"What do you think?"
G chatted after she sent the video of her practicing my net serve. I truly admire her dedication and love for volleyball, gustong-gusto talaga niyang makuha ang championship ngayong conference. Two days na lang kasi ay magaganap na ang Game 1 ng Finals.
"Send all your weight from your arm to the ball and make sure that your serving hand is slanted slightly upward." I replied.
I-exit ko na sana ang Messenger app ko ng muli itong magnotify, I bit my lower lip ng mabasa ang nasabing chat.
AZ Tejano:
You're replying to Galvez, but you're ignoring my messages.
Napabuga na lang ako ng hangin at tuluyang binitiwan ang cellphone.
"You're here." bungad ni Alice matapos isara ang pinto ng sariling opisina, bakas ang pagod sa mukha nito habang may bitbit na dalawang folders. "You should call me, cous. Kanina ka pa ba?"
"According to your secretary, nasa meeting ka daw kaya hindi na kita inabala." I answered at muling binalingan ang report na nasa harapan, mabilis kong pinasadahan ng tingin ang mga numbers na nakasaad dito bago bilugan ang mga maling entries. "I got bored so pinakialaman ko na ang mga ito, I hope you don't mind." tukoy ko sa mga paperworks na nakakalat sa table niya. No wonder na kahit tanghali pa lang, pagod na pagod na agad ang itsura ng pinsan niya. Ang dami kasing pending na trabaho na naghihintay sa table nito.
"Well I'm grateful, mukhang wala na akong gagawin for today kundi tumambay maghapon dito sa opisina." sagot nito bago naupo sa upuan na nasa harap ng table niya, kasalukuyan ko kasing inookupa ang swivel chair nito.
"You should take a rest, cous. Ang haggard mo na, baka iwan ka na ni Arya."
Mabilis naman nitong kinuha ang cellphone at inopen ang camera to look at herself. "Gosh, mukhang kailangan ko na ngang magpa-facial. Ang arte pa naman ng babaeng yun." wika nito habang sinusuri pa rin ang mukha. "Kasalanan kasi 'to ni Daddy, tambakan ba naman ako ng trabaho para hindi daw ako makalayas." napailing na lang ako sa inaakto nito. "But, I'm worried. What's going on, cous? What's bothering you?" muling tanong nito bago dahan-dahang kinuha sa akin ang report na kasalukuyan kong pinagkakaabalahan na naging dahilan ng pag-angat ko ng tingin. "Tell me."
Ang hirap namang magtago sa isang 'to!
"What is it?" muling untag nito ng ilang minuto ang lumipas at nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
I frowned at mabilis na umiwas ng tumingin, bago marahas na nagpakawala ng malalim na hininga. "I don't know why. Hindi ko rin alam kung anong problema." naguguluhan kong tugon.
"Ano bang iniiwasan mong isipin at pilit kang naghahanap ng distractions?" maingat nitong tanong. "Arya called me yesterday, she found it weird na nag-volunteer ka na maging photographer niya for a shoot, tapos ikaw na din daw ang nag-edit. You worked your ass until midnight, cous. So tell me, what's on your mind?"

BINABASA MO ANG
That Volleyball Player
Teen FictionEzra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study law. Axeia Zadie Tejano, one of the famous volleyball players that Ezra has an eye for. Not only be...