Bahagya kong minasahe ang kaliwang kamay habang naghihintay na umusad ang mga sasakyan sa aking harapan. It was three in the afternoon, roads filled with cars, trucks, and buses, sidewalks filled with pedestrians. It was supposedly a chill ride, pero hindi ko man lang magawang humarurot ngayon. Sana pala nag-Netflix na lang ako.
"Oo girl, I saw her kanina."
"Nakapagpa-picture ka?"
"Nahiya ako, kasi I'm alone. But you're here na, so hanapin natin siya."
"Sure ka bang si Axeia yun? Baka kamukha lang, uso pa naman yun."
"I'm 100% sure! Gawain niya daw talaga yun, ang tumambay here and eat street foods!"
I heaved a sigh at walang pagdadalawang-isip na naghanap ng parking for my motorcycle. Ngayon ko lang din napansin na nasa sikat na baywalk pala ako and it's really crowded. Ano na naman kayang trip ng babaeng yun?
Tinanggal ko ang suot na helmet at kinapa ang cellphone sa suot na mesh riding jacket, good thing I wore a balaclava mask.
"E-Elliot? W-Why–" pabulong na tugon ni Axeia sa kabilang linya.
"Where are you?" putol ko dito habang lumilingon sa paligid.
"H-Ha? Bakit? A-Ano kasi–"
"Just tell me where you are bago ka pa tuluyang pagkaguluhan."
She heaved a sigh. "Trending na naman siguro ako, I'm here at the Rose Baywalk. Sa loob ng CR, third cubicle from the entrance. M-mamaya mo na ako pagalitan Elliot, I need to call Ry."
"Hindi ka talaga natuto noong pagkaguluhan ka sa mall no?" sagot ko habang naglalakad, totally ignoring everyone.
"Natuto!" bulalas nito pero kaagad ding hininaan ang boses at muling pabulong na nagsalita. "Naka-disguise kaya ako, naka-cap and shades. Gusto ko lang namang kumain ng kikiam at kwek-kwek habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Hindi ko naman ineexpect na may makakakilala sakin. Sumikat lang naman ako dahil sa break-up namin ni Addi, gosh! Sinakop na talaga ng mga Marites ang Pilipinas!" pagra-rant pa nito mula sa kabilang linya. "Gusto ko lang mag-relax today dahil halos hindi na kami humihinga during practice tapos ganito pa ang nangyari. Sana man lang di ba—oh my god! M-may kumakatok Elliot, mukhang nalaman na ng mga humahabol sakin kanina na dito ako nagtatago. A-Ano Elliot, ibababa ko muna itong tawag, kailangan ko ng magpasundo kay Ry. I'll call–"
"Open it."
"H-Ha? Seryoso ka ba? Saka bakit parang naririnig ko ang boses mo outside the cubicle?"
"Open it, Axeia."
Maya-maya nga'y bumukas na ang pinto ng cubicle, I dropped the call. Bahagya lang sumilip si Axeia mula sa loob at halata ang pagpapanic ng makita ako.

BINABASA MO ANG
That Volleyball Player
Novela JuvenilEzra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study law. Axeia Zadie Tejano, one of the famous volleyball players that Ezra has an eye for. Not only be...