Chapter 37

2 0 0
                                    

Chapter Thirty Seven

Liam's POV

Umaga-umagang naka confine pa rin ako. Nang magising ako ay nakita ko si Jaira na nag rereview sa table at may dalawang tasa ng kape sa mesa.

She smiled at me the moment she notice I'm awake.

"Coffee." atsaka niya iniabot sa akin ang tasa ng kape.

"Nagrereview ka?" tanong ko rito.

Tumango ito at nginitian ako. Inilapit niya ang bibig sa tasa at dahan-dahang hinihipan ang kape at uminom.

"Can you possibly diagnose Lung cancer in Chest x-rays?" tanong ko.

"Yes, makikita mo yung size ng lung is beyond the normal size and there is possible black dot to recognise the cancer."

"What is Lobectomy?" tanong ko.

"Lobectomy is performed by thoracic surgeons to removed all the lobes of the lung especially in to those patients who has lung cancer."

"Galing ah!" atsaka ko ito nginitian.

Ngumiti naman ito sa akin pabalik.

"Craniotomy is?"

"Is a surgery wherein a handsome neurosurgeon like you removed the tumor in my brain."

Atsaka ako tumawa ng malakas.

"Handsome ako?" tanong ko.

"Oo naman. Ang boyfriend ko ang pinakagwapong lalaki sa mundo." atsaka niya ako tinitigan.

Inilapag ni Jaira ang tasa sa mesa at binaling ang atensyon sa akin.

"Mukhang sayo palang marami na akong matututunan." aniya.

"Ikaw ang libro ko. Dahil ikaw ang may malawak na knowledge about sa mga bagay na gusto kong malaman."

"I rely everything on you Dr. Liam so please magpalakas ka para sa akin."

"Lapit ka." saad ko atsaka niya inilapit ang kanyang mukha sa akin.

Akmang hahalikan ko siya ng biglang pumasok si Brent at Nurse Grace sa kwarto.

"Hay! Nakadisturbo ba kami sa lampungan niyo?" tanong ni Brent na tinaasan pa ako ng kilay.

"Balik nalang ba kami later para mag dosage ng gamot?" dagdag niya habang itinutusok ang syringe sa tube.

"Babalik ka pa eh halos tinusok mo nang lahat." pabiro kong sagot.

"Tumahimik ka diyan nagtatampo ako sayo." pikon nitong sagot.

Napayuko nalamang ako at ngumiti. Minsan din talaga tong si Brent astang bata.

"Oh siya pagka discharge ko dito di na kita papansinin." sagot ko.

"Baliw! Sabi ko bang wag mo 'ko pansinin? Sabi ko tumahimik ka lang kasi nagtatampo ako. Mabilis lang naman lumipas tampo ko eh. Kaya pagaling ka na. Bye!" saad nito at agad silang umalis ni Nurse Grace.

Maya-maya ay bumalik ito at bahagyang binuksan ang pinto.

"Tuloy niyo yung naudlot niyong landian. Nakakahiya naman sa inyo diba?" saad nito at may panguso-nguso pang nalalaman.

"Itong si Osario talaga." bulong ko.

Ibinaling kong muli ang mga tingin sa napakagandang babae sa aking harap.
At hinalikan ang kanyang noo.

"After getting your license sa anong specialization ka mag reresidency?" tanong ko.

"Thoracic Surgery yung balak ko. You take care of my brain as you are my personal neurologist. And I'll take care of your heart." saad nito sabay nginitian ako ng sobrang cute.

The Doctor (The Howard Surgeons)Where stories live. Discover now