KABANATA XXXIII

202 23 0
                                    

KABANATA XXXIII: BAKIT

Shanelle

Pagkatapos naming mag usap ni Binibining Yuki ay agaran akong umalis sa lugar na iyon upang bumalik sa palasyo. Gaya ng kanyang itinugon ay kinakailangan kong ipaalam sa aking mga magulang na ako'y nakabalik na ngunit mahigpit niyang ipinagbilin na 'wag kong ipapaalam ang isaktong kinaroroonan ni Klean. Nararamdaman at nakikita ko sa kanya na siya ay labis na nag aalala para sa kaligtasan nito at iyon ay mahirap para sa akin lalo na kapag nakikita ko sila na magkasama. Aminin ko man o hindi, ako ay nasasaktan. Hindi ko maiwasang mag isip na sila'y muling nagkatagpo kung kaya't unti-unti na rin niya ako nakakalimutan. Hindi ko rin naman makokompara ang sarili ko sa babaeng mas nakakakilala at nakasama niya nang mas matagal. Ano pa ba ang aking aasahan sa aming dalawa?

Bakit ganito? Hindi ko naman makita na ganito ako noon. Tila ako'y takot na takot at balisa sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. May kalahati sa akin na masaya ngunit malungkot din. Ayokong mag isip ng mga negatibo. Kailangan ko tanggapin na hindi kami para sa isa't isa. Ang tanging magagawa ko ay ang iligtas siya mula sa mga pagtatangka. Iyon ang aking magagawa bilang isang prinsesa at kaibigan.

Sa pagkakataong ito ay nakabalik na ako sa palasyo. Oo, lahat sila'y nagulat sa aking pagbabalik. Puno ng masasayang ngiti ang kanilang mga mukha ng ako ay kanilang salubungin.

"Anak, nakabalik ka na! Saan ka ba nagpunta? Ang buong akala nami'y kung napa'no ka na." Mahigpit akong niyakap ni ina habang ang mga luha'y isa-isang nagsisibagsakan sa kanyang mga mata. Ang kanyang emosyon ay nagpapahiwatig na nananabik siya na muling masilayan at maramdaman ang aking presensiya.

Ngumiti ako. "Salamat po!" tanging saad ko sa mahinang tono. Hindi ko siya ginantihan ng yakap sa halip hinayaan siyang yumakap sa akin nang matagal.

Sumulyap ako kay ama, tulala siyang nakatingin sa akin. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa mga sandaling ito ay babalik ako. Aaminin ko, mabigat ang loob ko sa kanya. Hindi ko pa rin limot ang nangyari bago ako tumakas sa palasyong ito. Wala akong inabot na kahit anong reaksiyon sa kanya. Nakipagtitigan lamang ako sa loob ng ilang segundo bago itinuon ang atensiyon sa ibang bagay.

Habang nagdiriwang sina ama't ina sa aking pagbabalik ay saka naman dumating si Lhyster. May bahid ng dugo ang kanyang damit at espada. May mahaba sugat siya sa braso. Pawis na pawis ito na tila ba kagagaling sa madugong labanan.

"Lhyster, anong nangyari sa iyo? Bakit ganiyan ang hitsura mo?" gulat na tanong ni ama. Kahit ako ay magugulat din.

Suminghap nang malalim si Lhyster. "Mabuti dahil ikaw na mismo ang pumunta rito, ang buong akala ko'y sumama ka pa sa mga unggoy na iyon!" ngusap niya sa 'kin at tiningnan ako nang matalim.

Nangalayat ako sa kaba, bahagyang umatras at halos hindi makapagsalita. "Anong ibig mong sabihin, Lhyster?" ikalawang pagtatanong ni ama. Naguguluhan.

"Mahal na hari, natagpuan ko ang inyong anak kasama ang mga kasamahan ko. Tanging ako lamang ang nakaligtas nang makapasok ako rito sa palasyo. Nakita ko rin na magkasama nga sila ni Koronel Klean. Naibalik ko siya ngunit hindi ko nagawang mapaslang ang taong iyon dahil sa isang kasunduang nabuo kaya naman, nais kong ikaw na mismo ang magpataw sa kanya ng kamatayan ayon sa kanyang ginawang pagkakamali," deklara ni Lhyster.

"Mabuti. Nasaan na itong si Klean, upang mapagbigyan ka sa iyong kahilingan bilang aking matapat na pasasalamat!"

"Ama, walang ginawang masama sa akin si Klean. Tinulungan niya lang naman ako!" singit ko sa kanila.

"Shanelle!" may diing sabi ni ama sa pangalan ko. Alam kong galit siya pero hindi pa rin ako nagpatinag bagkus nagpatuloy sa pagtatanggol tungkol kay Klean.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)Where stories live. Discover now