanong naman ni Lyndon na nakataas pa ang kilay.

"Ah eh kasi po." utal-utal na sambit ni Brent.

"Don't tell me alam mo ng ako si Lyndon? Aren't you?"

Natahimik naman si Brent at yumuko sa sobrang kahihiyan. But I know Lyndon very well. Sasakayan niya pa rin yung trip ni Brent na nasimulan na niya.

"Don't be silly little bro. Matagal ko ng tinanggap na may kapatid kami sa labas. Hindi mo kailangan ma ilang." atsaka ito nginitian.

"Welcome to the Howard clan. Mukhang si Kuya Lawrence nalang kulang para tuluyan ka ng maging parte ng Howard." biro ko.

"And siguro need ko mag donate ng dugo sayo para magkadugo na tayo. Yun ba gusto mo?" tanong ni Lyndon na ikinatawa nilang lahat.

"Ang swerte mo naman Brent tanggap ka na nila sa pamilya." biro ni Kevin.

"The illegitimate Child of Howard." dagdag ni Jonathan sabay puri pa nito kay Brent.

"Don't touch me! I'm a Howard." pagyayabang nito.

"Kahit pa maging Howard ka, o ikaw pa ang may-ari ng hospital. Ikaw pa rin si Brent siraulo." hirit ni Macy na agad namang nag taray ng mga mata nito kay Brent.

"Oh siya I'll leave you guys here hahatid ko pa si Jai sa baba." pagpapa-alam ko.

"Sa quarter mo nalang ako hintayin." bilin ko kay Lyn.

Nakababa na kami ni Jaira, at agad akong pumara ng taxi para makasakay na siya.

"Call me when you reach home." bilin ko.

Tumango na lamang ito at tuluyan na ngang umalis ang taxi.

I was on my way back to the quarter when I bumped into Cathy.

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo."

"Oh sorry." sagot ko.

"Bakit ba palagi nag crucruz landas natin. Lalo ng baliw mong kuya. Relay my message to him. Wag na wag na siyang magpapakita sakin or else ipapakalat ko na hinarass niya ako sa parking lot ng mall last week." banta nito.

"Bakit? Ano ba ginawa niya?" tanong ko.

"He grab me down to the basement and kissed my lips without my permission." she exclaimed.

"Oh, really? Did you even kissed him back? Cause if you do, that's not harrassment my dear. Cause you like it in other way around. I gotta go." muli kong tugon atsaka na ako tuluyan na umalis at bumalik sa quarters.

The Doctor (The Howard Surgeons)Where stories live. Discover now