19

154 16 1
                                    


"The flowers.." saglit kong nilingon si Axeia, bago mabilis na muling itinuon ang pansin sa umaalon na tubig sa pool na nasa harapan namin. "..walang kahit anong meaning iyon, I asked her after the awarding. We're just friends." Wala naman akong sinasabi. "For sure kasi kalat na sa socmed iyon, nililinaw ko lang agad, para iwas overthink." I sighed heavily ng maramdaman ang pag-ihip nito sa braso ko. Kasalukuyan kasi nitong nilalagyan ng ointment ang mga sugat ko, mapilit ito kahit ilang beses kong sinabi na okay na, nagamot na. "I understand that they adore you, but this is too much, lowkey ka pa ng lagay na yan ha."


"H-Hindi naman nila sinasadya." mahinang tugon ko ng samaan ako nito ng tingin, umirap lang ito at nag-pokus na ulit sa braso ko. "I think they're just excited to see us, almost complete. The Thrill Seekers, I mean."


"Then, are we going to see Thrill Seekers in the next conference?"


I shrugged. "Kung mangyayari man iyon, ibig sabihin kailangang umalis ni Georgia ng Magnum Spikers, are you okay with that?"



Natigilan naman ito at inangat ang tingin sa akin, I raised my eyebrow ng ilang minuto na ang lumipas pero nanatili pa rin ang titig nito sa mukha ko.



"If it means a chance to see you play again, why not?" she smirked kasunod ng mahina nitong pagtawa nang wala akong nagawa kundi ang umiwas ng tingin, ramdam ko din ang pag-init ng dalawa kong tainga na for sure namumula na. "Cute mo." komento pa nito na lalong ikinaiwas ng mukha ko. "But it doesn't mean na bati na tayo. Hindi ko pa rin nakakalimutan na tinaguan mo ako after I confessed." nakanguso na nitong dugtong.


I bit my lower lip at pasimpleng sinilip siya, nilalagyan na nito ng band-aid ang braso ko. "I'm sorry. It was u-urgent."


"Hmm, then bakit pagbalik mo may kasama ka ng iba? Masyado ba siyang importante sa'yo na nagawa mong umalis agad for her, tapos hindi mo pa magawang mag-chat man lang. Hindi mo pa napanood ang game namin." parang batang maktol nito. "Isa pa itong mga fans mo, nakita lang na magkasamang dumating, g-girlfriend mo na daw agad." may halong gigil pang saad ni Axeia. "Kasalanan mo din, alam mo namang shini-ship kayo, tapos magkatabi pa kayo sa upuan. Enjoy na enjoy ka pa." mahina akong napadaing ng kurutin nito ang tagiliran ko. "Tell me Elliot, sino ba talaga si Mary Quinn Clemen sa buhay mo?"



Wala sa sariling napainom ako sa juice na inihanda kanina ni G bago ito umalis. Alam ko namang dadating talaga ang pagkakataon na ito, na kailangan kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Quinn, hindi lang talaga ako nainform na ngayon na pala. Natuod pa ako sa sandali dahil iyong pisngi ko naman ang nilagyan nito ng band-aid.



"Ang angas mo lalo, kainis." mahinang komento nito bago napasandal sa kinauupuan namin. I heard her sigh. "If you're not ready, hindi naman kita pipilitin Elliot. B-Basta wag mo lang akong iwasan at taguan."



Ilang minuto ding katahimikan ang namayani sa pagitan namin, pareho lang naming pinagmamasdan ang maliliit na alon na tila naghahabulan sa swimming pool.



"S-she's my ex." panimula ko, I saw her nodded. "We broke up two years ago, I mean she left me. Wala kaming proper break up, dahil bigla na lang siyang umalis. Late ko na din nalaman iyong rason kung bakit niya kinailangang gawin iyon." I continued. "I went to Japan to talk to her, to have closure."


"Ang sosyal mo namang manghingi ng closure." saad nito, hindi ko alam kung nagbibiro ba ito or sarcastic lang talaga ang tono niya. "Siya rin ba ang dahilan kung bakit hindi ka na naglalaro?" tumango ako, bumuntong-hininga siya. "Mahal mo talaga."


"I did."


"Bakit pala ngayon ka lang nakipag-usap sa kanya? I mean, bakit ngayon mo lang naisipang humingi ng closure?" I gulped. "I-It's okay, kung hindi mo sagutin, I'm just curious." bawi nito ng mapansin ang naging reaksyon ko. "That's explain the closeness, kapansin-pansin naman talaga iyong interaction niyo dati, may spark." dugtong nito. "Yung ngitian, yakapan at tapikan niyo dati whenever you scored or she saved the ball." She smiled a little. "Bagay kayo."


"Our story ended, Axeia."


Pinanliitan niya ako ng mata at nakapamewang na tumayo sa harapan ko. "Bakit parang nanghihinayang ka? Mahal mo pa? E di balikan mo, sinundo mo na nga sa Japan. Pakasalan mo na din." Pinigilan ko ang matawa ng lalo itong sumimangot. Bakit ang cute niya? "Oh wag mo ng pigilan, Elliot. Ilabas mo na iyang kilig mo at baka mapanis."



I chuckled at walang babalang hinila ang bewang nito palapit sa akin, I hugged her at isinandal ang noo sa balikat niya. Ramdam ko ang pagkabigla nito sa ginawa ko, nanatili din ang mga kamay nito sa balikat ko.



"So, hindi mo ako paninindigan?" I asked. "Akala ko mahal mo ako? Joke lang iyon?"


"H-hindi. I mean it."


"I went to Japan because of you." I told her. "Gusto kong matuldukan iyong sa amin bago kita harapin." I stared at her. "I'm sorry kung feeling mo na-ghost kita. Nasa Japan din kasi ang grandparents ko kaya hindi kaagad ako nakauwi, nakipag bonding muna ako sa kanila. Hindi rin nila ako pinayagang mag-cellphone. I'm sorry po." Umiwas ng tingin si Axeia pero pansin ko ang pamumula ng tainga nito. "If you will allow me, can I court you?"


Mabilis niya akong nilingon, nakaawang ang mga labi nito at tuluyan ng namula ang magkabilang pisngi. "N-No." bahagyang lumuwang ang pagkakahawak ko sa bewang niya, pero maagap niyang hinawakan ang pisngi ko. "I mean, ako iyong nag-confess, hindi ba dapat ako ang manligaw?"


"Marunong ka ba?" I teased pero sinamaan niya ako ng tingin. I chuckled at muli siyang niyakap, this time niyakap niya na rin ako pabalik. "Let's court each other then."


"Pero bakit mo ako liligawan?" kunot-noong tanong nito matapos bumitaw sa pagkakayakap ko, I pouted. I want to hug her again. "Gusto mo ba ako o liligawan mo ako kasi alam mong mahal kita?"


I frowned too. "Isn't it obvious? I have feelings for you too."


"S-seryoso?" hindi makapaniwalang tanong nito. "P-Paano? I mean.."


"Because you're Axeia Zadie Tejano, isn't that enough reason?" I asked at mahinang kinurot ang pisngi niya. "Let me hug you again, my MVP." 

That Volleyball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon