PROLOGUE

628 16 0
                                    



"Kailangan ba talaga puting dress? Kanina pa ako paikot-ikot, kung hindi mo bet ang design, naiiklian ka naman. Ano ba talaga?" reklamo ko kay Alice habang kausap ito sa phone. "Wag ka na lang kayang umattend sa party na yan."



"Si Axeia daw andito sa department store, girl!"


"I told you, malapit lang kasi dito ang hotel na tinutuluyan nila."


"Hanapin natin!"



"--- kaya hindi talaga pwedeng hindi pumunta, couz. Kung wala ka talagang makita, magtitingin na lang ako online."


"I'll call you back."



Sa entrance palang ng department store ay kapansin-pansin na ang kumpulan ng mga tao. I sighed at saka sumakay pababa ng escalator patungo sa kabilang entrance. Good thing, sa second floor naisipan ng mga fans mag-abang sa nasabing volleyball player.



Sinimulan kong ikutin ang lugar, mula sa kids section, fitting room, school supplies at maging sa health and wellness. Aakyat na sana ako patungong second floor nang mapansin ang isang babaeng tila nagtatago malapit sa may gift wrapping section.



I sighed in relief at saka kumuha ng isang cap at jacket. Kaagad ko itong binayaran at saka dire-diretsong tinungo ang pakay.



"H-hey." angal nito nang bigla ko na lang itong hawakan sa braso at hilahin patungo sa malapit na fitting room. Mabuti na lang at walang ibang tao. "T-teka sino ka? Anong ginagawa mo?"


"Kung gusto mong makaalis ng ligtas, just wear this jacket and cap, okay?"


"But---"



Hindi ko na siya pinakinggan at sinimulan na lang isuot ang jacket dito. Nalilito naman itong nakisama habang sinisilip ang mukha ko na natatakpan ng cap na suot ko. I used my spare scrunchy para itali ang buhok nito into a bun at saka isinuot ang cap. I nodded nang mapagmasdan ang kabuuan nito, hindi na siguro ito makikilala.



"Let's go." yaya ko dito at saka hinawakan ang laylayan ng jacket nito. "Babalik ka na ba sa hotel o may iba ka pang pupuntahan?" I politely asked nang mapansin ang pananahimik nito. Mukhang nabigla ko ata.


"Hotel na."



I nodded at saka bumitaw sa pagkakahawak sa jacket, tahimik na lang kaming naglakad patungo sa exit ng mall. May ilang napapalingon, kaya medyo ibinaba ko pa ang suot kong cap.



"S-salamat nga pala." saad ng babae pagkalabas nila ng mall, walking distance lang din kasi ang hotel na tinutuluyan ng mga ito. "Naiwan ko kasi ang suot kong cap noong nagpunta ako sa CR, kaya pala naririnig ko na iyong pangalan ko pagkalabas ko. Nagpanic na ako hanggang sa nakarating ako ng department store."


"Next time, isama mo si Georgia." tukoy ko sa setter ng team nila.


"Kilala mo si Galvez?"


"Sino bang hindi?" I answered then stopped walking since nasa entrance na kami ng hotel. "Pasok ka na."


"Uuwi ka na ba or babalik ka sa mall?"



Itinuro ko naman ang malapit na Jollibee, kanina pa kasi akong nagugutom.



"Ang crowded." I heard her whisper. "Sana all."


"Ano bang usually ino-order mo sa Jollibee?"


"Ultimate Burger Steak with Egg, Coke float then Tuna Pie!" excited na turan nito. "Hindi ko na nga lang matandaan iyong last time na nakapunta ako diyan, most of the time via delivery na lang." pagkuwa'y malungkot itong ngumiti.


"I understand, pasok ka na."


"Salamat ulit sa tulong." ngumiti ito at tumalikod na, pero maagap ding muling humarap. "What's your name?"


"Ez."


"S? S lang?"



I smiled and saka kumaway, nagsimula na rin akong maglakad patungo sa Jollibee. Nakakagutom.




That night, napangiti ako nang makita ang story sa Instagram ni Axeia Zadie Tejano, picture ng paborito nitong pagkain sa Jollibee. Naibigay naman pala ni Kuya guard.

That Volleyball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon