10

150 9 0
                                    


"Are you okay?" Mula ng bumalik sa sasakyan hanggang sa makarating sa condo ni G ay wala kaming imikan ni Axeia kaya bahagya akong natigilan ng magsalita ito habang nasa elevator kami. "You seemed distracted since you met that girl. Gusto ko sanang itanong kung sino yung babae kanina pero alam kong hindi ka pa ready na pag-usapan. Just tell me you're okay, Elliot. Sapat na sakin iyon."


I nodded and smiled a little. "Yeah, I'm fine Axeia."



Saglit muna itong tumitig sa akin bago dahan-dahang tumango, kasunod ng pagbukas ng elevator. Pinauna ko itong lumabas, bago ako sumunod. Pasimple ko itong sinulyapan habang naglalakad kami patungo sa unit ni G, seryoso ang mukha nito at tila may malalim na iniisip.



"Akala ko pa naman masosolo kita, Ez." bungad sa amin ni G when she opened the door. "Hindi ako nainform na for the third wheel ang ganap ko for today's video."


"Hindi ka na sana pumayag na isama ako, kung mukhang napipilitan ka lang pala, Galvez." mataray na tugon ni Axeia na bahagya pang tinabig si G at tuluyan ng pumasok sa loob.


"What was that?" G whispered. "Bakit mukhang may baong toyo ang isang iyon, sa pagkaka-alala ko ice cream lang ang pinadala ko ah?"



Umiling lang naman ako, kasi hindi rin ako sigurado o natatakot lang akong alamin. Ngayon ko lang din naman nalaman na may pagka-moody pala si Axeia. From pagiging mataray, pagiging sweet to pagiging ma-attitude real quick!



Dumiretso ako sa sofa ni G, bukas na ang TV nito at kasalukuyang pine-play ang naganap na laro kanina. Nahagip pa ng mga mata ko si Axeia na nasa kitchen counter at inaabala ang sarili sa pag-inom ng malamig na tubig.



"Magpalit ka muna ng damit, Ez. Dito ka na rin matulog." saad ni Georgia habang nililigpit ang gamit niya na nasa center table. "Nag-order na rin ako ng food, on the way na siguro yun."



Tahimik lang naman akong tumayo at nagtungo sa isang kwarto, pero sa halip na dumiretso sa banyo, mas pinili kong maupo sa kama at makipag titigan sa pader. Isa si Charity sa mga taong nilapitan ko noon upang mahanap at makausap si Quinn, pero bigo akong makakuha ng impormasyon mula rito. Tapos ngayon, after two years, muling nagkrus ang landas namin and obviously, she had a contact with the latter. Dapat ba pinakinggan ko kung anong sasabihin niya? Handa na ba ako?



"Ez." G tapped my shoulder, hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya at kunot ang noong nakatingin sa akin. "Sabi ko na nga ba, something's wrong with you."


I stared back at her for a moment. "I met Charity." Kaagad nanlaki ang mga mata ni G at kaagad naupo sa tabi ko. "Natatandaan mo siya?"


"Of course! She's one of her closest friends." G exclaimed. "What happened? Kasama niya ba si—"


"No." maagap kong sagot. "It was just a brief meeting, Axeia intervened."


That Volleyball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon