Good day, Ms. Zabel, this is regarding to our invitation for you to play in the upcoming V-League, we would like—
Maagap kong napindot ang exit ng aking Gmail when I saw Alice na papalapit sa pwesto ko. Upon doing so, bigla na namang nagsilabasan ang iba't ibang notifications na siyang ikinasimangot ko.
"Badtrip?" bungad ni Alice matapos nitong maupo sa tabi ko, kinuha ko ang inaalok nitong ice cream. "Nagbabad ka na naman sa Twitter no? Ganyan lang naman ang mukha mo kapag may nababasa kang hindi maganda about Axeia."
Walang imik ko namang inabot dito ang sariling cellphone.
"Oh my gosh!" OA nitong turan habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa cellphone ko. "Kaloka, dumarami na ang EzEia shippers!" tukoy nito sa mga fans na nagshi-ship sa amin ni Axeia. "Infairness, bagay kayo couz."
Kaagad ko naman itong sinamaan ng tingin pero ngumisi lang ito at patuloy na pinanood ang mga edited videos na kumakalat sa social media, lalo na sa Tiktok.
"Halos sumabog ang phone ko sa sobrang daming notifs." angal ko dito, maya't maya kasi ang pagta-tag at pagme-mention sa akin sa mga edited videos and pictures. "Salute sa mga fans na ang daming time mag-edit. Sana all madaming free time no? Kung ako sa kanila itutulog ko na lang iyon. Imagine halos wala pang 5 seconds iyong interaction namin tapos biglang nagsulputan ang mga fans na yan." pagpapatuloy ko, after ko kasing bumati at magpakilala sa Kumu live ni Axeia, kaagad akong umalis at sa kwarto na lang nagpatuloy nang paggawa ng digest. Iniwan ku na si G sa sala at hindi na ako lumabas pa. "Dumagdag pa iyong mga fans ni Addison, lahat na lang pinapansin. Wala namang ginagawang mali si Axeia pero kung ma-bash nila, akala mo walang feelings iyong tao." napabuga na lang ako ng hangin at itinuon na lang ang pansin sa kinakain na ice cream. "Tapos wala na namang ginagawa si Addison, hindi man lang ipagtanggol si Axeia."
"Couz." seryosong tawag sakin ni Alice. "Sure kang as a fan lang iyang inis na nararamdaman mo?"
Tumango naman ako at nagtatakang tumingin dito. "Of course. May iba pa bang dahilan?"
"Okay, sabi mo e." nakangiting tugon nito. "Gusto mo ba siyang makita ulit?" maagap naman akong umiling. "Why? Kaya nga hindi mo na ako nabili ng dress that time kasi nakita mo siya, inihatid sa hotel at binigyan ng Jollibee? Kaya nga din nagtampo iyong best friend mo kasi hindi mo man lang siya idinamay kahit regular fries lang?"
"Hindi ko naman sigurado na matatanggap nga niya, nakilala ata ako ni Kuya guard." kalmado ko nang tugon. "Okay na rin kami ni Georgia, pagkain lang katapat ng babaeng iyon." I paused. "And if magkikita man kami, mas okay kung hindi sinasadya, hindi planado." kumunot ang noo ko at napailing. "Wala rin namang dahilan para magkita kami."
Alice shrugged.
"Friends sila ni Georgia, imposibleng hindi ulit kayo magkita. For sure, pipilitin ka din ng isang iyon na manood ng games nila." maagap na sagot nito. "Hindi ka ba namukhaan ng idol mo noong live?" tanong ni Alice matapos ubusin ang sariling ice cream. "Kalat din ang mukha mo sa Instagram ah."
![](https://img.wattpad.com/cover/333401917-288-k839055.jpg)
BINABASA MO ANG
That Volleyball Player
Novela JuvenilEzra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study law. Axeia Zadie Tejano, one of the famous volleyball players that Ezra has an eye for. Not only be...